Jericho Rosales on working with ex-girlfriend Heart Evangelista: “If the timing is right, the script is right, why not?”

Jericho Rosales signed a three-movie contract with Viva Films earlier today, September 23. Present during the contract signing (L-R) were Jericho’s manager Angeli Pangilinan and Viva Entertainment executives Vic del Rosario and Vincent del Rosario.


Maligaya si Jericho Rosales dahil magkakaroon siyang muli ng pagkakataong gumawa ng pelikula sa Viva Films.

Kanina, September 23, pumirma ang aktor ng kontrata sa Viva Films para sa tatlong pelikula.

“It’s nice to have an extended family,” ani Jericho nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, bago magpirmahan ng kontrata.

Dagdag pa niya, “Sobrang sarap lang ng ganitong feeling that finally…

“It’s an answered prayer for me that may isang production company na nagtiwala sa akin, sa mga gusto kong gawin.

“I think I’m on the right track.”

Ang huling pelikulang nagawa ni Jericho sa Viva Films ay ang Baler, na nanalo bilang Best Picture sa Metro Manila Film Festival noong 2008.

Si Jericho ay nanalong Best Actor para sa pagganap niya sa nasabing pelikula sa 25th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong 2009.

Ngayon, para sa una niyang proyekto sa pagbabalik sa Viva, muling makakatrabaho ni Jericho ang direktor niya sa Baler, na si Mark Meily.

Ang magiging leading lady naman niya ay si Andi Eigenmann.

Bilang paglalarawan sa gagawin nilang pelikula, sabi ng Kapamilya actor, “This project na gagawin namin ni Andi is fun.

“It’s a favorite, may following kaagad yung script because galing siya sa isang libro. So, exciting.”



ON WORKING WITH ANDI. Tiwala rin ang aktor na magiging maganda ang pagsasama nila ni Andi sa pelikula dahil naniniwala siya sa kakayahan ng young actress.

Sabi ni Jericho, “You know what, let’s not underestimate Andi.

“Andi is a good actor, and she’s the type na puwede mo siyang ilagay sa kahit anong klaseng ng pelikula and she’ll still shine.

“I’m so proud of her kasi puwede siyang mag-fantasy, puwede siyang whatever, di ba?

“She’s an artist that attacks, and di mo puwedeng sabihin na ito lang ang image niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paniniguro pa ni Jericho tungkol sa anak ng mga batikang artistang sina Jaclyn Jose at Mark Gil, “It’s in her blood na, parang lumabas yung mga magagaling na artista.”



PROJECT WITH HEART? Sa kabilang banda, bahagyang umiwas si Jericho nang tanungin tungkol sa posibleng pakikipagtrabaho niya sa dating girlfriend na si Heart Evangelista.

Contract artist na rin ngayon ng Viva Films si Heart.

“I think it’s too early for that,” sabi ng aktor.

Gayunman, hindi raw isinasara ni Jericho ang kanyang pintuan para sa ganitong pagkakataon.

“If the timing is right, the script is right, why not?

“For now, I just don’t wanna focus on the Heart thing.

“We all know na may mga stuff, issue, and everything. I’m not just really the type of artist na sasakay sa ganung init ng isyu.

“I always based my projects sa script, kung ano ba yung kagandahan ng pelikula.”

Banggit pa niya, “Well, Heart’s an artist. I’m an artist.

“There will be a time when we’re both on the set, mangyayari din ‘yon. I’m sure mangyayari din ‘yon.

“For now, I just wanna focus kung ano ang ibinigay sa akin.”



NOT AN EXCLUSIVE CONTRACT. Samantala, nilinaw ni Echo na ang pagpirma niya sa Viva Films ay hindi nangangahulugang exclusive contract artist siya nito.

“May option ako to do movies outside,” sabi ng actor-recording artist.

“You know, they’re nice enough to allow me, because they understand that I love doing films, and this is the season for me to make movies.

“I can still do an indie film, one indie film a year. They also know that I love indie films.

“In fact, Alagwa is going to be released through Star Cinema this October 9.

"They have good relationship, of Viva with ABS-CBN and Viva with Genesis. Maganda ang relationship nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Alagwa ang first indie film ni Jericho.

Dahil sa pagganap niya rito, pinangaralan siya ng Outstanding Achievement in Film Acting award sa Newport Beach Film Festival.

Nagkamit din siya ng Best Actor award sa Gawad Urian ngayong taon para sa pelikulang ito.

Kaya naman lubos na ikinatutuwa ni Echo na mabibigyan pa siya ng pagkakataong gumawa ng ibang pelikula sa labas ng Viva Films.

“It’s nice because, it’s like, I can go anywhere, people trust, and I’m very thankful with that,” sabi ng talented actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN