Aljur Abrenica proud of brother Vin’s first Cosmo Bachelor Bash appearance

Ipinagmamalaki ni Aljur Abrenica (kaliwa) ang pagrampa sa unang pagkakaton ng kanyang nakababatang kapatid na si Vin (kanan) sa taunang Cosmo Bachelor Bash. Sabi ni Aljur, "Mas kampante ako para sa kanya kasi nakita ko yung resulta ng pinaghirapan niya, yung puyat niya, yung pagda-diet niya. At nakita naman ninyo yung hitsura ng kapatid ko, ang ganda ng katawan niya.”


Ika-apat na beses nang rumampa ni Aljur Abrenica sa taunang Cosmo Bachelor Bash, ngunit itinuturing pa rin niyang achievement ang pagkakasama niya ngayong taon.

“First time kasi ni Vin and I’m so proud and excited,” pagtukoy ni Aljur sa nakababata niyang kapatid na si Vin Abrenica.

“Sobra akong na-satisfy dahil ang lakas ng hiyawan nila sa utol ko at tinanggap nila kami.

"So, sobrang proud na dalawa na kaming nasa Cosmo, at hindi ko iniisip na mangyayari.

"Sobrang lively ng crowd, ang ganda ng Cosmo Bash ngayon.

"At yung mga nakasabayan ko... it’s a privilege na nakasabayan ko yung mga maiinit na mga artista ngayon."

Kabilang si Aljur sa Top 10 Centerfolds; kasama nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Alden Richards, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Sam Concepcion, at JC de Vera.

Si Vin naman ay kabilang sa iba pang celebrities na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash na ginanap kagabi, September 24, sa World Trade Center.

PROUD BROTHER. Todo raw ang suporta ni Aljur sa kanyang nakababatang kapatid.

“Sobra!" bulalas ng Kapuso actor.

"It really makes ma proud na may kapatid ako na parang sumusunod sa… hindi naman sumusunod, kumbaga, para gumagawa siya ng sarili niyang yapak sa gusto niyang puntahan sa showbiz.”

Kinabahan ba siya para kay Vina, na unang beses rumampa sa Cosmo Bachelor Bash? Kinabahan din ba si Vin?

Ayon kay Aljur, “Sa totoo lang, mas kinabahan ako para sa sarili ko. Hindi ako kinabahan para sa kanya.

"Mas kampante ako para sa kanya kasi nakita ko yung resulta ng pinaghirapan niya, yung puyat niya, yung pagda-diet niya.

“At nakita naman ninyo yung hitsura ng kapatid ko, ang ganda ng katawan niya.”

PREPARATIONS. Ano bang preparations ang ginawa ni Aljur para sa show?

“Well, hindi naman tayo tumigil sa pagdyi-gym. Naging hobby na natin siya, gaya ng lagi kong sinasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung preparation ko, diet, nag-Muay Thai ako. Nag-gym ako, nag-Caveman workout ako.

"Nag-try ako ng iba’t ibang fight forms sa martial arts.”

Ano yung specific diet na ginawa ng Kapuso actor para maabot ang porma ng katawan niya ngayon?

“Kumain po ako ng kamote. Tinanggal ko na yung rice.

"Yung mga fried, iniwasan ko. Steamed ako.

"Lagi akong may dalang suka kahit saan ako pumunta. Kapag umu-order ako ng salad, yun ang ginagamit kong dressing.

"Yun kasi ang pinaka-healthy way na pagkain ng salad... [haluan] ng suka.”

Maliban sa Caveman workout, nag-bodybuilding din daw si Aljur.

Maraming rumampa sa Cosmo Bachelor Bash na maganda rin ang pangangatawan, pero hindi nagpahuli si Aljur.

Sabi ng Prinsesa Ng Buhay Ko star, “Hindi ko siya inisip na competition, e. Ang kakumpitensiya ko ay yung sarili ko.

"Sa kabila ng lahat ng schedules... katulad ni Alden, marami kaming schedules na pinagdadaanan.

“Pero sobrang proud ako sa mga Kapuso. Like, sina Dennis at Tom sa MHL [My Husband’s Lover], na kahit tuluy-tuloy ang taping nila, nakapaghanda sila.

“Para sa akin, walang kumpitensiya. Ang kakumpitensiya namin ay ang mga sarili namin.

"I think, kahit busy ako sa taping, kaya.

"Kaya siguro naibigay namin ang gusto namin dahil kahit nasa taping kami, nagdadala kami ng gamit.

"Sobrang strict ng diet. Binabantayan ko ’yan, minu-monitor ko ’yan.

"Pati yung workouts ko, ibinabase ko sa oras ng tulog ko... lahat ’yan.”

PREPARING FOR A CONCERT. Isang kakaibang ginawa ni Aljur sa Cosmo Bachelor Bash ngayong taon ay kumanta siya.

Balitang magkakaroon ng debut concert ang aktor, kaya tinanong siya kung preparation na ba ito sa kanyang upcoming concert sa November 7.

Aniya, “Oo nga, ’no? Parang ganun na rin.

"Kaya ko kinanta yung ’Blurred Lines’ dahil yun ang pinaka-fit sa Cosmo [show] ngayon.

"’Yan din yung mainit ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang "Blurred Lines" ay inawit ni Robin Thicke sa nakaraang MTV Video Music Awards, kung saan nakasama niya si Miley Cyrus.

Pinag-usapan ang naturang performance nila dahil sa raunchy outfit at dance number ni Miley.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN