Former singer-actress Lala Aunor recalls past rift with cousin Nora Aunor

Inamin ng ’70s singer-actress na si Maribel "Lala" Aunor (kaliwang larawan, kasama ang anak na si Marion Aunor) na wala silang komunikasyon ngayon ng pinsan niyang buo na si Nora Aunor (kanan). Pero naniniwala si Lala na isa sa mga araw na ito ay magkakausap muli sila ng Superstar.


Masayang nakibahagi ang dating singer-actress na si Maribel “Lala” Aunor sa launching ng self-titled album ng kanyang 21-year-old daughter na si Marion, noong September 20, sa Live Vive Centrale A Venue Mall, Makati City.

Bilang ina, supportive si Lala sa kanyang anak, na nagsisimula pa lamang tumahak ng sariling landas sa pag-awit at pagpe-perform.

Bilang kilalang young celebrity noong mid- and late ‘70s, natatak naman sa isipan ng publiko ang pangalan ni Lala Aunor, na dating ka-loveteam ni Arnold Gamboa

Ka-back-to-back sila ng loveteam din nina Winnie Santos at Dondon Nakar, bilang kilalang quartet ng Apat Na Sikat sa telebisyon.

Kung si Lala ay pinsan ng Superstar na si Nora Aunor, si Winnie naman ay nakababatang kapatid ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.



MISCOMMUNICATION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lala, nag-focus kami sa kung ano ang kasalukuyang takbo ng ugnayan nila ni Nora.

Nabalitang nagkaroon ng konting tampuhan, kundi man matinding hidwaan, ang magpinsan, ilang buwan matapos makabalik sa bansa ni Nora noong Agosto 2011.

Pag-amin ni Lala, "Wala kaming communication.”

Bagamat posibleng wala nang negative feelings sa isa’t isa, nagbalik-tanaw si Lala sa naging puno’t dulo ng "miscommunication" nila ng kanyang pinsan.

"Kasi may naninira, or naniniwala siguro siya agad-agad sa mga sabi-sabi. So, I don’t know."

Sa alitan nina Nora at Lala ay naging malaking bahagi ang TV and radio personality na si Cristy Fermin.

For a time, sina Nora at Cristy ay magkaaway, lalo’t may naisusulat na pamumuna ang kolumnista tungkol sa Superstar.

"Si Nanay Cristy is very close to me," pagtatapat ni Lala.

"Yun nga, nagtataka lang ako, kasi may mga lumabas na isyu na parang, since magkalapit kami ni Nanay Cristy, akala niya [Nora] nagsasabi ako ng mga pangit na mga rumors.

"Sabi ko, ’Why would I do that?’ Kasi siyempre, family ko siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka kami ni Nanay Cristy, iba yung friendship namin.

"Kasi kumbaga, nung bata pa ako, naging talent coordinator siya ng TV show ko," pagtukoy niya sa short-lived musical-variety show na The Lala Aunor Show.

"Iba, malalim din yung pinagsamahan namin. Pero hindi ako para manira.

"Kaya lang, si Ate Guy, parang naniniwala agad siya.

"So, bakit gano’n? Hindi ba ako puwedeng makipagkaibigan kay Nanay Cristy?"



WATER UNDER THE BRIDGE. Ipinaalala namin kay Lala na ngayon ay magkasundo na sina Nora at Cristy. Sumang-ayon naman siya dito.

Sabi pa niya, dapat lang na magkita at magkausap uli sila ni Nora para manumbalik ang magandang ugnayan nila.

"Yeah, I think so. Oo naman. Wala namang problema doon.

"Ayoko nang lumaki pa yung trouble, di ba?

"E, kasi, hindi naman kami puwedeng hindi magkita uli ni Ate Guy dahil magkadugo naman kami.

"We’re family."

Bukod dito, naniniwala si Lala na malambot ang puso ni Nora, na naging supportive sa kanya noong kanyang kabataan. Iyon din ang panahon ng matinding kasikatan o superstardom ni Nora.

May panahon din namang natulungan ni Lala si Nora bilang prodyuser. Si Lala ang tumayong associate producer ng pelikulang Andrea, Paano ba Ang Maging Isang Ina (1990), na pinagbidahan ni Nora.

Si Nora naman ay may bahagi sa naging pag-unlad ng recruitment agency business ni Lala.

Sabi ni Lala, "Somehow, naging supportive naman siya sa akin noong araw.

"Sabi ko nga, hindi lang kami nagkakausap ngayon, pero I’m sure, susuportahan din niya si Marion."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN