Paulo Avelino’s camp says actor’s reported suicide attempt is "fabricated"

“Maraming problema noong time na ‘yon. Ayaw ko naman gumawa ng proyekto na makakaapekto or mabe-burden mo yung production o yung soap o yung istorya. So, it’s better to lay low for a while from overworking myself,” explains Paulo Avelino about turning down a teleserye with Angel Locsin.


Pinabulaanan ng kampo ni Paulo Avelino ang balitang nagtangka diumanong mag-suicide ang Kapamilya actor.

Kamakailan ay lumabas ang balitang nasa St. Luke’s Hospital si Paulo dahil sa pagkakaroon ng anxiety attack. Sinubukan diumanong saktan ng aktor ang sarili sa pamamagitan ng isang matalim na bagay.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng paglilinaw tungkol dito sa talent manager ni Paulo na si Leo Dominguez, sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message ngayong araw, September 26.

Ayon kay Leo, “fabricated” lamang ang balita.

Sa official statement na kanyang ipinadala sa PEP kaninang tanghali, sinabi ni Leo: “There is no truth to the rumour that Paulo Avelino tried to hurt himself. We were surprised and at the same time, amused to hear about it. “

Binanggit din ni Leo na ang mga susunod na proyekto ng 25-year-old actor.

“Paulo is looking forward to do tapings for his new teleserye under ABS-CBN and Dreamscape, and is currently shooting a film for Star Cinema entitled Pagpag for the MMFF.

“Paulo also just finished a film entitled Status: It’s Complicated for Regal.”

Ang Pagpag ay official entry ng Star Cinema at Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Makakasama ni Paulo sa horror-suspense movie na ito ang teen stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, ang Status: It’s Complicated ay ang first comedy film ni Paulo, kung saan makakasama niya sina Eugene Domingo, Maja Salvador, Jake Cuenca, at Solenn Heussaff.

Sa huling bahagi ng statement ni Leo ay sinabi niyang mabuti ang kalagayan ngayon ng aktor.

“Paulo assures his fans and friends that he is doing ok and busy with work and he hopes that there will be no cause of alarm over this fabrication.”



OKAY AND HAPPY. Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento si Paulo tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ginanap na launch ng iniendorsong niyang smartphone na LG G2 kagabi, September 25, “okay” at “happy” ang matipid na paglalarawan ng aktor tungkol sa kalagayan niya ngayon.

Gayunman, hindi niya itinanggi na kaya hindi matutuloy ang TV project nila ni Angel Locsin ay dahil sa personal na problema.

Sabi niya, “Maraming problema noong time na ‘yon.

“Ayaw ko naman gumawa ng proyekto na makakaapekto or mabe-burden mo yung production o yung soap o yung istorya.

“So, it’s better to lay low for a while from overworking myself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN