Carla Abellana on relationship with Geoff Eigenmann: "Hindi maiiwasan yung insecurities."

"There’s no such thing as perfect relationship. Ang layo namin dun. Pero ang pinaka-challenge, yung pagkakaroon ng patience at understanding. Even if we both have the same work, may times na nag-aaway pa rin kami, pinag-aawayan pa rin namin minsan ang trabaho. Pero always, separate ang work from personal namin," sabi ni Carla Abellana tungkol sa relasyon nila ng kasintahang si Geoff Eigenmann.


Nagdiwang ng ikatlong anibersaryo bilang magkasintahan sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ngayong buwan ng Setyembre.

Bagamat simple lang ang naging selebrasyon nila, malaking bagay para kay Carla na hanggang ngayon ay nananatiling matibay ang kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa My Husband’s Lover lead actress, ibinahagi nito kung bakit mas lalo niyang minamahal ang nobyo ngayon.

“Ano siya talaga, pursigido na i-prove ang sarili niya.

"Pursigido na mag-grow, pursigido ipakita na love ka talaga niya, and that he will do everything for you.

"Hindi nawawala yung effort talaga,” nakangiting paglalarawan ni Carla kay Geoff.

Kahit lumampas na sila sa kilig stage, na tipikal sa pausbong pa lang na relasyon, nandun pa rin daw yung constant effort ni Geoff na iparamdam sa kanya na espesyal siya.

“Our anniversary was just this month.

"Nothing great naman. Nagbigay lang kami ng gift sa isa’t isa.

"Nag-dinner out lang. Yun lang.

“Pero yung gift niya sa akin is something sweet, kasi hindi ko ine-expect talaga.”

Nagulat si Carla dahil niregaluhan siya ni Geoff ng mamahaling sapatos, na binili pa ng aktor sa Las Vegas.

Na-appreciate ito ng aktres hindi dahil materyosa siya, kundi dahil alam niyang pinag-isipan nang mabuti ni Geoff ang pagpili ng regalo na magugustuhan talaga niya.

Bukod dito ay very supportive boyfriend daw ito, lalo na pagdating sa kanyang showbiz career.

Sa katunayan, magkasama raw silang nanonood ng My Husband’s Lover kapag wala silang trabaho at binibisita siya nito sa bahay.

Kuwento ni Carla, “Alam niya how big it is.

"Siya pa ang nagbabalita sa akin kadalasan kung ano’ng feedback ng tao. ‘Alam mo, galing ako sa ganito. Kayo yung pinag-uusapan.’

"So, lagi siyang nagbabalita ng comments ng tao.”



RELATIONSHIP WOES. Sabi pa ni Carla, kahit kailan ay hindi naging isyu sa kanila ni Geoff ang selosan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw sila nakikialam pagdating sa kani-kanilang loveteams.

“Dyusko! Bakla yung dalawa sa story. Paano kami magiging sweet?" pagtukoy ni Carla sa lead actors ng My Husband’s Lover na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

“So, bakit siya [Geoff] magseselos? So, wala naman.

"He’s very proud naman sa akin. Alam niya kung gaano kalaki ang success ng My Husband’s Lover.

"Happy siya for me.”

Pero hindi raw ibig sabihin ay perpekto ang kanilang relasyon.

Kung nagkakaroon man sila ng problema, madalas ay may kinalaman ito sa trabaho o kaya sa oras nila para sa isa’t isa.

Paliwanag ni Carla, “A lot of people say it’s easier, kasi pareho kayong nasa business, kaya makaka-relate kayo to each other better.

“There are times naman na it can be more difficult. Minsan, nagiging competitive kayo sa isa’t isa.

“Sabi nila, with longer relationships, parang mas maganda kung yung isa medyo nagla-lie low. I don’t know.

"Nandun pa rin kami sa stage na, ’We’ll see how it works.’”

Nai-insecure ba sa kanya si Geoff dahil mas angat ang career niya ngayon?

Sagot ni Carla, “Tanungin natin siya. Hindi ko alam. Siyempre, mahirap din.

“Pero when we’re together, I don’t talk about work as much.

"Kasi ayoko naman na puro ako lang, puro trabaho ko lang ang pinag-uusapan.

“I always find time and the right moment to talk about him naman din."

Giit pa niya, “I’m sure hindi maiiwasan yung insecurities. That’s why kailangan maging conscious ka na hindi siya mai-insecure.”



QUALITY TIME. Sa tatlong taon nila bilang magkasintahan, alam na ni Carla kung paano iwasan ang mga bagay na maaaring pagmulan ng away nila ng nobyo.

“Always keep the communication open, kahit text or call lang ‘yan.

"Always update each other, para iwas sa mga miscommunications.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, hangga’t may oras ka, may free time ka, may bakante ka sa schedule mo, ibigay mo sa kanya.”

Mas gusto pa raw ni Carla na manatili sila sa bahay kaysa lumabas para mag-date, dahil halos buong linggo siyang pagod sa taping.

Kuwento niya tungkol sa bonding nila ni Geoff, “He comes to my house.

"Imbes na ako yung nakakalabas, siya yung pumupunta sa amin kung nasa house man. That’s where we spend time together."

Ano ang paborito nilang pastime?

“Nag-watch lang kami ng movie and I cook for him.

"Hindi naman ako cook. There’s only very little I know.

"Pero pag nagluluto naman ako, nagugustuhan naman niya."

Specialty raw ni Carla ang pagluluto ng seafood pasta at steak na paborito ni Geoff.

Sa huli ay tinanong ang aktres kung may plano na silang lumagay sa tahimik.

Sagot ni Carla, “Siyempre, gusto namin pareho na yun ang puntahan namin.

"Pero hindi namin pinag-uusapan. Wala kaming pinaplano.

"We’ll never know, kasi wala naman sa tagal ‘yan, e.

"So, it depends talaga when we’re ready.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN