Robin Padilla reveals reason for leaving Toda Max; denies rumored rift with Vhong Navarro

“Next year, gusto ko uling magpatawa. Pero ngayon, ayoko muna. Ang gaganda kasi ng projects, e,” sabi ni Robin Padilla tungkol sa plano niyang bumalik sa Toda Max kapag natapos na ang mga pelikulang ginagawa niya.


Pinasinungalingan ni Robin Padilla ang isyung kaya raw siya nawala sa weekly sitcom ng ABS-CBN na Toda Max ay dahil may di raw sila pagkakaunawaan ng co-star niyang si Vhong Navarro.

“Di ako umalis, nag-shooting lang ako. Babalik ako next year kung meron pa sila,” pahayag ni Robin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa set visit ng Metro Manila Film Festival entry na 10,000 Hours, kagabi, September 30.

Pagpapatuloy pa ng action star, “Sinabi ko naman ‘yon kay Ma’am Cory, na may gagawin akong tatlong pelikula. Mahirap ‘yon.”

Tinanong daw siya ni Cory Vidanes, ang channel head ng ABS-CBN, kung hindi ba talaga niya kayang isingit ang paggawa ng sitcom.

Sinabi raw ni Robin na mahirap para sa kanya ang pumasok sa mabibigat na eksena, habang sa isang proyekto naman ay nagpapatawa siya.

Bukod sa tinatapos na ang 10,000 Hours, nakatakda ring ipalabas early next year ang Kuratong Baleleng, ang pelikula ni Robin na kasama ang mga kamag-anak na nag-aartista rin.



NO RIFT WITH VHONG. Nagulat naman si Robin nang matanong kung totoong may sama siya ng loob kay Vhong, na kasama niya sa Toda Max.

“Ako? Sa edad kong ito, sasama ang loob ko? Huwag naman,” sagot ni Robin.

“Sa edad kong ito, hindi na marunong sumama ang loob ko, lalo na kay Vhong.

“Si Vhong ay marespetong tao ‘yon.

"Pag nagte-taping kami, nasa isa kaming dressing room, paano sasama ang loob ko?”

Hindi makapaniwala si Robin sa sinasabing ang rason daw ng di nila pagkakaunawaan ni Vhong ay dahil sa bilangan ng eksena.

“Bilangan ng eksena? Wow, bigat nun!” sabi ng aktor.

Tinawag na “baduy” ni Robin ang balitang nag-ugat diumano ang tampuhan dahil mas maraming eksena si Vhong kesa kay Robin.

Sabi ni Robin, “Ano lang po talaga, hindi ko kayang maging comedian sa ngayon dahil po sa mga role na ginagawa ko. Ang hirap bumaklas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryoso raw kasi ang mga ginagampanan niyang karakter sa mga pelikula kaya mahirap sa kanya ang magpatawa.

Pero willing daw siyang bumalik kung buhay pa ang Toda Max sa susunod na taon.

“Next year, gusto ko uling magpatawa. Pero ngayon, ayoko muna.

"Ang gaganda kasi ng projects, e,” pagtukoy niya sa kanyang mga ginagawang pelikula.



IN CHARACTER. Ayon kay Robin, kapag gumagawa siya ng seryosong role ay hindi niya agad-agad natatanggal ang karakter sa kanyang pagkatao.

“Siyempre, inisip mo pa yung ginawa mong eksena, nung nandun ka pa [sa shooting].

"Alam na ni Mariel," pagtukoy niya sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

“Ngayon, alam na niya. Pinababayaan muna niya ako, di muna niya ako kinakausap.

"Aantayin muna niya akong lumapit sa kanya. Kasi puma-flashback pa lahat.

"Ganun ako, e. Iniisip ko pa ’yon. Di ka pa kasi puwedeng kumawala.

“Siguro may mga magagaling talagang artista na kumakawala sila.”



MARIEL TO GO BACK TO ABS-CBN? Dahil matatapos na ang Wil Time Bigtime sa TV5 ngayong Oktubre, naitanong kay Robin kung babalik si Mariel sa ABS-CBN.

Isa si Mariel sa mga co-host sa noontime show ni Willie Revillame.

Sagot niya, “Naku, ang gusto ni Mariel, mag-aral, e. Yung tungkol sa organic niya.”

Nawiwili raw ngayon si Mariel sa paggawa ng organic food at healthy juices.

Ayon sa action star, hindi naman siya ang nagdedesisyon sa career ng asawa.

“Isa lang naman ang sabi ko sa kanya, ‘Lahat puwede mong gawin, huwag ka lang makikipaghalikan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN