Alden Richards sheds off boy-next-door image at Cosmo Bachelor Bash

Ayon kay Alden Richards, nagbunga ang ginawa niyang paghahanda para sa Cosmo Bachelor Bash. "Yung pag-focus ko po rito sa Cosmo, worth it po talaga,” sabi niya.


“Gumimik” nang husto ang Kapuso young actor na si Alden Richards sa Cosmo Bachelor Bash 2013, na ginanap kagabi, September 24, sa World Trade Center.

Lumabas sa stage si Alden na naka-lab gown. Ngunit unti-unti niyang hinubad ang kanyang suot na mga damit, hanggang sa matira na lang ay ang kanyang black boxer shorts.

Pagkatapos ay kumuha siya ng isang babae mula sa audience, at hinayaan niyang hawakan nito ang kanyang hubad na katawan.

Ang highlight ng pagrampa ni Alden ay pagbaba niya ng isang bahagi ng kanyang boxer shorts upang tuksuhin lalo ang mga nasa audience.

Masayang-masaya naman si Alden sa naging resulta ng kanyang pagrampa bilang finale ng Cosmo Men Top 10 Centerfolds.

Sabi ng Kapuso young actor, “First time ko po talagang magkaroon ng maigsi... sabi nga po, less clothing.

"Eto po, less clothing talaga ang ginawa ko for this year.

“At saka, ang sarap ng feeling.

“Iba po talaga kapag nasa ramp na, you can do everything, e.

"Pero, ang bottomline po dun, at least, worth it po ang ginawa kong effort. At saka diet din.

"Yung pag-focus ko po rito sa Cosmo, worth it po talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Alden sa backstage ng World Trade Center pagkatapos ng Cosmo Bachelor Bash.

GOODBYE, MR. NICE GUY? Nakilala si Alden sa kanyang wholesome image. Pero sa Cosmo Bash kagabi, tila inilabas na niya ang kanyang “naughty side.”

“Opo naman!” natatawang sabi niya.

“Parang spontaneous lang po.

"Minsan po kasi, when I perform, parang wala, patay ang audience, ’Ano kaya ang puwede kong gawing gimmick?’

"So, on the spot lang lahat yun.

"Except lang po na binaba ko ‘to [boxer shorts], medyo plinano ko na po yun sa ending.”

Nakatulong ba rito ang pagiging finale niya noong gabing iyon?

Sagot ni Alden, “Hindi naman po, kasi mas gusto ko lang pong enjoy-in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ang hirap din naman po kapag masyado ko pong inisip na finale. Mas okay lang po na chill lang.

"Kung anuman po ang dumating sa stage, yun na po yun.”

Nilinaw Alden na hindi porke’t naging naughty at daring siya sa pagrampa ay tuluyan nang mawawala ang pagiging wholesome niya.

“Bale second time po ito, at medyo paalis na po tayo sa sweet-sweet image.

“Hindi naman po ako... I’m not saying na parang aalis na po ako sa boy-next-door image.

"Kumbaga, para lang po merong option ang viewers.

“I’m not saying na, option, para lang may makita silang iba. Same lang po kasi.

"Magti-three years na ’ko sa showbiz and, then, itong huli po, last three years, parang iisang image lang ang napapakita ko sa viewers.

“Sinimulan ko po last year, medyo pa-sweet pa ang ginawa ko sa Cosmo Bash. Pero ngayon siguro, iba na.”

PREPARATIONS. Anong mga paghahanda ang ginawa niya para sa pagrampa niya?

“Sa preparation po, busy po kasi ako. Wala akong choice, kailangan ko pong mag-gym.

"Before going to schedule, kailangan mag-workout sa bahay bago umalis.

"Kasi po, kailangan, make an initiative na gumawa ng paraan.

“Kasi, hindi naman po yung schedule ko ang makakagawa ng paraan para gumanda ang katawan ko.”

Isa rin daw sa ginawang paghahanda ni Alden ay ang mag-fasting. Dalawang araw raw siyang hindi kumain.

Aniya, “Simula po kahapon, wala po talaga. Kahit water po, strict fasting po talaga.”

Kaya pagkatapos daw ng event ay plano niyang kumain nang husto.

“Kakainin ko po lahat ng dapat kong kainin. Lahat ng hindi ko nakain. Parang some sort of reward sa sarili ko.

"Mahirap naman po kasi kung all the time, self-pity. Kawawa naman ako.”

Pakiramdam ba niya ay nagbunga lahat ng pagsisikap niyang magpaganda ng katawan?

“Sobra po, sobra po,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very thankful to Cosmo, sa Summit [Media], at sa lahat ng pumunta rito para suportahan ang Cosmo.”

Sa isang taon ba ay rarampa siyang muli sa Cosmo Bachelor Bash?

Sagot ni Alden, “Ayoko pong magsabi.

"I won’t say no, I won’t say never po.

"And, hindi ko po alam. Biglaan lang naman po, e.”

SPECIAL SOMEONE. Ang iiang celebrities na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ay may mga special someone na nasa audience at nanood.

Pero sa parte raw ni Alden ay wala.

“Wala po talaga, wala rin po kasi akong time na mag-invite.

"Hinayaan ko na lang po ang P.A. ko na maghanap ng mga pupunta. And then, may fans po ako na dumating.”

Pero ngayon ba ay paglalaanan na niya ng oras na makipag-date o maghanap ng babaeng puwedeng ligawan?

“Kapag may dumating po. I’m not closing my door naman po, ever since.

"Pero, parang masyado pang busy yung love para sa akin. Mas busy pa sa akin ang love,” sagot niya.

Hindi siya maghahanap? Maghihintay lang siyang may dumating?

Saad ni Alden, “Kasi po, lahat naman, in God’s time.

"Katulad po nito, hindi ko naman in-expect na magko-cover ako ngayong taon [sa Cosmo Men Centerfolds].

"So, lahat po talaga ng dumarating sa akin na blessing is unexpected.

“So, baka magulat na lang din po ako, within this year rin pala yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN