Isabel Oli on relationship with boyfriend John Prats: “Kuntento na happy.”

Isabel Oli on eight-month-old relationship with John Prats: “Yung parang ngayon ko lang naramdaman yung kuntento lang ako sa lahat. Siguro I’m just so happy and everything sa nangyayari din sa buhay ko. Kahit may mga problema, pero sobrang malaki pa yung happiness kesa sa problema.”


“Hindi, isa ako sa mga kontrabida. Pero kung gaano ka-bad or kung ano, abangan na lang nila yan,” ang umpisang pahayag ni Isabel Oli sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang tinutukoy niya ay ang papel niya bilang si Richelle Mangahas sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?, ang bagong GMA afternoon prime show.

Paano pinaghandaan ni Isabel ang pangatlong pagkokontrabida niya sa telebisyon? Ano ang kaibahan nito sa mga nauna niyang “mean girl” roles?

“Ang kaibahan siguro dito is may boyfriend ako, tapos kailangan kong ibalik sa akin siyempre, parang ganun.

“The rest kasi parang, wala lang, nangti-trip lang na bad. Dito talaga may rason, kasi ex ko siya, e.

“Na-in love siya kay Heart, kaso hindi puwede, ’akin lang ’yan,’ parang ganun,” kuwento ni Isabel tungkol sa papel niya.

Bida sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? si Heart Evangelista bilang si Eloisa Aguirre at si Sid Lucero na gumaganap bilang si Lucio Aragon.

Nasa programa rin sina Katrina Halili bilang si Margot, Alessandra de Rossi bilang si Gigi, Dominic Roco bilang si Bobby, Pen Medina as Andoy, Anna Capri bilang Lualhati, at Miss Celia Rodriguez bilang Doña Hilaria.

Kasama rin sa cast sina Shamaine Centenera, Luz Valdez, Vangie Labalan, Mariel Pamintuan, Nicky Castro at Angelo Ilagan.

Ito ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Handa na raw si Isabel na api-apihin si Heart.

“Ay, oo! Parang this year talaga, beginning sa year na ito sa Forever, ’tsaka mag-e-end na lang inaapi ko siya. Yun naman sa Forever wala lang, trip-trip ko lang na inaapi-api si Heart, parang ganun.

“Ngayon dito sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?, kami na naman,” at natawa si Isabel.

At bilang pangatlong beses na nila ni Heart na magsasama sa isang proyekto, wala na raw silang adjustment sa isa’t isa.

“Ay wala, wala na! Sa Full House namin, kontrabida na rin ako niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasampal-sampal ko na siya,” at muling tumawa si Isabel.

HAPPY WITH LOVE LIFE. Tinanong namin si Isabel kung kumusta na ang puso niya?

“Ang heart ko ngayon ay happy,” bulalas ni Isabel.

Pero hindi raw totoong ikakasal na sila ng boyfriend niyang si John Prats.

“Hindi, hindi pa. Hindi yan parang priority sa ngayon, yang kasal. Baka in time, pero hindi muna ngayon.

“Si John busy, ako busy din. May mga contracts pa kami.

“Napapag-usapan lang namin yung kasal, pero yung siyempre, parang boyfriend-girlfriend na alam mo yung mga plans pero never, wala talagang date, walang engagement ring, wala lahat, wala talaga,” paglinaw ng dalaga.

Anong klaseng “happiness” ang nararamdaman ni Isabel ngayon?

“Kuntento na happy,” bulalas niya.

“Yung parang ngayon ko lang naramdaman yung kuntento lang ako sa lahat. Siguro I’m just so happy and everything sa nangyayari din sa buhay ko.

“Kahit may mga problema, pero sobrang malaki pa yung happiness kesa sa problema.”

Hindi naman raw perpekto ang relasyon nila ni John, nagkakatampuhan raw naman sila paminsan-minsan.

“Sobrang maliliit lang talaga. Hindi ko nga maalala kasi sobrang maliit. Wala kaming major na away, and sana naman wala,” kuwento ni Isabel.

Si John na nga ba ang gusto niyang makatuluyan?

Aniya, “Sana talaga po, and ipinagdadasal ko naman. Lahat naman ng naging boyfirends ko or kahit din naman siya, hoping talaga din kami nung time na yun, na sana eto na, pero unfortunately hindi talaga siguro para sa amin.

“Pero no regrets.”

Hindi ba mahirap na magkaiba sila ni John ng TV networks?

Pahayag niya, “Hindi naman, hindi naman. Walang ano, kasi he can come here anytime, ako rin, I can go there anytime. Wala namang problema.

“Deadma na sila ngayon sa ganun, e.”

Walong buwan na ang relasyon nila.

“Di ba ang bilis? Last year lungkut-lungkutan pa ako nung mga time na ito, ngayon naman sobrang opposite,” pagbalik-tanaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinaka-sweet na bagay na nagawa ni John para sa kanya?

Mabilis niyang sagot, “Siguro yung siya yung nag-i-initiate na magdasal.”

Miyembro silang pareho ng VCF o Victory Christian Fellowship.

Patuloy pa ni Isabel, “Kasi parang bago sa akin yun, na especially pag may tampuhan, after ng tampuhan, ‘O sige mag-pray muna tayo, na para hindi na maulit ang tampuhan.’

“Mga ganun.”

Mahilig din daw si John na mang-sorpresa.

“He loves surprises also, like sobrang simple lang, pag for example galing ako ng regional [shows], akala ko van ko ang susundo sa akin. Siya pala, tapos may flowers, yung mga ganun.

“To think mga early pa yun sa morning. E, alam ko galing pa siya ng taping.

"Walang tulog, e-effort talaga siya sa ganun, iyon, yung mga ganung bagay,” detalye pa niyang kuwento.

SWEET. Sweet si John; sweet rin ba si Isabel sa kanyang BF?

“I’m always sweet. Naks!” at tumawa ang aktres.

Kahit anong araw raw ay sweet siya.

“Ano lang, John is so sweet so ako nahawa na lang ako kay John.”

Matatapos na ang kontrata ni Isabel sa GMA-7 ngayong Nobyembre.

Magre-renew ba siya?

“Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam.”

May negosasyon naman raw sa pagitan ng manager niyang si Becky Aguila at ang Kapuso Network.

“Alam ko may mga ano na, negotiations lang, pero hindi ko pa alam kung ano, kung magre-renew ba. Hindi ko pa tinatanong.”

Paano kapag sinabi ng manager niya na ibabalik siya sa ABS. Dating Kapamilya artist si Isabel bago lumipat sa GMA.

“Naku, huwag muna nating pag-usapan yan kung ano ba talaga,” at tumawa si Isabel.

“Hindi, hindi ko alam, bahala na yung manager ko, kung sa tingin niya saan ba talaga ako okay at saan ako karapat-dapat siguro.”

NOT KEEN ON POSING FOR FHM. Naitanong naman kay Isabel kung naalok na ba siyang mag-pose para sa FHM magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo dati. Ayoko, anong ipapakita ko?

“Ayoko. I really admire mga girls na nagpu-pose dun, kasi sobrang sexy nila.

"Pero I don’t think it’s really bagay for me, kasi parang hindi naman ako... parang poste lang na nag-two piece,” at tumawa si Isabel.

“Huwag na, hayaan na natin sila.”

Hindi naman raw sa tutol dito si John o ang pamilya ni Isabel.

“Si John, wala yan [hindi tututol]. And family ko wala rin. It’s just ako talaga, ayoko. Nahihiya ako, e.

“Nag-pose ako ng naka-two-piece once, pero kasi ano lang, billboard siya, tapos ano siya, sobrang hindi siya revealing. Iyon na yung first and the last—sana,” panalangin niya.

Paano kung may ialok sa kanyang daring and sexy role para sa isang indie movie?

“Depende yan sa role, depende sa role.

“Ang FHM kasi kailangan sexy ka talaga, e. May ganyang concept, dapat sexy ka talaga, and I don’t think ganun ako.

“Depende lang, depende, baka hindi ko naman kayanin yung sobrang grabe, depende,” muli niyang paliwanag.

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa acting or hosting?

May mga programa ang GMA News TV kung saan host si Isabel.

“Sa ngayon, I love acting. Pero sobrang nag-e-enjoy ako sa hosting. Pero for a time, puro hosting ako, na-miss ko talaga itong acting.

“Pero ngayon parang ang tagal na mag-a-acting ako ulit, ang tagal.”

LOST TOUCH WITH CLAUDINE. Kaibigan ni Isabel si Claudine Barretto, pero matagal na raw silang hindi nagkikita at nagkakausap.

“Wala, wala talaga akong balita din sa kanya.

“Nagte-text lang kami [dati], pero ngayon wala talaga akong balita sa kanya. Nakikita ko na lang sa TV.

“Wala talaga, I don’t even have her number anymore kasi nag-change yata siya. I don’t have her number.”

Ikinalulungkot raw ni Isabel ang mga nagaganap ngayon sa pagitan nina Claudine at Raymart Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, siyempre, nakakalungkot. Nakakalungkot pero, wala, desisyon nila yun,” pagtatapos niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN