Katrina Halili: "Alam ko na yung kalokohan ng mga lalaki. Hindi na nila ako magagago pa!"

Pinabulaanan ni Katrina Halili ang balitang nakamana raw siya ng isang malaking lupain sa Palawan. Sabi ng aktres, "Wala! May lupa lang kami, sa mama ko yun, e. Wala, walang ganun, not true."


Ginagampanan ni Katrina Halili sa GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig? ang papel ng isa sa mga manugang ni Celia Rodriguez.

Sa totoong buhay ay may karanasan na rin si Katrina bilang isang manugang.

Bagamat hindi pa sila kasal ng boyfriend niyang si Kris Lawrence, may isa na silang anak na babae—si Katrence o Katie.

Sabi ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo, na-experience ko, kasi umuuwi dito yung mama ni Kris.”

Balitang mahal na mahal si Katrina ng ina ni Kris.

“Lovable naman kasi talaga ako, e. Tsika!” sabay tawa ng Kapuso actress.

Pero dagdag niya, “Mabait po, mabait po ang mama ni Kris.”



CHANGES. Ano ang pinakamalaking pagbabago sa buhay ni Katrina ngayong isa na siyang ina?

“Marami po!” bulalas niya.

“Nagkaroon ng direksiyon yung buhay ko. Mas gusto kong magtrabaho. Mas gusto kong mag-ipon.”

Hindi ba’t ganoon na siya dati pa?

Sabi ni Katrina, “E, ngayon, meron ka nang pinag-iipunan, e. Dati, sarili mo lang, e.”

Maaliwalas din ang aura ni Katrina ngayon.

“Kasi, masaya po talaga na may baby sa bahay. Ang saya, masarap ang pakiramdam.

“Kahit pagod na pagod ka na, makita mo lang siyang ngumiti, para ka nang nanalo sa lotto! Ang sarap niyang tumawa!

“Magiging ano ako dito, stage mother ako dito,” sabi pa ng aktres tungkol sa anak.

Dahil babae si Katie, tulad niya, magiging mahigpit ba si Katrina kapag dalaga na ang anak?

“Oo, tsaka ano ako, alam ko na yung kalokohan ng mga lalaki. Hindi na nila ako magagago pa!” at tumawa muli si Katrina.

“Tama nang minsan may nanggago. Hindi na puwedeng maulit ito.

“At tsaka gagawin kong kaibigan si Katie.

“Hindi naman ako yung sobrang istrikta na ano, na walanghiya. Kailangan friendly ka.”

Sa kanila raw ni Kris ay si Katrina ang mas nang-ii-spoil kay Katie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RELATIONSHIP WITH KRIS. Ano naman ang sikreto ng tumatagal at tumitibay na relasyon nila ni Kris?

“Ano ba ang sikreto naming dalawa?” napatanong din si Katrina sa sarili.

“Siguro, hindi kami naghihigpitang dalawa. Para kaming magbarkada and nagtutulungan kami kay Katie.

“And kung ano yung mga pagkukulang sa akin... kasi magkaiba kami ng personality, e...

“Kung ano yung wala ako, siya ang meron, ganun. Give and take kaming dalawa.”

Pero inamin ni Katrina na nagkakaroon din sila minsan ng tampuhan.

“Mga simple lang, ako lang yung nagsisimula!” tawa ni Katrina.

“Mabait naman kasi si Kris, e.”

Kailan naman nila susundan si Katie?

“Ay, huwag muna po! Kasal muna dapat. Tsaka na, ang hirap magpapayat, grabe!” sabi niya.

Twenty-seven si Katrina ngayon. In three years pa raw sila maaaring magpakasal ni Kris, at saka pa lang masusundan si Katie.

Four years old na by that time si Katie, kaya ito na raw ang magiging flower girl sa kasal nila ni Kris.

Ano ang dream wedding ni Katrina?

“Simple lang po. Yung nandun yung family ko, yung family niya, yung mga importanteng tao sa buhay namin.”



INHERITANCE RUMOR. May balitang lumabas na nakamana raw si Katrina ng isang malaking lupain sa Palawan kaya mayaman na siya ngayon. Totoo ba ito?

“Saan ’yan lumabas? Nakakaloka! Wow, gaano kalaki?” nagulat niyang reaksiyon.

Ayon pa sa balita, ilang milyon daw ang halaga ng naturang lupain kaya kahit matagal siyang hindi nagtrabaho ay maayos ang buhay niya.

“Hindi naman,” nakangiting sagot ni Katrina.

Nakamana nga ba siya?

“Wala! May lupa lang kami, sa mama ko yun, e.

“Wala, walang ganun, not true.

“Siyempre, kaya nabubuhay ako, siyempre guaranteed [contract] ako sa GMA, kaya buhay pa rin ako!

“Nag-sign ako, January 7 po, hanggang 2015.”

Hindi siya nag-isip umalis ng GMA?

“Kung nasaan ako ngayon, dito ako.”

Nag-offer ba sa kanya ang TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati pa po,” pag-amin niya.

Pero dagdag ni Katrina, “Siyempre, dapat kung nasaan ka, di ba, kung saan ka nabuo? Binibigyan naman nila ako ng work, e.”


ED’S NOTE: Si Katrina, na nasa cover ng YES! magazine October issue, ay makikita dito sa kanyang pribadong ekta-ektaryang lupain sa El Nido, Palawan.

Ito marahil ang sinasabing mana niya. Sa YES! ay nagkuwento si Katrina sa history ng property—na makikitang napakaganda nga, punong-puno ng mga puno, halaman, bulaklak, at iba pang kagandahan ng kanyang native Palawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN