Sam Concepcion still non-committal about real score with Jasmine Curtis Smith

Aminado si Sam Concepcion na maingat talaga siyang magbitiw ng statements lalo na tungkol sa mga personal na bagay. Aniya, “We are in this industry kung saan our lives are very open and every one… parang they wanna know everything that we do. You have to understand na you have to leave room for yourselves din—keep personal things personal.”


Pinanindigan ni Sam Concepcion ang pinakahuling pananalita niya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jasmine Curtis Smith.

Noong nakaraang Cosmo Bachelor Bash 2013, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung talagang hindi puwedeng “officially” siyang umamin.

Deklara niya, “No naman. We’re exclusively dating and we’re very happy… so, I think yun na yun.

“Kayo na lang ang mag-interpret, pero ganoon na yun.”


SEXY SAM. First time na lumahok ng ABS-CBN actor-performer sa Cosmo Bachelor Bash sa World Trade Center noong Martes ng gabi, September 24.

Hindi naman siya na-disappoint sa ginawa niyang pagrampa sa runway na topless.

Sabi niya, “Sobrang happy, really happy na nagawa ko siya na natapos ko siya and everyone had fun. It went well.”

Sabi pa niya sa PEP pagkatapos ng show, “Siyempre, ito rin ang first ko, e.

“Everyone knows me as a teen actor na singer, wholesome and all that.

“Well, that’s not me anymore. Talagang pinag-prepare lang talaga ako for this.”

Last year pa sinasabi ni Sam na gusto niyang mag-Cosmo Bash at nagawa naman niya this year.

Pagkakataon na rin daw niya ito para mabago ang kanyang image.

Pahayag ni Sam, “Siguro… nangyari lang yung Cosmo last month lang, e.

“Pero noong tinanong ninyo, ‘Oy, magku-Cosmo ka ba this year?

“Sagot ko naman, ‘Oo, siguro naman it might happen and nangyari naman.

“Maraming salamat sa Cosmo, siyempre for welcoming me with open arms na kinuha nila ako sa kanilang little sister Candy Cutie [magazine], inilagay nila ako dito.”

Anong pakiramdam na mula sa pagiging cutie, isa na siyang hunk at tinitilian ng mga kababaihan at mga bading?

“Grabe! Alam ninyo, nagugulat rin ako sa crowd kanina.

“It was a different crowd that I don’t usually perform for. But it was good, it went really well,” nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WORKOUT. Anong preparation ang ginawa ni Sam bago sumalang sa show?

“I go to the gym as much as possible, eat less these past few days.

“Puwede ko pa sanang ano, e, nag-prepare pa sana ako, e. Well, sometimes kulang sa time and all that, but it went well naman,” patuloy pa niya.

Tuluy-tuloy na ba ang kanyang pagpapa-sexy?

“Ahm, definitely, I’ll be more mature now. That’s why I was able to do things like this, kasi hindi naman ako puwedeng…

“Hindi naman ako puwedeng mag-stick sa teen phase ko forever at hindi na rin ako teen.

“So, dumating na rin ako sa time na kailangan ko na ring mag-level up, mag-mature,” pagmamalaki ni Sam.


ALMOST DISAPPOINTED. Hindi nakita ni Sam ang rumored girlfriend niyang si Jasmine Curtis Smith sa audience.

Tanong ni Sam, “Nandoon ba siya? Alam kong nandoon siya, pero hindi ko siya nakita dahil ang daming tao. I was looking for her.

“I was kinda disappointed noong hindi ko siya nakita. But she was there, I knew she was there.

“Medyo hindi ko lang siya nahanap kaagad. Hinahanap ko nga, e.”

Nagkita ba sila bago siya rumampa?

“Ah, she did let me know na nandito na siya pero hindi kami nagkita.”

Nalungkot ba siya na hindi niya nasulyapan si Jasmine bago siya rumampa?

“Hindi naman. Pero siyempre, just knowing that she was there boosted my confidence,” pag-amin ng binata.


THE TRUTH. Masarap ba ang feeling na sa first time niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash, nandiyan pa ang babaeng mahal niya?

“Oo naman!” pagmamalaki ni Sam.

Ibig sabihin, inaamin mo nang mahal mo si Jasmine?

“Yun ba ang sinabi ko?” nangingiting sagot ng actor-performer.

“Sabi ko, oo naman.”

Kumusta na ba sila ni Jasmine?

“We’re good. Happy, very happy,” giit niya.

Nag-glow ang mga mata ni Sam sa mga nakakarating sa kanyang balita na sinasabi raw ni Jasmine sa mga interviews na happy siya sa piling ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ba siya? Buti naman,” ngiti ni Sam sa narinig.

Ayon pa rin kay Jasmine, dapat manggaling kay Sam ang anumang statement na maglilinaw tungkol sa status ng relasyon nila ngayon.

Bakit nga ba hindi maamin-amin ni Sam na sila na nga ni Jasmine?

“Well, kasi siyempre, we are in this industry kung saan our lives are very open and every one… parang they wanna know everything that we do.

“But you know, sometimes, you have to understand na parang minsan you have to leave room for yourselves din—keep personal things personal.

“But we never hide anything naman, e. You do see us in public, we’re vocal na, ‘Uy…’ ganyan-ganyan.

“And like what we’ve said in Star Magic Ball, we’re exclusively dating,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN