Chynna Ortaleza on falling in love with a gay person: “So, what’s wrong with that?”

Open-minded si Chynna Ortaleza sa pakikipagrelasyon sa isang bading. Sabi niya: “Kung mai-in love ako sa beki, marami akong kaibigang beki, so, hindi imposible. They are not different from other males, they are people at ang daming beki na ang pogi.”


Kumportable at sanay nang makisalamuha si Chynna Ortaleza sa mga bading, kaya laking-tuwa niya sa pagkakasama sa "bekiseryeng" My Husband’s Lover ng GMA Network.

“Marami akong friends na beki [gay]. Alam ko ang mga sentimiyento nila,” pahayag ni Chynna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap siya sa telepono.

“So ’yun, yung dalawa ko pang malapit na kaibigan, kasama sa team nila, sa MHL [My Husband’s Lover].

Ayon pa sa kanya, “Noong dumating siya, sobrang saya ko.

“Dati ko pa kasi ’yun sinasabi, sana maging part ako ng MHL. Kaya noong nangyari, sobrang saya ko."



NEW CHARACTER. Aminado rin si Chynna na umpisa pa lang ay masugid na siyang manonood ng seryeng ito ng GMA.

Aniya, “Fan talaga ako ng MHL. Nakikita ko na ang MHL. Nakikita ko naman ang hirap nilang lahat sa show.

“Kaya noong nakasama ako, sabi ko talaga, ‘Alangan naman na magbigay lang ako ng tae-taeng performance.’

“’Di ba, nakakahiya naman sa kanilang lahat?”

Pumasok ang karakter ni Chynna sa My Husband’s Lover bilang si Stella.

Palaboy na buntis ang karakter niya na nakita at tinulungan ni Dave na ginagampanan naman ni Victor Basa.

Pero hindi naiwasan ni Stella na ma-in love kay Dave kahit alam niyang bading ito.

Kumusta naman si Victor na katrabaho?

Kumpirma niya, “Okey naman, parang hindi ako nahirapan sa kanya at all—madaling kausap, madaling katrabaho.

“Okey sila, pati si Vincent Velasco, nag-gel kami agad na tatlo.

“Actually, naa-amuse lang talaga ako sa pagkakagawa ng script.

“Like kahapon, tinitingnan ko ang characterization nila, may kanya-kanya talaga silang pagka-beki.”



NO DIFFERENT. Kung sa MHL, na-in love ang karakter niya sa isang bading, sa totoong-buhay kaya, posible rin ba siyang umibig sa isang beki?

“Alam mo, for me, everything is possible in this world. I don’t know if that’s gonna happen with me, pero, dapat, open ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung mai-in love ako sa beki, marami akong kaibigang beki, so, hindi imposible.

“They are not different from other males, they are people at ang daming beki na ang pogi.”

Posible ba siyang bumuo ng pamilya na alam niyang may pusong-babae ang partner niya?

Sagot ni Chynna, “Can be, oo.

“Ako kasi, open ako riyan. And you know, I love them. I love them as my friends.

“I don’t know, baka one of these days, I’ll find myself falling in love with a friend na gay.

“So, what’s wrong with that?”



REUNION. Natuwa rin daw si Chynna na kahit na magtatapos na ang My Husband’s Lover ay napasama pa rin siya.

Ang alam niya noong una, dalawang linggo lang siya. Pero ginawang hanggang pagtatapos ng serye ang karakter niya.

Ang isa pa raw na rason kaya natutuwa siya ay yung magkasama silang muli ni Carla Abellana.

“Thankful ako sa kanya, kasi noong pumasok ako sa show, winelcome pa niya ako sa online.

“And kami ni Carla, nagkatrabaho na kami before, sa Magic Palayok. So, hindi na kami stranger sa isa’t isa.

“At dapat, magkasama kami sa Snow White, kaso, hindi natuloy.

“Noong nagkasama kami sa MHL, nabasa nga raw niya yung plot ng story ni Dave.

“Kung puwede nga raw i-extend pa ang MHL, kasi maganda yung kuwento.”

Dugtong pa ni Chynna, “Nakakaloka, kasi, kinikilig ang mga tao.

“Pati si Direk Dom [Dominic Zapata], nagulat daw sila sa reaksiyon ng tao sa amin ni Dave na kinikilig sila.

“Nababasa nila na inaabangan na yung story nina Stella at Dave.”



GOOD YEAR. Maituturing na masuwerte si Chynna ngayong taong ito pagdating sa kanyang career.

Hindi siya halos nababakante nang matagal dahil pagkatapos ng Kakambal ni Eliana, nakapasok siya sa My Husband’s Lover.

Hindi pa man tapos ang MHL, may kasunod na raw siya agad na serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Actually, kakasabi lang sa akin ng manager ko, si Kuya Dax [Darryl Zamora], na meron na raw akong follow-up soap.

“Mag-i-storycon na raw kami this Friday, ito yung Adarna with Kylie Padilla.

“Masaya ako sa nangyayari, in fairness talaga. Pero siyempre, sana yung mga roles din na pumapasok, may variety.

“So far, I would say na, oo naman, thankful ako sa GMA, kasi iba-ibang roles naman ang nagagawa ko.

“And this time, sa MHL, hindi naman ako kontrabida, sobrang bago sa akin ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN