Victor Basa says his Cosmo Bash stint and his gay character in My Husband’s Lover will not affect his role as priest in San Pedro Calungsod

Si Victor Basa ay gaganap na isang pari sa pelikulang San Pedro Calungsod, Batang Martir.

Sinagot niya ang mga tanong tungkol sa magiging effect sa role na ito ang ginawa niyang pagrampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash 2013 at pagganap na bakla sa My Husband’s Lover.


Sa pagrampa ni Victor Basa sa Cosmopolitan Bachelor Bash 2013 at sa role niya bilang isang bakla sa My Husband’s Lover, hindi ba siya nag-aalala na baka makaapekto ang mga ito sa gagampanan niyang karakter sa pelikulang San Pedro Calungsod, Batang Martir?

Isang pari kasi ang gagampanan ni Victor sa 2013 Metro Manila Film Festival entry ni Direktor Francis Villacorta, sa ilalim ng HPI Synergy Group at Wings Entertainment.

“No naman. Because, well, kasi sa December pa yun. And yung audience naman natin, ano naman sila, mature sila, alam nila how to differentiate.

“Even yung role ko sa My Husband’s Lover, hindi naging isyu,” katuwiran ni Victor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap pagkatapos ng kanyang contract signing nu’ng Setyembre 26 bilang bagong endorser ng Cotton Club.

“Kasi yung sa San Pedro Calungsod, I play a priest, si Francisco Solano. Ako po yung... I have to check the facts, ha. Pero according to the production [people], ako yung namahagi ng kuwento ko, yung nakapagsulat ng nangyari kay Pedro Calungsod, our second Filipino saint.

“So iyon lang, wala namang isyu.

“And even with Cosmo hindi naman ako sobrang wild, di ba? Hindi naman malaswa yung ginawa ko doon. And yung sa Cosmo kasi, kumbaga, ano yun, e, parang nagkakatuwaan. Wala namang sleazy aspect yung show na yun.

“And yung sa Pedro Calungsod, gustung-gusto ko talaga gawin. Kasi iyon yung mga klase ng pelikula na puwede mong—after how many years—ipagmalaki mo.

“You’ll watch it again, you’ll recommend sa mga nephews and nieces mo, di ba?

“And ang feeling ko, iyon yung mga films na magiging parang requisite na panoorin sa mga schools.”

THE TRAFFIC ENFORCERS. Wala pa siyang alam na may susunod siyang proyekto sa GMA Network pagkatapos ng My Husband’s Lover.

Pero sana raw ay makagawa siya ng series na love story ang tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi sobrang hilig ko sa mga love stories.

“Actually this [My Husband’s Lover] is a love story also e. It just so happens na yung mga characters involved, yung isa ay magkasing-gender.

“So iyon, I wanna do a love story,” ulit ni Victor.

Pero love story na pang-straight naman ba ang gusto ng isang romantic at heart na katulad niya?

“Kahit ano, basta nakakakilig.

“Actually, yung MHL [inisyal ng My Husband’s Lover] nga, ’andun ako sa Subic kasi nag-taping kami sa isang location du’n, tapos nagtanong ako ng directions sa traffic enforcer.

“Sabi, ‘Uy si Victor Basa ka? Ikaw si David sa My Husband’s Lover?’

“Sabi ko, ‘Oo.’”

At pagkatapos daw siyang bigyan ng direksyon ay sinabihan siya na, “Alam mo, sir, kinikilig kami du’n e.’

“Sabi ko, ‘Talaga, kinikilig kayo? Naku, baka delikado na ‘yan, ha?’

“‘Oo nga, sir, e.’,” sagot daw sa kanya ng kausap.

“And these are like, traffic enforcers na napakabrusko. Dalawa sila e,” tumatawa pang lahad ni Victor.

Flattered daw si Victor sa ganitong paghanga sa show nila.

“Oo! Kasi hindi na, walang parang, ‘Ay, ano ba yan?’ Alam mo yun? Kumbaga, nabubuksan ang isip nila, na may ganung klase ng pagmamahal.”

CAPITALIZING ON MHL. Magpapahinga o magbabakasyon ba si Victor pagkatapos ng show?

“Hindi, huwag muna. Habang may recall pa yung sa MHL.

“Sabi ko, kailangan kong mag-capitalize kumbaga doon. Siguro magwo-workshop muna ako sa kaibigan ko, si Yan Yuzon, who’s also a director.

“Magwo-workshop muna ako para hindi maging stagnant, alam mo yun? Kasi minsan, pag wala kang project, minsan nangangalawang ka.

“And I’ll be honest, as an artist I want to learn more. Kasi siyempre, iyon talaga yung craft natin e. And iyon, I really invest rin sa mga workshops, kahit na hindi sponsored ng show, alam mo yun? Kailangan e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aside from yung sa wokshops, I try to keep myself very visible naman. Through Twitter, sa social media, sa blog ko nilalabas ko yung mga behind-the-scene photos ng My Husband’s Lover.

“So ‘ayun, puwede ninyo yung tingnan sa victorbasa.net.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN