Jennylyn Mercado dismisses rumored breakup with Luis Manzano

Pagiging abala sa trabaho ang inirason ni Jennylyn Mercado kung bakit hindi na sila ganun ka-active ng nobyong si Luis Manzano sa Instagram. Marami kasi ang nakakapansin na wala na silang bagong ipinu-post na mga larawan na magkasama, kaya nag-isip ang ilan na baka break na sila. Pero agad itong pinabulaanan ng Kapuso star.


Mariing itinanggi ni Jennylyn Mercado ang balitang hiwalay na raw sila ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Nag-umpisa ang alingasngas na break na raw ang dalawa dahil nitong mga nakaraang araw ay wala silang ipinu-post na mga larawan sa Instagram na magkasama sila. Wala ring updates sa kung ano ang mga kaganapan sa kanilang dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn sa backstage ng Sunday All Stars noong Linggo, September 29, pinabulaanan niya ang balitang ito.

“Naku, hindi totoo ‘yan! No, no, no!”

Ano ang naging reaksiyon sa balitang hiwalay na sila ni Luis?

“Ewan ko sa kanila, ang dami-daming comments nila.

“Naku, bahala sila! Basta kami ni Luis, hindi kami nag-aaway.”

Hindi naman siya naapektuhan sa balita?

“Hindi. Basta hindi totoo, huwag maapektuhan ang sarili.”

Ibig sabihin, okey pa rin ang relasyon nila ni Luis?

“Oo naman!” mabilis niyang sagot.

Gaano na sila katagal ni Luis?

“Technically, three years na kaming magkakilala. I mean, simula pa nung nagdi-date kami.

“Pero yung official talaga, malapit na… magtu-two years.”

BUSY WITH WORK. Bakit hindi na sila ganun ka-active sa social media?

Paliwanag ng Kapuso actress-TV host, “Nakita mo naman, ang dami kong ginagawa.

“Siya rin, nagpunta siya ng Hong Kong, one week siya dun.

“Medyo ngayon pa lang… Nung isang araw, nagkita kami.

“Kahapon, nagkita kami. Mamaya, magkikita kami.

“Pupuntahan na lang niya ako sa studio.

“Pinupuntahan na lang niya ako sa trabaho, kasi wala na akong oras.”

Ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya maliban sa Sunday All Stars at Anak Ko ‘Yan?

“Nagkakaroon ako ng mga out of town [shows]. May mga pictorials. Siyempre, may mga endorsement na pumapasok,” sabi niya.

Kailan naman siya magkakaroon ng bagong teleserye?

“By November daw. Hindi ko pa alam kung sino ang kasama ko, e. Gusto nila [GMA] na i-meeting by November.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa pagiging abala nila sa trabaho, hindi na rin ba sila nakakapag-out-of-town na madalas nilang gawin dati?

Sabi ni Jennylyn, “Sana nga makapag-out-of-town kami.

“Pero nagpaplano kami by November… baka. Hindi pa lang namin alam kung saan.

“Nag-iisip kami na malapit lang, na puwedeng pang-one week lang. Ang hirap kasi na malayo, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN