Raymart Santiago will file for annulment of marriage to Claudine: "Napag-iisipan na rin yun, susunod na rin yun."

Raymart Santiago on break-up of marriage to Claudine Barretto: “Hindi ko rin naman inisip na mangyayari ito. Pinakasalan ko si Claudine, at inisip ko na habang buhay kami magsasama. Pero humantong sa ganito, yun ang nangyari.”

This photo was taken in 2011.


Nasa adjustment period pa raw si Raymart Santiago ngayon, dahil hindi raw biro ang matagal na pinagsamahan nila ng asawang si Claudine Barretto.

Dalawang beses ikinasal sina Raymart at Claudine, at siyam na taon ding nagsama.

Una ay sa isang civil ceremony noong May 2, 2004, sa Cauayan City, Isabela. Pangalawa ay sa isang church wedding noong March 27, 2006, sa Tagaytay Highlands sa Tagaytay City.

Sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk, “Siyempre, hahanap-hanapin mong may katabi ka sa gabi.

“Paggising mo, nandun yung mga anak mo, na ni minsan hindi ko naisip na mawawalay sila sa akin.

“Minsan kasi, parang hindi mo naman sila napapansin kapag araw-araw mo silang kasama.

“Pero ngayon na hindi mo sila nakikita palagi…

“Parang hindi mo makikita yung importansiya ng isang tao [hangga’t] wala na. Dun mo mari-realize yung value ng taong yun.

“Lahat naman tayo, may mga bagay na pinagdadaanan tayo.

“Alam kong may katapusan ito, at alam ko, maganda ang kinabukasan.”



ANNULMENT. Inamin din ni Raymart na sa dami ng mga kasong hinaharap nila ni Claudine, may isa pa silang kasong haharapin.

Ito ay ang annulment nilang mag-asawa.

“Napag-iisipan na rin yun, susunod na rin yun,” prangkang sagot ni Raymart.

“Hindi ko rin naman inisip na mangyayari ito.

“Pinakasalan ko si Claudine, at inisip ko na habang buhay kami magsasama.

“Pero humantong sa ganito—yun ang nangyari.”

Pagdating sa dalawang anak nila ay tipid ang mga sagot ng aktor.

May ongoing case nga raw silang mag-asawa, at kailangang tuparin ang gag order ng korte pagdating sa mga bata.

Pero hindi raw magpapabaya si Raymart sa mga bata.

Hangad daw niyang nandiyan pa rin siya sa pagpapalaki sa dalawang anak nila ni Claudine.

“Alam mo, nasa korte pa lahat ‘yan, e. At nandun pa rin yung proseso, pag-uusapan pa.”

Dagdag niya, “Nandiyan yung mga anak ko, mas kailangan nila ang atensiyon ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doble-doble mula sa akin, dahil ngayon, ako ang tatayo bilang ama at ina nila.

“At ganun din naman si Claudine. Siya rin ang tatayong ina at ama ng anak ko, dahil magkahiwalay kami, e.

“Hindi kagaya dati—tatay ako, nanay si Claudine.

“So, hindi pa kami puwedeng magsama ngayon ni Claudine.

“Sakali, kung makikita ako ng anak ko, yun ang role ko, nanay-tatay.”



FAMILY SUPPORT. Nagpapasalamat si Raymart sa patuloy raw na suporta ng kanyang pamilya, kasama na ang mga kaibigang hindi raw bumitaw sa kanya, at ilan pang bagong kaibigan.

Aniya, “Simula nung una pa naman, hindi ako iniwanan ng pamilya ko.

“Nagpapasalamat ako sa nanay ko.

“Nagpapasalamat ako sa mga kapatid ko na sumusuporta sa akin. Pati sila nadadamay… na nandiyan sila na sumusuporta sa akin.

“Mga bago kong kaibigan at mga luma kong kaibigan, na hindi ako binitiwan. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Tinanong rin ng PEP si Raymart kung ano ang reaksiyon ng kanyang inang si Cielito Santiago sa mga maaanghang na sinabi ni Inday Barretto, ang ina ni Claudine.

“Hindi ko alam,” sambit nito.

“Kagaya rin ng sinabi ko noon, alam nila yung totoo. Tulungan nila si Claudine.

“Sa ngayon, sa puntong ito, sila na lang makakatulong kay Claudine, dahil wala na ako sa bahay.

“Sila nakakausap, sila na lang makakatulong kay Claudine.

“’Kung anuman ang makakabuti sa anak ninyo...’ sana aksyunan na nila.”

May pakiusap si Raymart sa kampo ni Claudine: “Sana, as much as possible, itigil na natin itong batuhan.

“Pero, kagaya rin ng sinabi ko, pinipilit nila ako, e. Huwag nila akong pilitin.

“Maganda naman ang pinagsamahan namin nung una. Sana hanggang ending.

"Kung mangyayari man, yun sana, maganda rin yung exit.

“Kasi kaming dalawa naman yung talo dito,” pagtukoy ni Raymart sa kanila ni Claudine.

Mapapanood ang kabuuang exclusive TV interview kay Raymart sa Startalk, bukas, September 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN