Lucho Ayala on being Dennis Trillo’s look-alike: "Mas maganda yung nag-iisa yung mukha mo."

Lucho Ayala on competition in showbiz: “Grabe talaga ang competition kasi ang daming artista, e, di ba? Lahat naman may hitsura, lahat naman, may talent, di ba? Pero you have to really step up, I have to step it up. Kasi, yun nga, in order for me to outsmart yung mga competitors, kailangang kakaiba yung ginagawa ko."


Marami ang nakakapansin na may hawig ang Kapuso young actor na si Lucho Ayala sa award-winning actor na si Dennis Trillo.

Aware naman daw si Lucho rito.

Aniya, “Ever since, sinasabi na talaga sa akin ‘yan, na kamukha ko raw si Dennis Trillo.”

Ayaw ba niya na may kamukha siya?

“As much as possible, ayokong may kamukha talaga—kung ako ang papapiliin, ha?

“Kasi, mas maganda yung hindi ka naku-compare, e. Mas maganda yung nag-iisa yung mukha mo.

“Pero kung meron nga akong kamukha e wala na akong magagawa.”

Ano ang gagawin ni Lucho para hindi siya maikumpara kay Dennis?

“Iibahin ko yung image ko.

“Like, kunyari sa style ng buhok, yung pananamit siguro, mga ganyan. From there, siguro maiiba na.”



BASHERS. Kagabi, September 23, nagsimula na ang airing ng primetime series ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man.

Kabilang sa cast si Lucho, na gumaganap bilang karibal ni Kristoffer Martin sa pag-ibig ni Julie Anne San Jose.

Hindi ba siya natatakot na magkaroon din ng bashers, gaya ni Kristoffer, dahil sa pakikipagtambal niya kay Julie Anne?

Mayroon kasing ilang fans ng loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona na hindi pabor sa pakikipagtambal ng young singer-actress sa iba.

Sabi ni Lucho tungkol dito, “As of now, wala pa naman, e.

“Siguro naman, maiintindihan ng fans na trabaho lang itong sa amin.

“Well, kung magkaroon ako ng bashers, malamang mas madami pa, e!”

Aware ba si Lucho sa balitang ang role niya ay originally dapat para kay Kristoffer, at ang role naman ni Kristoffer ay dapat para kay Elmo?

Ayon din sa balita, nag-screen test daw si Elmo para sa male lead role, ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi ito natuloy bilang kapareha ni Julie Anne.

Sabi ni Lucho, “Parang may nasabi nga sa akin na ganyan, may nabasa rin yata ako na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang nangyari.

“Ako, thankful ako na napasama ako sa cast nitong Kahit Nasaan Ka Man.

"Na pagkatapos ng Binoy Henyo, meron na agad akong kasunod na show sa GMA.”



NEXT BIG STAR? Dahil sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya ngayon ng GMA-7, hindi malayong maging leading man siya sa mga susunod na proyekto.

“Tingnan natin!” nakangiting sabi ni Lucho nang hingan ng reaksiyon tungkol dito.

May pressure ba? Tumataas ba ang expectations sa kanya ngayon?

“Siyempre, di ba?” sagot niya.

“Siyempre, ang pangit naman kapag ano… hindi mo na-meet yung expectation sa iyo ng mga tao sa GMA, di ba?

“Kaya, siyempre, pressured din. Pero at the same time, excited din kung ano yung next para sa akin, di ba?"

Bilang baguhan pa ring maituturing sa showbiz, ramdam ni Lucho ang matinding competition ngayon sa hanay ng mga batang artista.

Saad niya, “Grabe talaga ang competition kasi ang daming artista, e, di ba?

“Lahat naman may hitsura, lahat naman, may talent, di ba?

“Pero you have to really step up, I have to step it up.

“Kasi, yun nga, in order for me to outsmart yung mga competitors, kailangang kakaiba yung ginagawa ko.

“So, that’s what I’m doing. I’m trying to be a good actor.

“Kaya nga siguro nagkakaroon ako ng good projects.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN