Dominic Roco on making peace with dad Bembol Roco: “We still talk pero we have nothing to talk about.”

Dominic Roco on forgiving his dad and moving on with his life: “Ako whatever happened with my family, with my dad, it made me a stronger person, it made me love my family more, it bonded us more and I’m glad it happened. Before bitter ako, nagalit ako but right now I already forgave him, e. I’ve seen my dad last month, okay, okay kami. Pero iyon nga, just like before nga, we still talk pero we have nothing to talk about. Pero I’m not mad, it&r


Noong una raw ay sinabi kay Dominic Roco na ang papel niya sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? ay bilang isang autistic, kaya ito ang ni-research niya bilang preparasyon.

Ngunit sa huli ay bilang isang mentally retarded na karakter bilang si Bobby ang ipinagkaloob sa kanya ng GMA.

Hindi raw alam ni Dominic kung bakit pinalitan ang kanyang papel.

“Siguro they have plans for building the past or the character,” pahayag ni Dominic sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Pumayag na siya kahit hindi na raw siya nakapag-research at nakapaghanda.

“On the spot na lang so aaminin ko, sa first week nangangapa ako, mahirap.

“So it really throws you off. Nakakalito siya and iyon nga honestly, this is the most challenging role that I’ll ever do,” dagdag pa niya.

Magkaiba raw kasi ang pagiging autistic at pagiging mentally retarded, pero kahit nabalewala ang pag-aaral niya on autism ay hindi iyon naging problema para kay Dominic.

Biggest break raw niya ito sa telebisyon. Siya kasi ang mapapangasawa ni Heart Evangelista na gumaganap bilang si Eloisa Aguirre kahit may kasintahan ito—si Lucio Aragon na ginagampanan naman ni Sid Lucero.

“Yeah for me this is my biggest break, yeah! Kaya nga rin ako kinakabahan kasi biggest break na nga pero it’s the hardest role naman,” at tumawa si Dominic.

“I’m really thankful that GMA gave me the opportunity to do this and sana I don’t let them down, sana they made the right choice.”

Bukod kina Sid, Heart at Dominic, mapapanood rin sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? sina Katrina Halili bilang si Margot, Alessandra de Rossi bilang si Gigi, Pen Medina as Andoy, Isabel Oli bilang si Richelle Mangahas, Anna Capri bilang Lualhati, at Miss Celia Rodriguez bilang Doña Hilaria.

Kasama rin sa cast sina Shamaine Centenera, Luz Valdez, Vangie Labalan, Mariel Pamintuan, Nicky Castro at Angelo Ilagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Walang karelasyon ngayon si Dominic.

“Hindi rin ako naghahanaap e, so wala, inaantay ko pa rin,” pag-amin niya.

ON BROTHER FELIX. Itinanggi naman niya na mas busy siya kaysa sa kakambal niyang si Felix Roco.

Aniya, “Felix, he’s doing more on indies and right now may show siya sa TV5.”

Hindi nakakontrata sa kahit anong TV station si Felix pero si Dominic ay exclusive contract artist ng GMA-7.

“I’ve already done five years; yung una kasi was a two-year contract then five years.

“I think I have two more years.”

“Hindi lang siya [Felix] visible pero busy din siya pero more on indies.

“Ako nga naiinggit ako gusto kong gumawa ng indie, e. Ang dami niyang ginagawang indie ngayon, dalawa tatlo yata ginagawa niya.

“For me I find Felix really good, e. Kahit sabihin nating kapatid ko siya I really find him good.

“Everytime I see him act, parang natsa-challenge ako in a good way, na kaya kong tapatan since he’s my brother and we get to talk about it, e.

“That’s what’s good about us, yung relationship namin, we get to give each other opinions. Kunwari if he doesn’t like what I’m doing sa TV he tells me,” pagpuri niya sa kapatid.

In awe raw si Dominic na makatrabaho si Heart.

“So far hindi naman ako kinakabahan; si Heart kasi sobrang daling katrabaho, she’s very professional,” pagtukoy niya sa co-star.

Nakatrabaho na niya si Heart sa Luna Mystica pero hindi sila magkapareha hindi tulad sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?

“Nung una kinabahan siyempre hindi lang si Heart, sina Sid, it’s my first time to work with Sid.

“So parang ginanahan ako na, I don’t want to let them down, na a lot of people are expecting a lot, I know that,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginagawa niya para hindi siya masapawan ng mahuhusay na katrabaho niya?

Aniya, “Nakikinig lang po talaga ako sa direktor kasi nasa direktor lang naman talaga, e. It’s the actor’s job to deliver what the director says so hindi ko iniisip na may magsasapawan, e.

“Iyon nga I just want to do what I know, that’s it.”

Ikinumpara nga ang role niya sa Rain Man na pelikula noon ni Dustin Hoffman.

“Dun nga ako nagulat, e. Very flattering pero iyon nga, I’ve seen Rain Man and Dustin Hoffman did a really good job.

“But then ako I don’t want to compare. I don’t like to peg him kasi he already did something that no one can do again,” sabi pa niya.

Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role kahit first time niya sa ganitong papel.

“No, kasi ako I really want the challenge, so kahit kinakabahan ako, I wanted to accept this project for myself, to prove to myself that I can do this, that I did this,” pagmamalaki niya.

FAMILY ISSUES. Natanong naman si Dominic tungkol sa isang interbyu ni Felix kung saan umamin ito na napagdaanan nito ang paggamit ng bawal na gamot, na nagkaroon ito ng problema na may kinalaman sa kanilang ama na si Bembol Roco.

May iba na diumanong pamilya ang ama nila.

“Ako whatever happened with my family, with my dad, it made me a stronger person, it made me love my family more, it bonded us more and I’m glad it happened.

“Before bitter ako, nagalit ako but right now I already forgave him, e.

“I’ve seen my dad last month, okay, okay kami.

“Pero iyon nga, just like before nga, we still talk pero we have nothing to talk about.

“Pero I’m not mad, it’s... we have nothing to talk about, ayoko nang pilitin na, wala, it’s not there, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang mga nangyari ay mas maayos sila ni Felix ngayon?

“Yes it made me stronger, lahat kami magkakapatid, my mom, it made us help each other, yung tulungan lang talaga,” saad niya.

Nagrebelde rin ba siya?

Tulad ba ni Felix ay may aaminin rin siya tungkol sa paggamit ng drugs?

Mabilis niyan pagtanggi, “No, I didn’t… I never used drugs as a resort to escape.

“I’d rather use alcohol, pero drugs, no. I don’t see the point of using drugs to escape kasi alam ko mas makakalala iyon sa utak mo.

“It’ll just magnify stuff more, so why use it?”

Nang nalaman niyang umamin si Felix, ano ang masasabi niya?

Agad niyang sagot, “No comment, it’s what he said, I don’t know what to say.”

Ano ang advise niya kay Felix sa mga pinagdaanan nila, sa mga panahong galit sila sa ama nila?

“Wala e, wala, e.”

Ano naman ang nai-advise na sa kanya ni Felix?

“Sa amin-amin lang, yung… I’m sorry pero iyon, it’s a personal thing na lang.”

Okay siya ng ama niya?

“Everything’s fine.”

Mas magaan sa dibdib?

“Kahit papaano kasi ang tagal rin naming dinala yung bigat at yung sakit and when nagsama kami, nung dumalaw nga si Papa parang everything, it felt a lot better,” muling pag-amin niya.

Pero inamin ni Dominic na may sakit pa rin siyang nadarama.

“It will always be there, I’m scarred for life.

“It will always be there. Pero it’s how I handle it na lang, it’s how I get past this problem. It will make me a stronger person, I know that,” giit ng binata.

Ano naman ang pinakanaka-scar sa kanya?

“Siguro with everything that happened, it changed how I look at relationships.

“Since I’ve seen my mom hurt, I don’t… I believe that no girl should go through that pain and ako hindi ko naman sinasabi na I would do that pero…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw ni Dominic na makasakit ng damdamin ng isang babae.

“Oo, kaya ayoko munang mag-girlfriend. If ever magkaka-girflriend ako gusto ko iyon na, I don’t want to play around, I don’t want to hurt a girl’s feelings, na it was just playtime.

“Respect the girl lang naman e, that s it,” pagtatapos na pahayag ni Dominic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN