Marco Alcaraz says goodbye to sexy image: "Ibinibigay ko na po yun sa mga bata."

Kung mayroon mang higit na nakapagpapasaya ngayon kay Marco Alacaraz, ito ay ang pagiging ama kay Noah Lamar, ang anak nila ng kanyang misis na si Precious Lara Quigaman.


Minsan nang naranasan at nagpagdaanan ni Marco Alcaraz ang pagpapa-sexy sa pelikula, bilang isang phase ng kanyang acting career.

Sigurado ngayon ang aktor na "pass" na siya sa ganung tipo ng exposure.

Kahit daw sa pagpu-pose in skimpy attire as bikini briefs for pictorial or print ads, ayaw na raw ni Marco.

Maaaring isipin na ang kasalukuyan niyang estado, bilang married man, ang dahilan.

May limitasyon bang in-impose ang kanyang actress-wife and Miss International 2005 na si Precious Lara Quigaman?

"A, wala naman po siyang limitations. Pero ibinibigay ko na po ’yun sa mga bata," nakangiting tugon ni Marco sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Maunawaing husband si Marco at hindi rin daw ito nagbibigay ng limitasyon sa kanyang misis.

Preoccupied man si Precious Lara sa pagaalaga ng kanilang 10-month-old baby, si Noah Lamar, sabi ni Marco ay lumalabas pa rin ito sa telebisyon.

Ani niya, "Active pa rin siya, nasa Juan dela Cruz [on ABS-CBN] po siya.

"Actually, wala naman po akong limitasyon. Basta happy siya sa ginagawa niya, sa career niya.

"Ang baby namin, may yaya, pero at the same time, I give credit to Lara.

"A lot of times, dinadala siya ni Lara sa set. Tapos, pag wala rin akong trabaho, kinukuha ko ng mga 9 p.m.

"Sobrang nami-miss kasi niya [ang baby namin].

"Kahit seven months pregnant na siya noon, nagtatrabaho pa rin siya."



GOING STRONG. Bagamat magkahiwalay sila ng istasyon—si Marco ay nasa bakuran ng GMA at sa Lara naman ay nasa ABS-CBN—hindi raw problema sa kanila ang regular na komunikasyon.

Gaano nga ba katibay ang pagsasama nilang mag-asawa ngayon, para hindi mabuwag ng mga problema?

Paniniyak pa ni Marco, "Sa ngayon, kung may makakatrabaho siya [Lara], na alam niyang may past ako, pinagseselosan niya, and yet, hindi naman po nakakaapekto yun [sa relationship]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa nga ni Marco, tungkol sa naging permanenteng status ng kanilang relasyon: "Three years po kaming naging mag-on, bago ako ’napikot’ ni Lara."

OFFBEAT. Sa bagong drama series na kinabibilangan ni Marco, ang Prinsesa Ng Buhay Ko, may pagka-kontrabida ang papel na naitoka sa kanya.

"Ako po yung older brother ni Kris [Bernal], na nang-iwan sa kanya sa isang bakanteng lote.

"Tapos, si Mark Anthony [Fernandez, in a special role], dinala siya sa orphanage.

"Iniwan ko po ang kapatid ko dahil bata pa po ako noon, walang akong pera, gano’n.

"Tapos, sisikat na modelo ang kapatid ko. Nung sumikat na po siya, nakita ko siya sa TV.

"Gusto ko siyang huthutan, perahan. Ako po ang naging manager niya.

"At dun na mag-i-start yung pagiging kontrabida ko sa buhay niya."



WANTS TO DO ANOTHER INDIE. Bukod sa regular drama series, nagge-guest din si Marco sa iba pang shows ng GMA, tulad sa kapapalabas pa lang na episode ng One Day, Isang Araw.

Gusto rin uli ni Marco na gumawa ng indie movie, bagamat wala pa raw siyang offer sa ngayon.

"Hopefully, meron, soon," hiling niya.

"Nakakainggit din ang ibang indie actors," sabi pa ni Marco.

Bagamat nagmarka sa pagbibida niya noon sa Pitik Bulag (2006) ay hindi na uli nakagawa ng follow-up starrer ang aktor.

Si Gil Portes ang director ng Pitik Bulag, isang action-drama indie film kung saan gumanap si Marco sa papel ng isang security guard. Idol nito si Fernando Poe Jr., at aksidenteng nakapulot ito ng bag na may lamang maraming pera mula sa isang bank robbery.

"Medyo sexy po ang role... nakapareha ko si Paloma," pagtukoy ni Marco sa hindi na aktibong dating bold starlet.



ON FATHERHOOD. Sa ngayon, ang pagiging isang ama sa baby nila ni Lara ang pinaghuhusayan ni Marco.

Ito raw ang kanyang "true-to-life role" na ini-enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Marco na nagdudulot ng pressure sa kanya ang hangaring maging responsableng ama at maging magandang halimbawa sa kanilang baby.

"Kasi minsan, napapamura ako. Ayaw ko... at the same time, napapagsabihan ako ni Lara.

"Lalo na yung baby namin, eleven months old na, sabi niya [Lara], ’Wag kang magsabi ng bad words, kasi mabilis maka-pick up ang baby.’"

Bakit Noah Lamar ang pangalan ng baby nila ni Lara?

"Yung Noah, because of the Bible character. Yung Lamar, because it’s Lara-Marco combined."

Excited si Marco sa kanilang plano para kay Baby Noah Lamar, na magdiriwang ng unang kaarawan sa November 10.

"Our initial plans, ngayong one year old, first birthday, tapos dedication. Kasi Christian po kami.

"Sabay na dedication at first birthday. Sa November 10 po.

"Yun ang medyo pinagkakaabalahan namin ngayon," banggit ni Marco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN