Alden Richards grades himself as an actor: "Seventy-five? Wala pa po, e."

Pursigido si Alden Richards na paghusayan ang kanyang pag-arte upang magtagal sa showbiz. Saad niya, “Kaya lahat ng ginagawa ko and lahat ng ipagawa sa akin, ibinibigay ko lahat—effort, oras, dugo, pawis, luha... lahat! Iyon lang yung the way I see myself and the way I see my job. I do it with all my heart all the time.”


Sinasabing isa si Alden Richards sa pinakamahusay na batang aktor ngayon, at nalampasan na niya nang milya-milya ang ilan sa kanyang mga kasabayan.

Ano ang masasabi niya dito?

“Siyempre po, accomplished.

“Kaya lang po kasi, ang masasabi ko lang po talaga diyan is mahal na mahal ko po yung trabaho ko.

“Kaya lahat po ng ginagawa ko, and lahat ng ipagawa sa akin, ibinibigay ko lahat—effort, oras, dugo, pawis, luha... lahat!

“So, siguro po, iyon lang po yung the way I see myself and the way I see my job.

"I do it with all my heart all the time,” pahayag ng Kapuso young actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

DIFFERENT ROLES. Mahigit dalawang taon pa lang sa showbiz si Alden, ngunit halos lahat daw ng pinapangarap niyang role ay kanya nang nagampanan.

“Sa ngayon, parang nabigay na po lahat,” sabi niya.

Sa 2011 film na The Road ay kakaiba ang ginampanan niyang role bilang isang psychotic. Pero ayon kay Alden, nakulangan pa siya sa ipinakita niyang pag-arte dito.

“Opo. Kaya lang po, yung pagkaluku-luko ko sa The Road, light pa po, e. Nala-light-an pa po ako, e.

“Hindi siya dual personality na ibang-iba siya pag may kaharap na friends o family. Tapos, iba pala siya, may other side.

“So, parang mas heavy na luku-luko na role. Tapos action-drama, tapos superhero—mga ganoon,” pagtukoy ni Alden sa iba pang karakter na gusto niyang gampanan.

Ano namang role ang hindi niya gagawin?

“Wala po! Lahat open po ako,” tugon niya.

Hindi ba siya napapagod na kadalasan ng papel niya sa mga drama series, gaya sa One True Love at Mundo Mo’y Akin, ay mahirap na binatang umibig sa mayamang dalaga?

Tugon niya, “Ang ganda pong question... Kasi, yung sa soap nga po, hindi maiiwasan sometimes mag-ulit ng formula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan, naiba lang yung names and roles, pero same story.

“Iyon po yung trabaho naming mga aktor, na baguhin yung atake ng role.

“Para masabing, ‘A, magkaiba. Si Alden, iba dito. Iba dito sa soap na ito.’

“So, kahit po same story, mahu-hook sila. Kasi, ang tinitingnan kasi doon, yung the way mo inatake yung character, the way mong binago yung acting mo.

“When it comes naman po sa pagod, hindi po puwede, e.

"Hindi po kami puwedeng mapagod and hindi po kami puwedeng mamili ng role.

“Ako po, hindi po ako ganoon. Ayoko pong namimili ng role.

"Kasi pag namili ka ng role, you’re a weak actor.

“Meaning, pipiliin mo lang yung mga trabaho na kaya mo. So, parang ganoon po.

"Kasi, as an actor, you have to deal with everything. Kasi iyon yung magpapa-grow sa iyo, e. Doon ka maggo-grow sa different roles.

“So, ako po, para sa akin, I don’t have the right to choose.

“Parang ano ‘yan, e, parang exam sa school. Hindi mo naman puwedeng piliin yung itatanong sa iyo ng teacher sa exams.

"So, deal with it. Gumawa ka ng paraan kung paano mo masasagutan yung exam mo.”



SELF-ASSESSMENT. Paano ia-assess ni Alden ang pagiging aktor niya sa ngayon?

“Kulang pa po, kulang pa po,” pag-amin niya.

Anong grado ang ibibigay niya sa sarili bilang artista?

“Seventy-five? Wala pa po, e,” sagot niya.

Bakit nakukulangan pa siya gayong marami ang nahuhusayan sa kanya bilang aktor?

Paliwanag niya, “Isa pong factor is, I just started. Magti-three years pa lang po ako at wala pa po akong napapatunayan as of this point.

“Ayoko pong i-claim. I don’t wanna claim anything.

“Ang hirap po kasing maging fooling one’s self, na parang masyadong bilib sa sarili.

“Ayoko po kasing i-claim talaga, kasi ang hirap pong pumasok dito," sabay turo niya sa ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag pumasok na po kasi dito, iyon na yung sisira sa iyo, e.

“So, ako po, lagi kong sinasabi, ‘Kulang pa, kulang ka pa, wala pa iyan. Nag-rate? Nag-rate ka lang, what if yung next mo, hindi na?’

“So every time po, give all your best. Parang, treat your soap as your last soap, as your last project.

“Para at least, yung outcome, yung output noong nagawa mo, still at your best.

"Kasi, you’re only good as your last show, e.

“So, paano kung dito sa soap na ito, ibinigay mo na lahat? Doon sa next, ibibigay mo lahat, plus one hundred percent pa.”



ROLE MODELS. Noong bago pa lang si Alden, sinasabing siya ang "John Lloyd Cruz ng GMA Network." Bukod daw kasi sa magkahawig sila ay may pagkakahawig din ang istilo ng pag-arte nila.

Ano ang nararamdaman ni Alden ngayong masasabing nakawala na siya sa pagkukumpara sa kanya kay John Lloyd?

“Kasi, of course, lahat naman po ng nag-i-start sa showbiz, and lahat ng artista, is nag-a-achieve magkaroon ng sariling image, sariling pangalan.

“So, ako po, I’m very honored na I was given a chance to be compared with John Lloyd Cruz.

“Kasi, honestly po talaga, before nag-artista ako, I look up to him as an actor, including Kuya Dong [Dingdong Dantes].

“Silang dalawa talaga yung sinusundan kong example dito sa showbiz.

“Pero siguro, ito na po yung reward somehow ng hard work ko po and noong efforts ko po sa ginagawa ko every time.

“And I just feel so blessed and I couldn’t ask for more.

“Parang at this point, nakukuntento na po ako sa mga nangyayari.

“Kasi, the good thing about contentment, it’s when you realize you’re contented, you’re given more.

“So, parang ganoon po yung feeling ko ngayon.”



DREAM REWARDS. Speaking of rewards, ano naman ang reward niya sa kanyang sarili? May binili na ba siya para sa sarili mula sa kanyang kinikita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ako po, I feel rewarded pag nabibigay ko po yung kailangan ng family ko. Mababaw lang po ako, e.”

Wala ba siyang ibinigay man lang sa sarili? Paano siya mag-relax, paano siya mag-goodtime?

“Siguro po, yung relaxation ko is masahe lang, ganoon. Tapos siguro, nood ng sine.

“I don’t buy stuff na, siguro expensive watches or expensive cars. Not me, kasi nagde-depreciate, e.

“Siguro pag ito po... I would feel the reward kapag nakabili na ako ng mga sarili kong properties, like businesses and lupa.

“Plano ko po, I have the money na po, e. I’m planning this year makabili na po ako ng house and lot for me and my family.”

Plano rin ni Alden na makapundar ng apartments na pauupahan niya.

Dagdag niya, “Tsaka po, if ever, ang extreme dream ko po when it comes to properties, makabili ng sariling island!”

Magtatayo raw siya rito ng resthouse para sa kanyang pamilya.

“Kung puwede pong resort, puwede rin, at least business pa rin.

“Pangarap ko pong magkaroon ng isla,” ulit pa ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN