Claudine Barretto’s camp says actress willing to undergo drug test

Iginiit ng abugado ni Claudine Barretto na si Atty. Junelet Mataro na "drug-free" ang kanyang kliyente, taliwas sa akusasyon ng asawa ng aktres na si Raymart Santiago. Diin pa ni Atty. Mataro, “And the issue here is not whether or not Claudine is a drug addict. The issue here is whether or not Raymart has abused Claudine.”


Handa raw ang kampo ni Claudine Barretto na sumailalim ang aktres sa drug test.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ng asawa nitong si Raymart Santiago na “drug user” ang aktres.

Pahayag ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Junelet Mataro, “Of course, yes. Yes. Any time, any place.

“You just tell us, and we will be there. She is drug-free.

“And the issue here is not whether or not Claudine is a drug addict.

“The issue here is whether or not Raymart has abused Claudine.”

Matatandaang naghain si Claudine ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violation Against Women and their Children Act laban kay Raymart.

Bilang sagot naman ng aktor ay nagsumite ito ng counter-affidavit upang pabulaanan ang mga akusasyon sa kanya ng asawa.

Kalakip sa counter-affidavit na ito ang mga ebidensiyang magpapatunay diumano na si Claudine ang nanakit kay Raymart at ang pagkalulong daw ng aktres sa droga.

(Read: Raymart Santiago submits evidence against wife Claudine Barretto)

Tinanong ng Showbiz Police ng TV5 kay Atty. Mataro ang tungkol sa mga litratong isinumite ni Raymart, kung saan makikita ang mga sugat at pasa na natamo ng aktor dahil sa pananakit diumano ni Claudine.

Sabi ng abugado ni Claudine, “If Raymart is being abused by Claudine, e, di mag file siya ng kaso, kung ano man maisip niyang kaso.

“If his claim is that he is being abused by Claudine, go ahead, file a case against Claudine.”



RAYMART: HELP CLAUDINE. Sa hiwalay na panayam ng Showbiz Police kay Raymart, iginiit ng aktor na napilitan siyang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya ng kampo ni Claudine.

Sabi niya, “Hindi ko naman dapat ilabas ‘to, pero in-open nila, e. Meron silang sinabi na kailangan ding sagutin.”

Tungkol sa akusasyong gumagamit ng droga ang kanyang estranged wife, sabi ni Raymart, “Well, it’s out, di ba? Kung hindi nila ako itinulak para ilabas ito, hindi nila malalaman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng aktor, “Ang sa akin, alam nila ang totoo, alam nila ang pinagdaanan ko.

“Hindi lang ako, e, ang pinagdaanan ng buong pamilya.

“Hindi ko alam kung bakit pinalalabas nila na ako pa… na ako pa ang mali, na ako ang may kasalanan.

“But, nandun na, nailabas ko na, nasa korte na ‘yan.

“Nandun na lahat yung mga ibinabato nila sa akin.”

Sa huli, umapela si Raymart sa dating asawa na tanggapin ang katotohanan, at sa mga magulang ni Claudine na huwag nang kunsintihin ang anak.

Pahayag niya, “Nung nag-umpisa ‘to, yun lang naman talaga ang gusto ko, e—ma-realize niya sa sarili niya na there’s something wrong with her.

“Gusto ko lang ma-realize ng mga magulang niya na ipagamot nila si Claudine.

“Alam nila yun. Alam nila yung nangyayari sa anak nila.

“Huwag nilang kunsintihin, kundi tulungan na lang nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN