Marian Rivera reveals Ai-Ai delas Alas’s new "inspiration": "Guwapo! Malaki ang katawan!”

Ito raw ang natutunan ni Marian Rivera (kanan) sa mahabang pagsasama nila ni Ai-Ai delas Alas (kaliwa) habang ginagawa ang kanilang pelikulang Kung Fu Divas: “Natutunan ko sa buhay pag-ibig, si Ate, na kailangang mahalin mo talaga ang sarili mo. At the end of the day, sarili mo ang kailangan mong mahalin, bago ang ibang tao.”


Ilang buwan nang nagba-bonding sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera kaugnay ng unang pagsasama nila sa pelikula, ang Kung Fu Divas.

Bukod sa pagiging bida, co-producers din ang Kapamilya Comedy Queen at Kapuso Primetime Queen.

Sa live interview nina Ai-Ai at Marian sa The Buzz kahapon, September 29, ay tinanong sila ni Boy Abunda kung anong leksiyon o aral ang natutunan nila sa pagsasama nila ng ilang buwan.

Ayon kay Ai-Ai, “Ako talaga, ang naaral ko doon—na dapat, you’ll not judge anybody.

“At saka, beauty is within, until hindi mo siya nakakaharap.”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang mga negatibong impresyon kay Marian.

“Yes, but that’s not true,” sabi ng comedienne.

Ang natutunan naman daw ni Marian kay Ai-Ai ay may kinalaman sa pag-ibig.

Sabi ng Kapuso actress, “Natutunan ko sa buhay pag-ibig, si Ate, na kailangang mahalin mo talaga ang sarili mo.

“At the end of the day, sarili mo ang kailangan mong mahalin, bago ang ibang tao.”

Mayroon bang kinaiinggitan si Ai-Ai kay Marian?

Sagot ni Ai-Ai, “Bukod sa puti, of course, may kasama siya.”

Papayag ba si Marian na ipahiram ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes kay Ai-Ai?

“Pinag-isipan ko ‘yan habang gap, e!” biro naman ni Marian.

Dagdag pa niya, “Napanood ko kasi sa VTR, ang tawag sa ‘yo, e, ‘Ate.’ So, parang hindi puwede.

“Ang alam ko, may nagkakagusto sa ‘yo. Di ba, nag-dinner tayong tatlo?”



MOMENT OF TRUTH. Sa puntong yun, biglang siniko ni Ai-Ai si Marian, na parang nagbibigay warning na huwag nitong ituloy ang sasabihin niya.

Pero natatawang nagpatuloy pa rin si Marian.

Sabi niya, “So, doon na lang siya, kasi mukhang mas bagay sila.”

Wala namang tigil si Ai-Ai sa pagpigil sa mga sinasabi ni Marian, habang tawang-tawa lang ang huli.

Nang tanungin ni Charlene Gonzalez-Muhlach kung ano ang hitsura ng lalaki, sinagot ito ni Marian ng: “May mga picture-picture."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit ni Ai-Ai, “Huwag ka namang ganyan, Baby Girl, wala namang laglagan!

“Hindi naman ako emotionally ready sa mga sagot mo. Ano ba ‘yan?!"

Sabi naman ni Marian, “Hindi, gusto ko lang sabihin na si Ate Ai, napakatapang na babae.

“Anuman ang nangyari sa buhay niya, nandiyan siya, nakakatayo, at may nagmamahal pa rin sa kanya.”

Pinigilan lalo ni Ai-Ai si Marian na magsalita pa nang tanungin ni Charlene kung foreigner o Pinoy ba ang lalaki.

Natatawang sabi ni Ai-Ai: “Huwag ka nang magsalita, utang na loob!"

Pero pambubuko pa rin ni Marian: “Pero, guwapo! Malaki ang katawan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN