Enrique Gil on breaking down Julia Montes’s "wall": “Ngayon, sobrang-sobrang okay kami compared to before.”

Enrique Gil on getting to know Julia Montes a little better: “Yung sa amin ni Julia, aaminin ko na sa simula lang parang merong nagba-block. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko masyadong ma-explain. Parang may nagba-block na... How will I say this? Parang may wall na nagba-block sa aming dalawa. Which is... kung nakilala mo siya, ’Ah, kaya pala?’ I have to know her. Siyempre, ganun din ako. Siyempre, may pressure. ’Ah, kaya pala.’ After nun, mas


Sa primetime soap opera ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso, nakamit daw ni Enrique Gil ang kanyang leading man status at pagiging isang tunay na dramatic TV actor.

Pero magtatapos na ang nasabing teleserye sa unang linggo ng October, kaya marami ang nagtatanong kung nanghihinayang ba siyang mawawala na ito kaagad sa ere.

“In a way, yes, kasi marami ang nagsasabi sa akin even sa writers na, ’Oy, ba’t matatapos na? Bakit hindi i-extend?’” pahayag niya nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Thanksgiving presscon nito noong September 26 sa ABS-CBN.

“Actually sa start pa lang, sinabihan na kami na yung story ay hanggang dito lang talaga.

“Hindi tulad ng ibang soap na nai-extend pa, yung ending naiiba pa and everything, pero kami, hanggang dito lang talaga.

“Kahit five days a week yung taping namin at kahit pagod kami lahat, after that, hahanapin pa rin namin.

“Oo, nanghihinayang. Hindi maiiwasan happy kami and we enjoyed na show. Na-enjoy ko si Francis [character niya sa soap]. Siguro makaka-miss din.”

Dugtong pa niya, “Sobrang mami-miss ko ’tong dalawa [sina Julia Montes at Enchong Dee].

“Kay Enchong, totoo yung sinabi niya na ’you see somebody na parang ako rin.’ Totoo yung sinasabi niya.

“Kay Julia, sa lahat, mas lumaki at tumaas ang respeto ko sa kanya. Sobra... sobra.”

IN CHARACTER. Bilang si Francis, marami siyang ipinapakitang iba’t ibang klaseng emosyon.

Ano nga ba ang pinaghuhugutan niya at ano ang kanyang inspirasyon para maiarte ng tama ang kanyang character?

“Alam niyo sa dami ng mga eksena rito na halos araw-araw namin ginagawa, ako yung tipo ng tao na hindi talaga ako umiyak,” lahad ng Kapamilya actor.

“Siguro, dapat sobrang bigat na... sobrang bigat na bago talaga ako maiyak.

“Dito, hindi ko... siguro kapag in character na ako... kasi si Francis may sariling buhay. Parang, paano kaya naiyak ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro dahil nga sa in character ako kaya nagawa ko.”

Paano ba niya gustong maalaala ng mga manonood si Francis?

Aniya, “Si Francis kasi kahit galing siya sa ibang bansa, hindi siya brat.

“For someone who is totally a stranger to come here [sa Pilipinas], in some ways, gusto niya maayos lahat, e.

“Kahit alam niya na wala siya sa posisyon siguro to fix something, hind niya iniisip ang sarili niya.

“Yun nga yun siguro—it’s giving to others ang sarili niya.

“Yun din siguro ang natutunan ko sa buhay ako—ang maging selfless.”

Para sa kanya ba ay isang warm-up role ito para mas mature roles na gagawin pa niya in the future?

Tulad sa papel na gagampanan niya sa She’s The One, ang pelikulang ginagawa niya under Star Cinema.

“No, actually yung character ko sa She’s The One ay hindi naman ganoon ka-mature,” paliwanag niya.

“Pero as a warm-up, I think lahat naman ng actors lalo na kapag may mga kasamahan kang magaling sa isang show, you always learn something.

“It’s a never-ending process. Like, kapag nasa eksena kayo, ’Ah, ganito pala yun, ganito pala ’to.’ At kapag pinagsama mo na lahat ng nalaman mo, wow, iba talaga.

“If you really pay attention, marami ka talagang matutunan. Like kapag ang mga ka-eksena mo ay tulad ni Ms. Susan Roces, sobrang experience talaga.

“Parang walang small scene,” detalye niyang kuwento

BREAKING DOWN JULIA’S WALL. Tungkol naman sa kanyang leading lady na si Julia Montes, marami ang curious kung meron daw bang nabuksang puso para sa kanilang dalawa?

Kung ibabase daw kasi sa romantic scenes nilang dalawa, hindi imposible na magkagusto sila sa isa’t isa.

Nangingiting sagot ng 21-year-old actor, “Sa totoo lang kasi bago mag-start ang show ay galing kami sa The Reunion, e. Although kami ang mag-loveteam pero hindi masyadong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sa amin ni Julia, aaminin ko na sa simula lang parang merong nagba-block. Hindi ko alam kung bakit.

“Hindi ko masyadong ma-explain.

“Parang may nagba-block na... How will I say this? Parang may wall na nagba-block sa aming dalawa.

“Which is... kung nakilala mo siya, ’Ah, kaya pala?’

“I have to know her. Siyempre, ganun din ako. Siyempre, may pressure. ’Ah, kaya pala.’

“After nun, mas tumaas ang respeto ko sa kanya. There’s a reason pala.

“Ngayon, sobrang-sobrang okay kami compared to before. Ngayon, sobrang happy kami.”

Kaya pala niregaluhan niya ito ng isang bracelet.

Parang nahihiyang sabi niya, “Wala, simpleng regalo lang. Small pa-thank you lang naman,” at hindi niya siya nagpaliwanag pa tungkol dito.

CONCERT. Tungkol naman sa kanyang career path, marami rin ang curious kung saan ba niya mas gustong makilala.

Bilang isang actor na magaling sumayaw o bilang isang drama actor?.

Bukod kasi sa pag-arte, mahilig din si Enrique na sumayaw kaya nga meron siyang song and dance concert, ang King of the Gil sa Araneta Colisuem sa darating na November.

Paliwanag niya, “I would like to do both. Pero, gusto ko munang mag-concentrate sa acting.

“Yung dancing, it’s the other part of me pero when we mean business, heto yung sa acting ko.

“Kaya nga nang sabihin sa akin na makasama ko sina Dindong Dantes at Bea Alonzo [sa She’s The One], sabi ko, grabe ito.

“Excited nga akong tumawag sa Mom ko. Sabi ko, ’makakasama ko sina Dingdong at Bea!’. Wow, excited ako na kinakabahan.

“Pero nung makausap ko si Bea, yung tipong hindi ka maiilang sa eksena. She approaches you, she talks to you.

“Kay Dingdong naman, madali kang ma-at ease sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN