Dominic Roco asserts he is not in competition with his twin Felix as far as women are concerned: “Magkaiba kami ng type pagdating sa babae.”

Aminado si Dominic Roco na may bentahe ang pagiging kambal nila ni Felix. Kaya lang, “Ang disadvantage para sa akin is mahirap i-differentiate ako from Lex."

As twins, "talagang magkarugtong kami sa maraming bagay,” sabi nito.


Hindi maitago ni Dominic Roco ang paghanga niya kay Heart Evangelista, ang co-star niya sa bagong seryeng Magkano Ba Ang Pag-Ibig?

Konti pa lang ang mga eksenang nagagawa nila na magkasama, pero panatag na raw ang aktor na katrabaho si Heart.

“Ang ganda niya e!” natatawang reaksiyon ni Dominic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, September 30.

Dahil sa paghanga niya, natanong tuloy si Dominic na kung walang Senator Chiz Escudero sa buhay ni Heart ngayon, puwede ba siyang ma-in love sa aktres?

“Ay, hindi! Hindi!” tawa ulit niya.



NEXT QUESTION PLEASE! Hindi natigil ang pangungulit sa aktor. Halimbawang single si Heart ngayon, pupuwede bang ma-attract siya nang tuluyan at ma-in love rito?

“Huwag na nating pag-usapan,” pag-iwas ni Dominic.

Nakakailang ba kapag ang kapareha o leading lady niya ay may karelasyon, gaya nga ni Heart?

“Ahh… huwag na lang nating pag-usapan,” nangiting sabi ulit ng aktor.


ACTOR TWINS. Noon pa man, napagkukumpara na si Dominic at ang kakambal niyang si Felix Roco.

At ngayong gumaganap siyang leading man ni Heart sa pinakabagong serye ng GMA-7, may mga nagsasabing naungusan na ni Dominic ang kanyang kakambal.

“Hindi ko po masasabi yun,” reaksiyon muli ni Dominic.

“Ako, honestly hindi porke kapatid ko si Lex [tawag niya kay Felix]... pero sasabihin ko na mas magaling siya sa akin.

“Kasi, sa kanya ko nakita kung paano umarte. Kumbaga, siya yung mentor ko. And nagtutulungan lang naman kami talaga e, wala kaming sibling rivalry.”

Ano ang bentahe ng pagkakaroon niya ng kakambal na aktor, gaya niya?

“Wala akong masasabing advantage e.

“Uhm, ang disadvantage para sa akin is, mahirap i-differentiate ako from Lex. So, buong buhay ko, I wanted to differentiate myself from him. Pero as twins, talagang magkarugtong kami sa maraming bagay e. Oo.”

Nangyari na ba na nagkagusto sila sa iisang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. At hindi puwedeng mangyari yun, dahil magkaiba kami ng type pagdating sa babae.”

Nangiti si Dominic nang mausisa ang estado ng kanyang lovelife sa ngayon.

“Wala po. One year nang wala. And hindi ko naman po choice na wala. Pero hindi lang po ako naghahanap e.

“Trabaho muna, gusto kong mag-focus muna sa trabaho.”



DOCU-DRAMA. Maganda nga ang takbo ng kanyang career sa ngayon. Bukod sa Magkano Ba Ang Pag-Ibig?, kung saan kaagaw niya si Sid Lucero sa pag-ibig ni Heart, kasama rin si Dominic sa Katipunan.

Ang Katipunan ay isang docu-drama miniseries na malapit nang mapanood sa GMA tuwing Linggo.

Kuwento niya, “I play the role of Paking po dito sa Katipunan, pinsan ako ni Sebastian, which is played by Bejamin Alves.

“And so far, everything is good naman po, naka-four taping days na kami.

“Tungkol po ito sa istorya ni Andres Bonifacio, a different side of his story. Kasi alam natin na hero siya. Pero hindi natin alam kung ano’ng nangyari bago siya naging hero.

“So yung lovelife niya, ipapakita namin doon. At kasali din sa story sina Emilio Aguinaldo.

“Ang naging mahirap sa akin dito, yung pananalita. Bulol kasi ako. So para sa akin, mahirap.

“Pero yung character ko, hindi naman masyadong malalim mag-Tagalog. Yung character ko po rito is fictional. So medyo pilyo—complete opposite ng character ni Benjamin Alves na isang sakristan at sobrang seryoso sa buhay.

“And okay namang katrabaho si Benjamin, madali siyang kausap, he’s very professional. Kasi, bago mag-taping, lagi kaming nag-uusap kung paano namin gustong gawin yung eksena.”

Bukod kay Benjamin, co-star din ni Dominic si Sid Lucero sa Magkano Ba Ang Pag-Ibig? at sa Katipunan.

“Masayang katrabaho si Sid,” sabi niya tungkol sa co-star.

“Ako, idol ko si Sid matagal na. Sobrang galing niyang umarte. Wala akong masasabing masama tungkol sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kaba ba siya kapag magagaling na artista ang kaeksena niya?

“Hindi ako kinakabahan kasi I’m here to prove myself to them e. So yun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN