Megan Young shares Miss World victory with countrymen: “It’s not just my journey, it’s their journey as well.”

Newly-anointed Miss World 2013 Megan Young shares her message to the Filipino people: “Salamat, yun, yung talaga ang gusto kong sabihin sa kanila kahit na, I mean, hindi kami magkakilala. Pero pareho kaming Pilipino, at nire-represent ko yung country. Salamat dahil nagtiwala sila sa akin, na manalo man o matalo ako, nandiyan pa rin sila sa likod ko. At, you know, sana sa journey ko ngayon dito sa Miss World, sana they still be there, they still watch my journey, because it&


“Thank you so much, I’m very happy for everything—sa suporta, I’m very grateful sa suporta niyo sa akin.”

Ito ang bungad na pasasalamat ng bagong hirang na 2013 Miss World na si Megan Young, sa phonepatch interview nito, kaninang tanghali, sa Balitang 60 ng Aksyon TV Channel 41.

Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nakasungkit sa mailap na korona ng Miss World beauty pageant, mula nang magbukas ito 63 years ago.

Tinalo ni Megan kagabi, September 28, ang may 126 pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo, na nagtipun-tipon sa Bali, Indonesia.

Ano ang pakiramdam ni Megan ngayon? Nag sink-in na ba sa kanya ang malaking tagumpay bilang kauna-unahang Pilipinang Miss World?

Pag-amin niya, “Hindi pa talaga siya nagsi-sink in.

“But I’m really grateful and honored to be part of history, for the Philippines. And not just winning this crown, but help the Filipino to be able to show, you know, yung pagiging hospitable nila, yung pagiging maalaga nila sa mga tao around the globe.”

Sa kanyang unang araw bilang Miss World, anu-ano na kaya ang kanyang mga ginawa?

FIRST DAY AS MISS WORLD. Saad niya, “Well, today imi-meet ko po yung mga kapatid ko, si Mama umuwi na muna sa Pilipinas dahil maaga yung flight niya, so imi-meet ko sila, so yun na muna, family first.

“And then tomorrow, everything starts. I think we fly to London already and soon well be flying back to the Philippines to see everyone, to say thank you.”

Matatandaang si Megan ang isa sa mga sinasabing crowd favorites sa 63rd Miss World nitong mga unang araw pa lamang nila sa host country nitong Indonesia. Naramdaman ba niya ito na parang angat siya sa iba?

Lahad niya, “No I didn’t. I didn’t, because I don’t want to think about that. I really just kept it to myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re just enjoying the moments with my friends here, the girls, and it was really a moment for me, enjoying it, kasi kailan ko ba to ma-e-experience ulit? Hindi na, so kailangang ma-enjoy ko habang nandiyan.”

Sa Question and Answer segment ng show, pinaka-highlight sa sagot niya ang tungkol sa “core values.” At sa panayam din ng kanyang ina ay ito rin ang sumesentro sa kanyang kasagutan.

Malaki ba talaga ang naging impluweniya ng kanyang ina pagdating sa values sa kanya?

Aniya, “Opo, malaki po talaga yung impluwensiya niya sa akin.

“You know she’s just a very positive person and I think I got that positivity from her because she doesn’t like to be being negative in life, and it’s always about being positive and giving back that positive aura to the people around you.”

DANCE OF THE WORLD. Isang production number naman sa show ang nagpakita ng mga sayaw mula sa piling mga kalahok sa patimpalak. Isa sa masuwerteng nagpakita ng katutubong sayaw ay si Megan kung saan isinayaw nito ang katutubong sayaw na singkil.

Pagmamalaki pa niya, “It feels great, you know since I was crowned two weeks before leaving for Miss World, you have very little time and I actually practiced that dance the night before I left.

“And I’m very thankful because somebody from Bayanihan, his name is Caloy, he volunteered to teach me the dance and it’s called singkil, it’s a Filipino Muslim dance.

“And we went all night as early as 3:00 am rehearsing with everyone and it was really an amazing experience and I’m really thanking the Bayanihan Dance Troupe for being able to showcase that moment.

“I’m very proud and honored that somebody from their group has thought me that.”

Sa loob ng isang taon, magiging abala na si Megan sa mga gawain ng Miss World hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Kailan kaya ang balik niya sa Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot nito, “Pupunta muna kami sa London. Alam ko may aasikasuhin pa kami, may mga pag-uusapan pero for sure soon, babalik ako sa Pilipinas.

“Kasi gusto ko makita ang aking mga kababayan, mga kaibigan, mga family ko, so for sure babalik ako very, very soon.”

Sa ngayon kaya ay mayroon nang mga magandang offer sa kanyang trabaho sa ibang bansa?

Natatawang sagot nito, “Wala pa naman po, pero we are always hoping for the best, sana maging magandang stepping stone ito para sa future ko, para sa future ng mga kapatid ko and mga friends ko.”

MESSAGE OF THANKS FOR FILIPINOS. Sa huli, salitang pasasalamat pa rin ang ipinaabot ni Megan sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta sa kanya.

Aniya, “Salamat, yun yung talagang gusto kong sabihin sa kanila kahit na... I mean hindi kami magkakilala, pero pareho kaming Pilipino at nire-represent ko yung country.

“Salamat dahil nagtiwala sila sa akin, na manalo man o matalo ako, nandiyan pa rin sila sa likod ko at you know sana sa journey ko ngayon dito sa Miss World sana they still be there, they still watch my journey because it’s not just my journey, it’s their journey as well.

“And we all grow together as one and that’s what I really want for my reign this year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN