Jessy Mendiola on being courted by Sam Milby: “Siyempre, kinikilig din naman ako na nililigawan ako ng isa sa mga crushes ko.”

Si Matteo Guidicelli, na inamin noon ni Jessy na muntik niyang makarelasyon, ay nali-link at nanliligaw daw ngayon kay Sarah Geronimo. Nanghihinayang ba si Jessy sa naudlot nilang relasyon? Sagot ng magandang dalaga, “Wala. Sa akin kasi, di yun sa panghihinayang o sa pag-udlot. Siguro, things happen for a reason, and I believe that kaya yun nangyari, kasi ito [Maria Mercedes] ang kapalit."


Si Jessy Mendiola ang bida sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Maria Mercedes, na unang binigyang-buhay sa telebisyon ng Mexican superstar na si Thalia.

Isang malaking karangalan daw para kay Jessy na sa kanya ipinagkaloob ang serye, na pinaghandaan niya nang husto bago siya sumalang sa taping.

Kuwento niya, “Nagpapayat po ako, ‘tsaka nag-aral po akong sumakay ng bike. Simula pagkabata hindi po kasi ako marunong mag-bike.”

“Actually hindi lang naman siya yung physical na preparation. Kami ni Jake, ‘tsaka ni Jason, nagkaroon kami ng sensuality workshop.”

Sina Jake Cuenca at Jason Abalos ang dalawang leading men ni Jessy sa Maria Mercedes.

“Ito po kasi yung pinakamalaking break na nakuha ko, na ’binigay sa akin ng ABS-CBN, kaya hinanda ko talaga yung sarili ko para rito,” pag-amin ng dalaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy kahapon, September 27, sa presscon ng Maria Mercedes, na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Sabi ni Jessy, nag-sensuality workshop sila para sa Maria Mercedes. Gaano ba ka-sensuwal ang show nila?

“Kasi, si Maria si Maria Mercedes, hindi niya alam na sexy siya. Hindi niya alam na gusto siya ng kalalakihan.

“Hindi niya alam na kaya niyang makipagsabayan sa magagandang nakikita niya sa paligid niya.

“Para sa akin, yung pagiging sensual ni Maria Mercedes ay yung kung sino talaga siya.

“Kumbaga, kaya niyang mabuhay para sa pamilya niya.

“For me, isa rin yun sa pinaka-sexy sa isang babae, yung pagiging matapang niya.

“So, si Maria Mercedes ay isang matapang na babae, at lahat ng mga babae ay may Maria Mercedes sa loob nila,” deklara ng Star Magic talent.

THANKFUL BUT PRESSURED. Unang nagbida si Jessy sa afternoon series na Sabel noong 2011, kapareha ang namayapang aktor na si AJ Perez.

Ito ang unang beses na magbibida siya sa isang primetime-television series. Kaya naman aminado siya na abut-abot ang kaba na nararamdaman niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang kinakabahan po ako, pero andun naman kasi yung suporta ng ibang cast, ng production, ng management na lagi na lang nila akong nire-remind na ’Kaya mo yan.’"

Pagkuwento pa ni Jessy sa pagpapalakas ng loob niya ng ABS-CBN management: "’Kaya namin ’binigay ito sa ’yo dahil alam naming kaya mong gawin.’

“So, ako naman, sobrang thankful ko na nabigyan ako ng pagkakataon na gawin ito.

“Aminin naman natin, minsan lang itong dumating sa buhay ng isang babae.

“Sobrang saya ko na Maria Mercedes pa, kasi bata pa lang ako pinapanood ko na si Thalia.

“Tapos natupad pa yung pangarap ko na nakausap siya.

“So, sobrang saya ko. Opo, pressured, nervous.

“But I believe na with the help of everyone and yung buong production and Direk Chito, I’m sure magugustuhan ng mga tao ’tong project na ito,” saad niya.

Si Chito Roño ang direktor ng Maria Mercedes.



WORKING WITH DIREK CHITO. First time na nakatrabaho at naging direktor ni Jessy si Direk Chito. Kumusta ang experience?

“With Direk Chito, surprisingly sobrang bait niya,” pagpuri ni Jessy sa kanilang direktor.

“Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ng iba na, ’Hala nakakatakot siya. Maghanda ka kay Direk Chito.’

“Siguro, I guess si Direk Chito ay very professional pagdating sa trabaho.

“And he expects everyone to be as professional as him.

“So, kapag ikaw din professional, kapag alam mo rin kung ano yung gusto niyang mangyari, o kaya kung ano yung gusto niyang daloy ng eksena, all is well.

“Sobrang saya ng tent namin.

“Si Direk Chito nakikipagbiruan pa sa amin, nakikipaglokohan.

“And siguro nakatulong din yung parehas kami ng province namin ni Direk Chito, kaya meron na rin yung connection na... Okay si Direk Chito.

“Sobrang bait ni Direk Chito, and he cares for everyone.

“Walang beterano sa kanya, walang bago, pantay-pantay lahat ang tingin niya sa amin, mapa-staff man o mapa-artista,” sabi ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating na ba sa punto, gaya ng sa ibang artistang hinawakan ni Direk Chito, ay “na-award” o napagalitan na siya nito?

“Siyempre, na-award na rin ako ni Direk Chito,” natatawang pag-amin ni Jessy.

“Hindi si Direk Chito yun pag hindi ka na-award,” tawa ulit ni Jessy.

“Pero ano siya, e. Ngayon magagalit siya, pero mamaya mawawala na.”

LOVE LIFE. Sa ngayon ay single si Jessy. After her failed relationship with JM de Guzman, hindi pa ulit siya nakikipagrelasyon kahit na maraming nanliligaw sa kanya ngayon.

At isa na rito si Sam Milby.

Kumusta naman ang panliligaw sa kanya ni Sam?

“Consistent naman siya,” sagot ni Jessy.

Inamin noon ni Jessy na isa si Sam sa mga showbiz crushes niya. Anong feeling na yung crush niya ay nililigawan siya ngayon?

“Siyempre, kinikilig din naman ako na nililigawan ako ng isa sa mga crushes ko,” halatang kinikilig ngang sabi pa ni Jessy.

“Sobrang bait at very sweet,” pagpuri pa ni Jessy kay Sam.

Bukod kay Sam ay nali-link din si Jessy kay Jake.

Sa presscon ng Maria Mercedes, buong ningning na inamin ni Jake na gusto raw talaga niya si Jessy.

Pero hindi raw siya yung tipong nanliligaw o pa-impress sa girl. Mas gusto raw niya yung nakikita nito yung magaganda at hindi magagandang katangian niya, at kung magkakagustuhan daw sila ay doon lang nila sisimulan ang anumang relasyon.

Sa pahayag na ito ni Jake, ano ang reaksyon ni Jessy?

“Siyempre, mas gusto ko yung nililigawan ako,” sagot ni Jessy.

So hindi pa talaga nanliligaw sa kaniya si Jake?

“Hindi pa po,” paglilinaw niya.

NO REGRETS ABOUT MATTEO. Si Matteo Guidicelli, na inamin noon ni Jessy na muntik niyang makarelasyon, ay nali-link at nanliligaw daw ngayon kay Sarah Geronimo.

Nanghihinayang ba siya sa naudlot nilang relasyon?

“Wala. Sa akin kasi, di yun sa panghihinayang o sa pag-udlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, things happen for a reason, and I believe that kaya yun nangyari kasi ito [Maria Mercedes] ang kapalit.

“And right now, yung blessing na ito ang reason kaya masaya ako,” sabi ng magandang dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN