Sunshine Cruz on R.A. 9262 complaint against Cesar Montano: "I don’t want him naman na makulong siya."

Hindi raw isinasara ni Sunshine Cruz ang kanyang pintuan sa pagkakaroon ng panibagong relasyon, gaya ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano. Sabi ng aktres, “Malay mo naman, makahanap siya ng kaligayahan sa iba. At ako naman, baka makatagpo pa rin. Kumbaga, kung ibibigay ng Diyos pa sa akin. Pero kung hindi, e, walang problema, kasi nandiyan naman ang mga anak ko."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine Cruz ang development sa reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act na inihain niya laban sa asawang si Cesar Montano.

(Read: Sunshine Cruz claims Cesar Montano "raped" her on Mother’s Day)

Ayon kay Sunshine, “Meron kaming hearing ngayong October, yung custody sa mga bata. Then, we’ll see what will happen after that.

“Yung tungkol naman doon sa Violence Against Women and Children Act, let us wait and see.

“And frankly speaking, I don’t want him naman na makulong siya.

“Gusto ko lang patunayan, na dapat lubayan na ako dahil kailangan na talaga naming magkanya-kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine pagkatapos ng live interview niya sa The Buzz noong September 22.



RECONCILIATION. Sa panayam niya sa The Buzz ay isiniwalat ni Sunshine na noong nagsasama pa sila ni Cesar ay ipinamumukha diumano sa kanya ng aktor ang pagiging dating “bold star” niya tuwing nag-aaway sila. Ikinasasama raw ng loob niya ito.

Sabi rin ang aktres, sa 13 years nilang pagsasama, kung ilang beses na niyang iniwan ang asawa, at ganoon din karaming beses siyang sinuyo ng aktor, na nauuwi sa pagsasama nilang muli.

(Read: Sunshine Cruz compares fighting for husband Cesar Montano to a "beauty contest")

Sa panayam naman ng PEP kay Sunshine, tinanong namin siya kung wala na bang ginawang move si Cesar para magkaayos sila nitong huling paghihiwalay nila.

Tugon niya, “More than a month na sinusuyo niya ako.

“Pero ibinigay ko na rin naman sa kanya ang lahat-lahat.

"And, I think, it is about time naman na mahalin ko naman at pahalagahan ang sarili ko.

“Malay mo naman, makahanap siya ng kaligayahan sa iba. At ako naman, baka makatagpo pa rin.

“Kumbaga, kung ibibigay ng Diyos pa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung hindi, e, walang problema, kasi nandiyan naman ang mga anak ko.

“Hindi naman ako mamamatay kung walang lovelife.”

Mula nang magkahiwalay sila ni Cesar, may mga nagsasabing marami raw ang umaaligid ngayon kay Sunshine. Lapitin na ba siya ngayon ng mga kalalakihan?

“Naku, hindi pa naman, ang takot lang nila sa akin!” natatawang sagot niya.

Muling itinanggi ni Sunshine ang balitang panay raw ang kanyang paggigimik ngayon.

Saad ng aktres, “Totoong lumalabas ako paminsan-minsan, pero kasama naman ang ibang mga kasamahan ko sa Dugong Buhay, at kasama namin si Direk Toto Natividad.

“Wala naman sigurong masama kung nagkaroon kami ng bonding sessions, na talaga namang nakakatuwa, at lalong naging close ang samahan namin.”



MOVING OUT. Kasama raw ni Sunshine ang tatlong anak na babae sa inuupahan nilang bahay, na tamang-tama lang para sa kanila.

Ayaw na raw niyang bumalik sa dating bahay nila ni Cesar. Sino ang nakatira ngayon doon?

“Well, siya siguro,” sabi ni Sunshine.

“Nandoon naman ang mga kamag-anak niya—nanay niya, mga kapatid niya.

"Ako naman, e, okay lang naman.

“Maybe, ginagawa niya ang bahay na yun hindi para sa aming mag-asawa kundi para sa pamilya niya.

“I have nothing sa mga relatives niya, mababait namang lahat sila sa akin. But, I have to move on, kaya nag-rent na lang ako ng bahay."

Conjugal property ang naturang bahay, hindi ba?

“I know, but I don’t want to stay there. It’s too big.

“How can I stay there kung lagi kong maaalala ang mga memories namin doon? I have to move on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN