Richard Yap cites schedule problem as reason of Be Careful With My Heart’s withdrawal from MMFF

Bilang isa sa pinaka-mainit na artista ngayon, hindi maiwasang itanong kay Richard Yap kung may natatanggap siyang indecent proposals. Pag-amin niya, “Noong bata ako, may indecent proposals na ganoon, pero in my later years, hindi na. When I was in college, minsan sasakay ako sa dyip, lalapitan ka.”


Pinabulaanan ni Richard Yap ang usap-usapan na kaya hindi na natuloy sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon ang movie version ng morning-seryeng Be Careful With My Heart ay dahil bumababa diumano ang ratings nito.

Paliwanag ni Richard, “Hindi naman. I don’t think the ratings have anything to do with it.

“The main reason talaga is the conflict in the schedule.

"As of now, di pa namin alam, so we will continue up to the end of the year.

“I think we just can’t please everyone. Kasi yung iba, pag pinabilisan mo naman, sasabihin masyadong bilis.

“Pag pinabagalan mo naman, sasabihin nila, sobrang mabagal.

“So, let’s just leave it to what they ano… kasi we know we can’t please everyone.

“We’re doing a story, kasi nga, may mga sub-stories din—sa mga kids, kila Nanay Teresita.

“Actually, it’s not stretching the story. We’re doing a lot of different stories all in one teleserye.”



TIGHT SCHEDULE. Kung tutuusin, malaki ang pasasalamat ng cast and crew ng Be Careful With My Heart na hindi natuloy sa paggawa ng pelikula dahil sa sobrang higpit ng kanilang regular taping schedule para sa teleserye.

Kuwento pa ni Richard, “Siyempre, gusto naming isama yun. Pero with the way things are going right now, di talaga namin kakayanin.

“For us, okay na rin na di nasama kasi mahirap na maglabas ng movie na half-baked.

“Much better kung prepared na kami, na we concentrate on doing that.

“It’s not only sa amin. The whole production, nahihirapan talaga sila to produce and tape at the same time.

“Baka if ever we do that, baka hindi kami umabot.

“With the taping schedule that we have, hindi talaga kami kakayanin.

“It was more of a relief, kasi nahihirapan talaga kami.

“Mahirap, kasi pag puyat ka parati, baka di mo rin mabigay yung magandang performance na ine-expect ng mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SEXY ROLES. Sa napipintong pagtatapos ng Be Careful With My Heart, hindi naman nagsasara ng pinto si Richard na maipareha siya sa ibang aktres bukod kay Jodi Sta. Maria.

“That will be up to ABS-CBN. For me, okay lang with Jodi or with another actress.

“Like I’ve said before, Anne Curtis siguro or Ms. Dawn Zulueta,” pagtukoy niya sa kanyang dream leading ladies.

Bagamat wholesome ang kanyang image at mukhang nata-typecast sa mga goody-goody roles, bukas din ba si Richard sa paggawa ng kontrabida o sexy roles?

“Kontrabida siguro, puwede pa. Pero pa-sexy, medyo hindi. Hindi na bagay sa age ko.

“Depende siguro if it’s really a good role, baka puwede nating i-consider.

“Of course, every actor doesn’t want to be typecast na ganito lang ang kaya kong gawin.

“Of course, I want to try something else also.

“Depende siyempre, we have to choose the right role. Pag sa tingin ko di bagay sa akin, di ko gagawin,” pag-aanalisa niya.

Tagged as the “Chinito Heartthrob,” para naman kay Richard ay hindi importante para sa kanya ang titles.

“I’m not into titles, e. Being me, Richard Yap, that’s it,” sabi niya.



INDECENT PROPOSALS. Bilang isa sa pinakamainit na aktor sa kasalukuyan, nakakatanggap ba si Richard ng indecent proposals mula sa mga miyembro ng third sex o sa ibang babae?

“I don’t know. Di naman ano… kasi I have friends who are in the third sex also. Usually, they are very decent naman.

“Siguro, noong bata ako, may indecent proposals na ganoon. Pero in my later years, hindi na.

“When I was in college, minsan sasakay ako sa jeep, lalapitan ka,” kuwento niya.

Playboy ba si Richard noong bago siya magpakasal?

“Di naman, usually one at a time. I think, six girlfriends. Yung iba, one month lang, naghihiwalay na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan mutual, minsan naiiwanan din ako,” pagbabalik-tanaw niya.



MUSIC ALBUM. Sa launching ng self-titled music album ni Richard sa Palacio de Manila noong September 26, sinabi niyang isa itong pangarap para sa kanya na natupad.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s a dream come true, kasi not everyone can have their own album.

“Talagang very thankful ako na nangyari ito, thank God.

“Karamihan doon, yun ang songs na gusto kong kantahin. And I think, they fitted my personality, they fitted my voice, so yun,” pagpapasalamat niya.

Ang carrier single na “Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say”—na nilikha ni Odette Quesada at pinasikat naman ng yumaong singer na si Ric Segreto—ang gagamiting theme song ng pelikulang She’s The One.

Pagbibidahan ito nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo under Star Cinema.

“Suprised nga ako. Kasi, di pa lumalabas yung album, sinabi na nila na pinili na raw yung song na yun. So, I was very surprised.

“I was very happy na napili yung song,” wika niya.



ALBUM ACCEPTANCE. Tanggap naman ni Richard na may ilang magkakagusto o magsasabing mag-artista na lang siya kaysa maging singer.

Aniya, “Yes, of course, everyone will have their own opinion. Mayroon talagang ayaw, mayroon talagang gusto.

“We can’t please everyone. Everyone has their own opinion so they can say what they want,” sabi niya.

Ngayong may sarili na siyang album, kasunod na ba ang isang concert sa Araneta o SM MOA Arena?

“Actually, medyo hesitant pa ako diyan. Di ko alam kung kakayanin natin.

"So we’ll see how the album sales go then we’ll decide on that,” pag-amin ni Richard.

Nabanggit ni Richard na si Jose Mari Chan ang gusto niyang maka-collaborate kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ito sa susunod niyang album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa mga female singers, sino naman ang gustong maka-duet ni Richard?

“Maybe Lea Salonga—dream lang naman. Well, she’s one of the most acclaimed singers in our country.

“Marami namang iba, pero I look up to Lea Salonga,” sabi niya tungkol sa The Voice coach.



“STAGE WIFE.” Naging issue dati na bantay-sarado raw si Richard ng kanyang asawa.

Lagi raw itong kasama sa mga tapings at ibang events na pinupuntahan niya kung saan nabansagan na itong “stage wife.”

Ayon kay Richard ay hindi naman ito nakaapekto sa asawa, lalo’t alam naman niya kung ano ang totoo.

“Actually, di na siya sumasama sa akin sa tapings. Pag may occasion lang, mga ganito.

“We’re expecting other people to say that, kasi mayroon kasing mga fans na selosa.

“Pero hinahayaan na lang namin, they can say whatever they want to say.

“We cannot control what other people want to think. Alam naman ng mga tao sa industry na hindi ‘yan totoo.

“Kundi dahil sa kanya, wala ako dito. Kasi, tinanong ko siya noong una kung okay lang ba sa kanya na pumasok in show business.

“Siya ang nagsabing oo, so tumuloy ako,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN