Renz Fernandez has no regrets finishing college first before joining showbiz

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang nag-break sina Renz Fernandez at Maxene Magalona. Ngayong nasa bakuran na rin ng GMA Network si Renz, hindi malayong magkita pa rin sila ni Maxene. Kung sakaling mangyari ito, ayon kay Renz, “Kung magkita kami, ako, willing akong lumapit at sabihing ‘Hello, kumusta ka na?’”


Ang yumaong ama ni Renz Fernandez na si Rudy Fernandez ay kinilalang Prince of Action Films noong nabubuhay pa ito. Kaya hindi nakakagulat na sa action din gustong makilala at gumanap ni Renz.

“Assassin!” bulalas ni Renz nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano kanyang dream role.

“Pangarap ko kasi talaga noong bata ako, maging assassin,” habol pa niya.

Bakit assassin ang gusto niyang gampanan?

“Hindi ko nga din po alam. Baka dahil sa tatay ko, napapanood ko na, ano... ganyan.”

Gumanap daw bilang assassin ang kanyang yumaong ama sa pelikulang Payaso (1986).

“Alam mo yung sa movie ni German Moreno, na payaso siya? Guest siya doon sa dulo, di ba?

“Assassin siya. Natatandaan ninyo yun?” pagpapaalala pa niya tungkol sa role ng ama.

Madalas ding gumanap si Rudy noon sa true-to-life stories ng mga taong tinutugis ng batas.

DABOY’S SENSE OF HUMOR. Marami ang nagsasabing kamukha at kaboses ni Renz ang ama niya. Tila nakuha rin niya ang sense of humor ni Daboy (palayaw ni Rudy).

Sabi ni Renz tungkol dito, “Baka nga po, sabi nga po nila.

“Pero marami ang nagsasabi na kamukha ko din daw si Mama, sa mata.”

Ang tinutukoy niya ay ang inang si Lorna Tolentino.

Dahil sa sense of humor ni Renz, mukhang babagay rin siyang gumanap sa isang sitcom o comedy film.

Natutuwa niyang sabi, “Thank you, thank you!

“Sana matulungan ninyo akong makakuha ng comedy show para nga mas madali na.

"Kasi, nasa drama ako ngayon, e.”

Kasama si Renz sa cast ng bagong early primetime series ng GMA na Prinsesa Ng Buhay Ko.



FULL BLAST. Bagamat kilalang mga artista ang kanyang magulang, ngayon pa lang gumagawa ng sariling pangalan si Renz bilang isang aktor.

Saad niya, “Basta ang sa akin, gagawin ko lahat para ma-deliver at para ma-entertain kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, kung hindi ko man magawa iyon, next time, gagawin ko.

“Kung hindi ko rin magawa doon, gagawin ko ulit next time.”

Hindi ba siya nagsisisi na ngayon lang siya nag-full blast sa pagiging artista?

Tugon niya, “Naku, hindi po! Kasi, kung hindi ho ako nag-aral at ano, baka wala ho ako dito ngayon, di ba?”

Nakatapos ng kursong Philosophy sa University of the Philippines si Renz.

Patuloy niya, “Yung sa paglaki ko po at nakapag-aral, nakatulong po iyon sa pagkatao ko.

“Kasi, kung hindi siguro ako nag-aral, wala yung kagustuhan kong matuto, e. Iyon ang importante para sa akin.

“Yung willing ka, may open mind ka para matuto lagi.”

FAMILY BONDING. Limang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ama ni Renz na si Rudy Fernandez noong 2008.

Since wala na ang ama niya, paano sila mag-bonding ng mommy niya?

Ayon kay Renz, “Umaalis kami, kumakain, nag-uusap.

“Pero dahil nga conflicting ang schedules namin, bihira kaming magkita.

“Pero kung magkita kami sa bahay, we make the most out of it.

“Kasi minsan, pag-uwi ko, aalis na siya. Pagbalik niya, ako naman paalis na.”

MAXENE MAGALONA. Apat na buwan na mula nang mag-break si Renz at ang Kapuso actress-TV host na si Maxene Magalona. Kumusta si Renz na walang karelasyon?

Sagot niya, “Naku, marami po akong inspirasyon!

“Yun pong lahat ng magagandang babae sa GMA, inspirasyon ko.”

Sa ngayon ay wala na raw komunikasyon sina Renz at Maxene, pero hindi imposibleng magkita sila since pareho na silang nasa GMA.

Ano ang gagawin ni Renz kung sakaling magkita sila sa GMA compound?

“Kung magkita kami, ako, willing akong lumapit at sabihing ‘Hello, kumusta ka na?’”

Wala raw nililigawan ngayon si Renz, dahil sa trabaho raw siya naka-focus.

“Pero pag may magandang babae diyan, siyempre susubukan ko,” sabay tawa ni Renz.

Twenty-eight years old na si Renz, “Pero ang katawan ko po, pang-twenty-four.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOST BEAUTIFUL. Sa bandang huli, hiningan ng PEP si Renz ng tatlong pangalan, na para sa kanya ay pinakamagaganda sa showbiz. Hindi na namin pinasali sa kanya ang mga kasamahan niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Siyempre, yung nanay ko, number one!” pagmamalaki niya.

“Nagagandahan po ako kay... actually lahat ng babae, maganda. Pero, ang hirap talaga ng tanong ninyo.

“Si Marian, tsaka si Heart, maganda. Iyon,” pagtukoy ni Renz sa Kapuso actresses na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Matutuwa raw si Renz kapag nakasama niya sa proyekto sina Marian at Heart balang araw.

“Sana, sana. Lahat gusto kong makasama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN