Senator Jinggoy Estrada confirms building P120M house in Wack Wack

Inamin ni Senator Jinggoy Estrada na kasalukuyan siyang nagpapagawa ng isang bahay sa Wack Wack subdivision na nagkakahalaga ng P120 million. Ngunit iginiit ng actor-politician na ang perang ginamit niya rito ay mula sa pinagbentahan ng lumang bahay nila sa Greenhills, San Juan.


Inamin ni Senator Jinggoy Estrada na may bago siyang ipinapatayong bahay na nagkakahalaga ng P120 million.

Ang lokasyon ng ipinapagawang bahay ng actor-politician ay sa eksklusibong Wack Wack subdivision sa Mandaluyong City.

Sa report ng The Philippine STAR—na lumabas ngayong araw, Biyernes, September 27—sinabi ni Senator Jinggoy na ang pinagbentahan ng kanilang bahay sa North Greenhills, San Juan, ang perang ginamit niya sa pagpapagawa ng bagong bahay.

Nagsimula raw ang pagpapatayo ng bahay niya sa Wack Wack noong huling bahagi ng 2012.

“OK, I sold my house and lot in Greenhills. At yun ang pinangbayad ko,” sabi ni Senator Jinggoy sa phone patch interview niya sa Senate media.

Dito ay naputol daw ang linya, kaya hindi nito nasagot ang tanong kung bakit hindi naisali ang ipinapagawa niyang bahay sa kanyang bagong Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sa hiwalay na panayam naman ng STAR, ipinaliwanag ni Senator Jinggoy na kasama ang kanyang Wack Wack property sa 2012 SALN niya.

Ito raw ay nakasulat sa ilalim ng kategoryang “investments,” na umabot sa halagang P122 million.

Dagdag pa ng anak ni former President at current Manila Mayor Joseph Estrada, naibenta nila ang kanilang bahay sa Greenhills sa halagang P100 million noong 2011.

Ito nga raw ang ginamit niya sa pagbili ng property sa Wack Wack.

Paliwanag pa ni Senator Jinggoy, “How can I place it [Wack Wack] in my properties in the SALN when it has not been transferred to my name?”

Ayon pa sa kanya, ibinenta nila ang kanilang lumang bahay dahil mas mahal daw ang aabutin kapag ipa-renovate nila ito. Kaya mas pinili na lang niyang magpatayo ng bagong bahay.

“The house is in a state of disrepair. It would be more costly to renovate it.”

Kumalat ang balita tungkol sa Wack Wack property ni Senator Jinggoy ilang oras bago ang mga “pasabog” niya sa kanyang privilege speech noong Martes, September 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang speech ay idinawit niya sa kontrobersiyal na Priority Assistance Development Fund (PDAF) o pork barrel scandal ang ilang mga kasamahan niya sa Senado.

Ayon kay Senator Jinggoy, nakatanggap daw ang mga ito ng halagang P50 million bilang “incentive” para lang ma-impeach si dating Chief Justice Renato Corona noong nakaraang taon.

(Read: Senator Jinggoy Estrada criticizes fellow senators in privilege speech on PDAF issue)

Isa si Senator Jinggoy sa tatlong senador—ang dalawa pa ay sina Senator Juan Ponce Enrile at Senator Bong Revilla—na kinasuhan ng plunder at malversation of funds noong September 16 ng Department of Justice at National Bureau of Investigation kaugnay ng paggamit nito ng kanyang PDAF sa bogus NGOs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN