Congresswoman Lucy Torres-Gomez on pork-barrel investigations: “Dapat talagang imbestigahan. Dapat talaga accountable.”

Congresswoman Lucy Torres-Gomez on her stand on the proposed abolition of the PDAF: “Pero, kung tatanungin niyo ang ano ko, parang stand ko—kunwari kotse, merong mga barumbadong driver, hindi ibig sabihin na ban na lahat ng kotse, di ba? So, we are in a process na nililinis yung sistema.”


Walang dudang nae-enjoy ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang pagiging talk-show host dahil muli niyang tinanggap ang trabaho bilang isa sa mga hosts ng Showbiz Police.

Ang Showbiz Police ay bagong entertainment talk show ng TV5, na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Pag-amin ni Lucy nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kahapon, September 27, sa Reliance Studio sa Mandaluyong City: “Yes, I enjoy my work in showbiz.”

Ano ang mas nae-enjoy niya—pagiging talk-show host, dancer, o public servant?

“They’re all different,” paglinaw ng butihing asawa ni Richard Gomez.

“I can’t compare my work in show business with my work in politics.

"Because my work in show business, it involves a lot of time also. And in showbiz, parang, I’m only accountable to myself, di ba?

“But in politics, I really take it very seriously because I’m accountable to not only the people who voted for me but also to those that didn’t vote for me.”

Aminado naman si Lucy na, sa ngayon, ang pagsasayaw ang talagang nami-miss niya.

“Dancing I do, kasi it’s still myself lang. Even when I’m doing a dance show, hosting pa rin yun.

“But if you’ll ask me what I enjoy more, the talk show or the dance show, magkaiba.

"But, I think, the dance show siguro because it’s still one of my happiest places.”

BE YOURSELF.” Bilang isang talk-show host, wala raw problema kay Lucy na makapanayam ang dating girlfriend at ngayon ay masasabing ka-loveteam pa rin ng asawang si Richard Gomez—si Dawn Zulueta.

Sabi nga ni Lucy, “Oo naman, we did that already. Sa show ko dati sa GMA. At saka, nagkikita-kita kami because yung husband niya is also in Congress.

“So, kapag may mga events sa Congress, kasama ko si Richard. Siya naman, kasama siya ni Congressman Anton [Lagdameo].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga kasamahan niyang hosts sa Showbiz Police ay masasabing mga matatapang talaga sa paghahatid ng balita at opinyon, tulad nina Cristy Fermin, Direk Joey Reyes, at maging si Raymond Gutierrez.

Siya ba ang naka-assign na mag-balanse sa mga ito?

“Hindi naman,” sagot niya.

“I give opinions, but iba-iba kasi tayo ng pamamaraan. Their way is... si Nay Cristy is very different. Si Direk Joey rin is different. Sa akin din naman.

“Parang, what I like about this show, you’re not asked to be someone you’re not.

"So, alam nila na malumanay akong magsalita, hindi nila binabago yun. Hindi nila ako sinasabihan na dapat maging kontrobersiyal ka.

“Parang we were each picked siguro to be part of a group, and we were never required to be the copy of each other. Parang, we came here being our own person.”

NEED TO CLEAN UP PDAF PROCESS. Hiningi ng PEP ang opinyon ni Lucy, bilang congresswoman, sa mga maiinit na isyu ngayon sa pulitika, partikular na ang abolisyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Lucy, “Ang stand ko sa PDAF—oo, ano talaga, naabuso siya. And I believe na dapat talagang imbestigahan. Dapat talaga accountable.

“As public servant, you’re accountable. Pero, on the issue whether i-abolish ba or not, ang personal stand ko is, sana, huwag ma-abolish.

“Ang PDAF is a way for us representatives to address the needs of our constituents on a level na hindi kaya ng gobyerno.

“Ang PDAF, ginagamit namin sa hospital, for scholarship. Kung merong nangangailangan ng scholarship or medical assistance, hindi naman siya puwedeng dumayo rito sa Malacañang at sabihang ’Tulungan mo ’ko.’

“Yun ang role ng representative, at yun talaga ang function ng PDAF.

“Now, has it been abused? Yes, it’s been abused. Obvious naman, e.

“Obvious naman na may kakulangan talaga. Obvious din na may lapse ang C.O.A. [Commission on Audit].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, bakit umabot nang ganito kalaki na hindi na-check? So, dapat talaga, makorek yun.

“Pero, kung tatanungin niyo ang ano ko, parang stand ko—kunwari kotse, merong mga barumbadong driver, hindi ibig sabihin na ban na lahat ng kotse, di ba?

“So, we are in a process na nililinis yung sistema.

“At meron tayong Presidente na gustong maayos ang proseso and, for now, he has decided na i-abolish ang PDAF. So, siguro naman, para umabot siya sa desisyon na ‘yan, napag-isipan yun.

“Hindi yun desisyon na sinabi lang, ’Para mawala na ang gulo, i-abolish natin.’ I’m sure the President has thought about it, and decided na it’s the best thing to do.

“As his partymate and as somebody who really believes in the President, susunod tayo kung ano ang utos ng Pangulo.”

Naniniwala naman si Congresswoman Lucy na hindi lamang ang mga nadidiin na mga pulitiko ngayon, na kapwa niya nasa showbiz, ang nasa listahan ng mga dapat imbestigahan.

Sabi nga ni Lucy, “They are not the only ones on the list. Hindi pa tapos ang imbestigasyon. Marami pa sigurong pangalan na malalabas din.”

SENATOR JINGGOY ESTRADA. Naitanong naman kay Lucy si Senator Jinggoy Estrada. Sa ikalawang episode pa nga lang ng Showbiz Police, merong eklusibong panayam sa anak nitong si Janella Estrada.

Ayon kay Lucy, may personal siyang pagkakakilala kay Senator Jinggoy. Humingi na siya ng tulong sa senador sa pagpapatayo ng ilang classrooms sa Leyte, at masasabi raw niyang mabuti itong tao.

Wala raw hiningi ito sa kanya na porsiyento o komisyon.

Ngunit aminado siya, na simula nang lumabas ang isyu ng PDAF na nag-uugnay sa Senador sa scam na brainchild ni Janet Napoles, hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong makita ito o makausap.

Aniya, “I haven’t seen him since this issue.”

Sa naging privilege speech ni Senator Jinggoy, ano ang naging reaksiyon niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, we have our own—iba-iba kasi ang interpretasyon ng tao. Hindi ko rin nakita ang kabuuan ng privilege speech niya, because budget deliberation kasi kami sa Congress.

“It’s hard to give a comment kapag hindi mo nakita.

“Kasi, iba ang opinyon mo. Iba rin ang opinyon ng mga nakakita.

"But I stand with what I said kanina. Sa pagkakilala ko kay Senator Jinggoy, maayos siya na tao,” pagpuri niya sa anak ng dating pangulong Joseph Estrada.

Dahil ang mga artistang senador ang nalalagay sa front pages pagdating sa PDAF issue, tingin ba niya’y namantsahan pa lalo ang mga artistang pumapasok sa pulitika?

“No, no,” mabilis niyang depensa.

“It’s unfair kasi na lalahatin mo based lang... parang kami rin sa Congress. Kapag may isang nag-shine, ang buong institusyon naman, tinitingnan na maayos yung approval rating.

“Pero, kapag may isang nagkamali, buong institusyon din, ’A, marumi sila.’ Ganoon naman talaga, e.

“But, is it fair? No, it’s not fair.”

ALL FOR TRANSPARENCY. Masasabing wala ang pangalan ni Lucy sa mga legislators na nakukuwestiyon pagdating sa PDAF.

Pero sa patuloy na magiging imbestigasyon, nandoon ba ang kumpiyansa niyang hindi siya masasangkot?

Ayon kay Lucy, “I know where the money was. I know where the money was spent.

"Nakikita naman. Lahat naman transparent dapat ,kaya nga nakita yung ganito ngayon.

“That’s why, it’s very important na we remember, we’re public servants and we’re accountable with everything that we do.”

Okay din daw kay Lucy ang Freedom of Information Bill.

Aniya, “Yes, in fact, even the President is really for that. Ina-ano naman talaga ‘yan sa House. Last Congress pa na parang ’sinusulong talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN