Kim Chiu and Xian Lim return to primetime TV prodded by insistent demand from their fans

Ilang buwan pagkatapos ng kanilang huling teleserye at pelikula, muling magsasama sa isang primetime series ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ito ay dahil na rin sa "pangungulit" ng kanilang mga tagahanga sa Twitter na ibalik ang tambalan ng kanilang mga idolo.


Kumpirmado na ang pagbabalik-tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa telebisyon.

Pagkatapos ng hit primetime series na Ina Kapatid Anak noong June 2013, napanood sila sa pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? noong July 2013.

Ngayon ay mapapanood na silang muli sa isang teleserye.

Dahil sa araw-araw na pagti-trend ng tweets ng mga tagahanga, na ibalik ang loveteam nina Kim at Xian, nakumbinsi raw ang Kapamilya network na gawan sila agad ng panibagong proyekto.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Kim sa suporta na tinatanggap nila ni Xian mula sa kanilang mga tagahanga.

“Siyempre, masaya, and of course, gusto kong magpasalamat sa mga fans.

“Sabi nga nila Sir Deo [Endrinal] unit, na gabi-gabi sila [Kim-Xian fans] nagpapa-trend ng kung anu-ano na lang: ‘We want KimXi…’

“Mga KimXi, unconditional love… puro mga KimXi, KimXi, KimXi.

“Saka, di biro magpa-trend, kailangan ang dami-daming mag-uusap para ipa-trend nila.

“Nagpapasalamat kami sa mga sumusuporta sa amin at thankful kami sa bagong project namin.”

Ipinagtanggol naman ni Kim ang kanilang mga tagahanga sa balitang inaway raw ng mga ito ang management ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng pagpapadala ng hate e-mails at tweets.

“Ay, hindi sila yun! Hindi KimXi yun!”

Tungkol naman sa gagawin nilang teleserye ni Xian, sinabi ni Kim na bago ang konsepto nito kumpara sa mga nauna na nilang nagawa.

“Bago siya sa amin ni Xian sa primetime.

“Kahit kami, excited kami sa kuwento and excited kami na gawin yung bagong concept.

“Sobrang nakaka-excite, bagong offering namin ito para sa mga fans.

“Pitching pa lang... pero pitching pa lang, excited na kami, buong cast. Sana pumayag sila.”

Pero aminado rin si Kim na nakakaramdam siya ng pressure at kaba sa sisimulan nilang teleserye ni Xian.

“Oo naman, every soap.

“Lahat naman siguro ng tatangunin nating artista, may pressure talaga.

“Wala lang, huwag mo munang isipin yung pressure habang ginagawa mo yung serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, baka pag naunahan ng kaba, baka pangit.”

Kumusta ngayon ang samahan nila ni Xian?

Sagot ng 23-year-old actress, “Okay naman, masaya naman.

“Dami naming out of the country, out of town shows, so mas bonding.”

Samantala, ipinagpapasalamat din ni Kim ang mataas na rating ng Wansapanataym, kung saan siya ngayon ang featured star.

“Yeah, na-extend siya ng isa pang Saturday.

“So, dapat whole month of September lang siya, nasali yung first week of October.

“Thankful ako sa lahat ng mga nanonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN