Direk Wenn Deramas on Raymart Santiago-Claudine Barretto feud: “Ako talaga, hindi ako magti-take sides.”

Direk Wenn Deramas on dilemma of taking sides in the Raymart-Claudine battle: “...gusto ko kasi at this point, ang buhay nila pareho ni Raymart ay wala silang ibang kailangan kundi ang sarili nila... Hindi nila kailangan ang isang Wenn Deramas na magtitindig pa sa panahong kailangan nga nila ang magganyanan, e. Kuha niyo?”


Hindi itinanggi ni Direk Wenn Deramas na may kinalaman ang problemang personal ni Claudine Barretto sa asawang Raymart Santiago kung bakit di pa nasisimulan ang pelikula ng direktor na pagbibidahan ni Claudine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn noong Martes, July 24, sa presscon ng pinakahuling handog niya at ng Viva Films, ang Bekikang (Ang Nanay Kong Beki).


Sa panayam sa Mom’s and Tina’s, sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City, sinabi ng box-office director: “Siguro nga may kinalaman sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon.

“Naging busy siya sa pag-aasikaso sa mga bagay na ’yan.

“Pero sa part ko, hindi ko akalain na ganito pala ka-tedious yung isang pelikulang ginagawa ko—yung Girl Boy Bakla Tomboy, kaya heto muna ang aasikasuhin ko.

“Lagi kong sinasabi ito sa kanya [Claudine], ’Artista ka, umarte ka.’

"Yun ang dapat na mga ginagawa ng mga artista—gumagawa ng pelikula, umaarte.”

Bilang kaibigan ni Claudine at ng pamilya Santiago, ayaw raw niyang sabihin kung sino ang kakampihan niya, lalo na’t lumalala na nang husto ang isyu sa pagitan ng mag-asawang Claudine at Raymart.

“Kung anuman yung mga personal na buhay, hindi ko pa nadadalirot ngayon kay Clau-Clau [palayaw niya kay Claudine] dahil mahirap pumuwesto.

“Anak-anakan ko si Clau-Clau, tapos napakabuti sa akin ng pamilya ni Raymart. Si Raymart mismo, lalo na ang nanay, at saka kukuwestiyunin pa ba ang friendship ko with Rowell, Randy, and Junjun?"

Ang tatlong nabanggit ay mga kapatid ni Raymart.

“Ako talaga, hindi ako magti-take sides.

“Hindi naman nila ako kasama sa bahay, so sa likod lang talaga ako. Kung sino ang tutumba, itayo mo.

“Pero, para sumawsaw hindi ako maaasahan diyan,” pag-amin niya.

Meron ba siyang pinapaniwalaan sa magkabilang kampo?

Mariin niyang sagot, “Sabi ko nga, ayoko.

“Yung ako mismo—kung sino man ang nagsasabi ng totoo, silang dalawa rin lang ang nakakaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At bahala sila roon.

“Sila naman ang ikinasal, e.”

Pero aminado ang premyadong direktor na bukas ang kanyang mga palad sa sinuman sa dalawa na lalapit sa kanya.

Aniya, “Sa akin, kung sino ang hihingi ng tulong, bakit hindi?

“As a matter of fact, hiningian ako noon ni Claudine na parang affidavit na... hindi ko kasi alam kung ano ang ikinakaso sa kanya o iniisyu sa kanya.

“So, pinatunayan ko lamang na, during our time, sobrang maayos siya sa pagtatrabaho.

“E, naging maayos naman sa akin si Claudine hanggang sa huling soap opera naming Maligno... Bagong panganak siya niyan, pero napakasipag.

“Lahat kasi ng parte ng buhay ni Claudine, mula sa Mula Sa Puso, ay nandoon ako, e.

“Buntis na siya ay ginagawa pa rin namin ang Walang Kapalit with Piolo Pascual. Maayos na maayos din nating natapos.

“Nanganak lang siya, pero ginawa kaagad namin ang Maligno, maayos na maayos din.

“So, yun lang ang puwede nating sabihin.”

Bilang ama-amahan ni Claudine, ano ang suportang ibinibigay niya rito?

“Ngayon, ang totoo niyan ay may times na tumatawag siya sa akin na hindi ko talaga nasasagot,” pahayag ng isa sa pinaka-busy na TV at movie director ng bansa.

“Yun yung mga oras na itinutulog ko talaga, dahil OA naman ako sa pagka-busy ngayon.

“Ngayon ko lang kasi rin na-experience na hindi na rin ako bumabata, at dalawang pelikulang sabay na tinatapos ko. Tapos may Galema pa ako.

“Heto yung time na itutulog ko na lang. Pero tulad nito, pupunta pa ako sa presscon, tapos itutulog mo lang nang bahagya, tapos may pictorial pa.

“Ang sarap ba? It’s a happy problem, pero nagkakaedad na rin tayo.”

Hindi naman kaya magtampo ang kanyang kaibigan na heto ang panahong kailangan siya?

Paliwanag ni Direk Wenn, “Tulad nga ng sinabi ko, gusto ko kasi, at this point, ang buhay nila pareho ni Raymart ay wala silang ibang kailangan kundi ang sarili nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila mismo... hindi nila kailangan ang isang Wenn Deramas na magtitindig pa sa panahong kailangan nga nila ang magganyanan, e. Kuha niyo?

“Nasa proseso pa sila na nagsasakitan ng mga sarili, pagdating sa print.

“I just hope ma-realize nila na hindi lang ang mga sarili nila ang nasasaktan, mas marami pa. At ayoko nang makihalo pa doon.

“Dahil kung humalo pa ako doon, maaaring madagdagan pa ang mga taong masasaktan, na hindi naman dapat.”

ON AI-AI. Ano ang pakiramdam niya, na sa kanyang circle of friends na kasama rin si Ai-Ai delas Alas, ay halos iisa ang pinagdadaanang problema sa buhay may-asawa?

Natatawang sagot ni Direk Wenn, “Alam niyo, napag-usapan namin ’yan.

“May nagtanong kasi sa akin, ’Ano ang mga nangyari sa mga kaibigan mo?’ Parang ako ang malas sa buhay nila?

“Pero, tingnan mo naman, tindig na tindig na si Ai-Ai.

“Sinabihan ko nito si Ai-Ai, e. Sabi ko sa kanya, ’Kung meron kang doubt sa isang tao kahit .00001, wag mong ituloy.’

“Pero, choice na natin yun, di ba? Kung gusto nating ituloy.

“So, kapag dumating na yun [problema], alam na natin kung paano iha-handle yun,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN