Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”

Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg">

Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg">

Aminado si Louise delos Reyes na may pagbabago sa pakiramdam nila Enzo Pineda nang muli silang naging malapit sa isa’t isa. Sabi niya, “Mas naging more mature. Actually, halos parehas kami, nag-mature kami bilang tao, bilang isang artista.”


Umamin na si Louise delos Reyes sa kasalukuyang estado ng samahan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Enzo Pineda.

Ito ay matapos nang ilang buwang naging usap-usapan ang diumano’y pagkakabalikan nila ni Enzo.

“Alam mo naman, e!” bulalas ni Louise sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Sunday All Stars nitong nakaraang Linggo, September 22.

Lalong hindi na nito itinanggi nang binanggit namin ang muli nilang pagiging “obvious.”

Paliwanag naman ng actress, “Hindi pa naman ako…Hindi na-i-interview. Matagal na akong hindi na-i-interview and, yun nga, we’re dating and seeing each other.”


WORK VS. LOVELIFE. Ano ang nagbunsod sa kanilang dalawa na muling magkalapit matapos silang mag-break?

Saad niya, “Siguro, may iba kasing relationship na nakakasira yung work lalo na pag magkasama kayo, tapos, mag-ex kayo?

“Pero sa amin, parang nakatulong siya, na nagkaroon kami ng time na magkasama dito sa Sunday All Stars—magka-grupo kami.

“Parang yung mga alone moments, na minsan napag-uusapan yung mga bagay-bagay na hindi napag-usapan before.

“So, since hindi rin kami nag-usap for a while, so, alam mo yung ano? Kalmado na ang lahat at marami ka na ring naiintindihan.”


THRILLING. Gaano nang katagal silang nagde-date officially?

Pag-amin ni Louise, “Siguro ano, two weeks na, before na mag-season two ‘etong Sunday All Stars.”

Ano ang nararamdaman ni Louise na bumabalik uli ang masayang samahan nila ni Enzo?

Tumawa muna si Louise bago nagsabing, “Yung mga kilig-kilig?

“Ah, siyempre, nandoon pa rin naman, kaya mararamdaman mo na masaya ka.

“May bago kang energy na parang nilu-look after na every day, parang meron kang… alam mo yun? Nagbigay siya ng ibang vibes.

“Parang hindi na rin siya katulad before, na parang yung relationship kinikilig ka, alam mo yun?"


SERIOUS COMMUNICATION. Mas masinsinan na raw ang nagiging usapan nila ni Enzo.

Aniya, “Ngayon, more on ano kami, nagiging stable yung pag-uusap namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandito kami para pag-usapan yung mga bagay-bagay—nagbibigayan ng advice—suportahan ang isa’t-isa, lalo na ngayong may bago siyang project.”

Anong pagbabago kay Enzo ang nakikita ni Louise?

Lahad niya, “Mas naging more mature. Actually, halos parehas kami, nag-mature kami bilang tao, bilang isang artista.”


“OFFICIAL” RECONCILIATION. Kailangan bang maging “official” ang pagbabalikan nila ngayong close na uli at masaya sila sa company ng isa’t isa?

“Hindi ko alam, e, tignan natin, hindi naman ano…

“Simula noong na-open up yung breakup namin, parang naging open book na rin sa mga tao kung ano yung meron sa amin.

“So, ayun, malalaman at malalaman din nila. Pero hindi ko po itinatanggi na close na close uli kami, katulad ng dati.”

Mas masaya ba si Louise ngayon sa takbo ng samahan nila ni Enzo?

“Ah, masasabi kong oo, kasi sinabi ko naman before na parang nawalan ako ng best friend noong nawala siya.

“So, ngayon bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”

Ano ang mga dating pagkakamali na-realize nilang hindi na uulitin kung magkakabalikan nga sila?

Pag-amin ng GMA talent, “Maraming misunderstandings, yung mga tampuhang bata.

“Ngayon… kasi before, parang walang one week na hindi kami magkaaway.

“Pero ngayon, parang lumilipas yung mga araw na hindi na kami nag-aaway—smooth lang—maganda yung flow.

“Parang magandang pagbabago yun para sa aming dalawa.”

Masasabi ba niyang mas mahal niya ngayon si Enzo kaysa dati?

“Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow! Hahahaha!” masayang pahayag ng dalaga.

Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg">


Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg"> Louise delos Reyes on reconciliation with Enzo Pineda: “Bumalik yung bestfriend ko, and bumalik na yung sumusuporta sa akin talaga.”" data-url="https://www.pep.ph/news/40491/louise-delos-reyes-on-reconciliation-with-enzo-pineda-bumalik-yung-bestfriend-ko-and-bumalik-na-yung" data-desc="Louise delos Reyes on Enzo Pineda: “Ano siya ngayon, mas masarap mahalin. Wow!”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9046d6c34.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN