Sam Milby on Jake Cuenca courting Jessy Mendiola: "If you’re going for the same girl, it shouldn’t affect your friendship."

Sam Milby reacts to Jake Cuenca’s friendly challenge to win the heart of Jessy Mendiola. “Even kami ni Jake, they’re trying to make it look na parang meron kaming competition, or something like that. We’re friends. We hung out sa Star Magic Ball. There’s nothing wrong with our friendship,” says the Rockoustic Heartthrob.


Nakarating na kay Sam Milby ang hamon ni Jake Cuenca na pagalingan na lang sila sa panliligaw kay Jessy Mendiola.

“May the best man win,” wika nga ni Jake sa panayam sa kanya ng press kamakailan.

(Read: Jake Cuenca on Sam Milby courting Jessy Mendiola: "May the best man win.")

Bahagyang natawa at hindi agad nakapagsalita si Sam nang ipaalam sa kanya ang pahayag ng fellow Star Magic artist.

“Hindi ko alam sasabihin ko,” bungad ni Sam sa press launch ng Prost, ang bagong bukas niyang resto-bar sa The Fort, kagabi, September 30.

Sa pagkakaalam daw ni Sam ay maraming nanliligaw kay Jessy, bukod sa kanila ni Jake.

Ganunpaman, nilinaw ng Fil-Am actor-singer na hindi ito dapat pagmulan ng isyu.

“Even kami ni Jake, they’re trying to make it look na parang meron kaming competition, or something like that.

“We’re friends. We hung out sa Star Magic Ball. There’s nothing wrong with our friendship.

“If you’re going for the same girl, it shouldn’t ruin your friendship,” sabi ni Sam sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters.

Bagamat pabor kay Jake ang pagiging mag-co-star nila ni Jessy sa teleseryeng Maria Mercedes, lamang naman daw si Sam sa ibang bagay.

“Hmmm... Well, naggigitara ako, kumakanta ako. I have experience over him,” naiiling na biro ni Sam.

Pero agad din niyang bawi, “Hindi. You know, I don’t want to make an issue na parang may big competition between me and Jake.

“All is fair in love and war.

"He has his way of making ligaw. I have my way of making ligaw,” ulit ni Sam.

COURTING STYLE. Paano ba siya nagpapakitang-gilas sa babaeng nililigawan, kahit busy siya sa trabaho?

“I believe na kapag may gusto ka, laging may paraan. Pag ayaw, laging may dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung wala talagang time, dire-diretso ang trabaho, puwede kang mag-isip ng ibang paraan.

“Different things, like as simple as having your driver bring some food or coffee lang sa set.

“That’s another way of showing, ‘Hey, I’m still thinking about you.’

“There’s always a way.”

Ayaw daw madaliin ni Sam ang panliligaw lalo pa’t prayoridad ni Jessy ang trabaho nito sa ngayon.

Mag-uumpisa pa lang umere ang bagong pagbibidahang serye ng aktres, ang Maria Mercedes, sa Kapamilya network.

Patuloy na sabi ni Sam, “She even said na she’s very concentrated sa work niya ngayon. And I don’t blame her.

"She’s being launched as a leading lady, tapos sa primetime pa. So, this is gonna be a big break for her.”

Sa kabila nito ay may panahon pa rin daw si Jessy na makipagkita sa kanya.

“We’re still in the getting-to-know stage. We’ve only been getting to know each other mga two months pa lang.

“We see each other every now and then. We still do,” sabi ni Sam.

WIFE MATERIAL? Naging maugong ang usap-usapan na nanliligaw si Sam kay Jessy noong nagkasama sila sa relief operation para sa Habagat flood victims noong buwan ng Agosto.

Ngunit sa totoo lang ay matagal na raw siyang nagagandahan sa young actress.

February 2012 noong una silang nagkatrabaho sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

“Attracted? Matagal na. Jessy’s one of the most beautiful faces in showbiz.

“Nag-MMK kami dati, and even then, I appreciate the fact na kahit na wala siyang make-up, mas maganda siya. She’s a natural beauty,” puri ni Sam kay Jessy.

Bago pa siya nag-umpisang manligaw kay Jessy, nababanggit na noon ni Sam na sana ay makilala na niya ang babaeng makakasama niya habambuhay.

Posible kayang si Jessy na ang babaeng iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sam: “Potential? Yes, of course. Ba’t ako manliligaw kung hindi potential?

"She’s a very real person. And she’s someone na bata pa.

“That’s one thing that I see. She’s a lot younger than me.

"Eight years and a half month ang age difference namin.

"Magtu-twenty-one years old pa lang siya in December.”

Aminado si Sam na mature na rin si Jessy pagdating sa mga responsibilidad na inaako nito para sa pamilya.

Pero si Sam, na 29 taong gulang na, ay hindi pa rin handang magpakasal sa ngayon.

“But I am at the point na I’m not ready for marriage din. Forty-five years old ang ideal age ko.”

Kaya’t walang rason daw para madaliin niya ang panliligaw kay Jessy, lalo pa’t kinikilala pa lang daw nila ang isa’t isa.

“Maybe it’s not gonna be kami. Maybe it’s gonna be someone else. You never know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN