Eula Valdes talks politics, says she’s enraged by pork barrel scam

Eula Valdes says she has nothing against artists who enter politics: “Wala, lalo na kung matino ka. Pero kapag gumawa ka ng katarantaduhan, parang, ‘Nakakahiya ka naman, ano ba? Mag-artista ka na lang, kikitain mo din naman ‘yan!’”


Kagaya ng mga ordinaryong Pilipino, apektado rin ang aktres na si Eula Valdes sa pinag-uusapang pork barrel scam.

“Oo! Oo, pero ang epekto sa akin nu’n e rage!” bulalas ni Eula nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Oo, ang ano ko doon, ’Punyetang mga tao ito, binigyan ng power umabuso at… ano ba?!’

“Yung ibang tao na, akala mo kilala mo, tapos biglang kaya pala nilang gumawa ng mga ganyan! Or, hindi naman talagang kilala mo, pero ang alam mo sa kanila, e... alam mo yun? Hindi gagawa ng kahit na anong anomalya, tapos biglang ganyan pala sila!

“Ang lahat ng tao, may presyo ‘yan kasi. Ako, naniniwala akong may presyo ang lahat ng tao. Depende kung ano ang kailangan mo, depende kung anong degree ng pangangailangan mo.”



LOSING TRUST. Nawalan na ba siya ng tiwala sa gobyerno dahil dito?

"Wala naman talaga akong trust sa gobyerno noong araw pa, e! Hello!" sagot ni Eula.

“Kaya takot ako sa mga naka-uniporme, alam mo yun? Hindi katulad noong bata ka na, kapag nawala ka, lumapit ka sa pulis, di ba? Na magtatanong ka, ganyan.

“Ngayon, kapag nagtatanong ka or nawawala ka, talagang pinipili mo muna kung sino ang tatanungan mo, di ba? Kasi, nakakatakot. Nakakatakot talaga yung panahon ngayon.”



POLITICS. Kung may nag-alok sa kanya na tumakbo sa pulitika, tatanggapin ba niya?

Sagot ng aktres, “Bigyan mo ako ng rubber shoes, tatakbo ako!

"Pero hindi ako magpupulitiko, kasi masyado akong manipis. Masyado akong… baka maubos ang pera ko na sarili kong... alam mo yun?

“Kakabigay ko kasi… E, as it is, hindi nga ako pulitiko pag merong ano... alam mo yun? Iniisip ko agad, ’Paano kung sa akin mangyari ‘yan?’

“Hindi ako puwedeng magpulitiko, hindi puwede.”

Hindi kaya magbago ang isip niya balang araw?

“Hindi talaga ako magpupulitiko, kasi alam mo kung bakit? Kasi, either maging vigilante ako, papatay ako ng mga tarantado or ako yung papatayin dahil, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil sila yung kakalabanin ko. Hindi ako puwede diyan.”



ACTOR-POLITICIANS. Wala bang nag-alok sa kanya dati na sumabak sa pulitika?

“Wala, pero parang ginu-groom ako. Kasi, na-involve ako sa isang pamilya ng pulitiko, pero parang ano lang, alam mo yun?

“Napagkuwentuhan lang na, ‘O, pag napangasawa mo, pag naging mag-asawa kayo, puwede kang tumakbo, kasi malapit ka sa tao.’

“Pero, sa isip ko, “Eeeh, ayoko nga!’”

Pero ayon pa rin kay Eula, she has nothing against artists who enter politics.

“Wala, lalo na kung matino ka. Pero kapag gumawa ka ng katarantaduhan, parang, ‘Nakakahiya ka naman, ano ba? Mag-artista ka na lang, kikitain mo din naman ‘yan!’”

Alam ni Eula na hindi talaga ganung kalaki ang kikitain sa pulitika.

“O, e, iyon nga lang, kaya nga sila naging ganoon. O, e, ibang klaseng tao yung mga yun, walang kuwentang tao iyong mga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN