Aga Muhlach loses interest in politics: "Hindi ako magnanakaw.”

If there truly is a law and there is no corruption, "it will move,” says Aga Muhlach about his electoral protest against Camarines Sur 4th District Representative Wimpy Fuentabella.


Ipinauubaya na ni Aga Muhlach sa hustisya ang magiging resulta ng electoral protest na isinampa niya matapos ng May 2013 election.

Matatandaang nagsampa ng protesta ang aktor laban sa nakalaban at naihalal na representative ng fourth district ng Camarines Sur na si Wimpy Fuentabella.

(Read: Aga Muhlach files electoral protest; Lani Mercado faces electoral protest)

Inirereklamo ni Aga ang diumano’y discrepancy sa bilangan ng boto noong nakaraang May elections.

(Read: Aga Muhlach cries foul over alleged discrepancies in congressional race in CamSur)

Natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Port) si Aga tungkol sa kaso niya laban kay Fuentebella sa launch ng TV5 ng mga bagong primetime shows nito, noong Wednesday ng gabi, October 2, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.

Napakibit-balikat ang aktor at sinabing, “Nakalagay naman. Kaya lang, ewan ko kung ano ang mangyayari doon.”

Bagamat tuloy pa rin ang reklamo, sinabi ni Aga na inaasa na lamang niya sa hustisya sa bansa ang magiging resulta nito.

“I’m pushing for it.

“Pero kung tunay na may batas at walang korupsyon talaga, it will move.

“Ngayon, kung dadaanin na naman ng kalaban ko sa sa tail end, sa kanila na lang ‘yon!” natatawang sabi ni Aga.

Sa sandaling karanasan niya noong nakaraang eleksyon, nakita raw ni Aga kung gaano kadumi ang pulitika sa bansa.

“Based on my experience, I saw it.

“Look at what’s happening now, kawawa ang mga tao talaga.

“Parang, sayang, kung ang mga taong nakaupo sa gobyerno ay ganyan, sayang tayo. Sayang talaga.”

Nagbigay rin siya ng komento patungkol sa mainit na isyu ngayon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), o mas kilala bilang pork barrel ng mga mambabatas.

Sabi ni Aga, “My god, that’s billions of pesos! Bigyan mo lang ng tigda-dalawang milyon ang bawat mahihirap na tao, nagbago na ang buhay nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“HINDI AKO MAGNANAKAW.” Samantala, tila hindi na rin ikinasama ng loob ni Aga ang pagkatalo sa nakaraang eleksyon.

Lalo pa ngayong nagkakaroon ng isyu tungkol sa pork barrel ng mga kongresista at mga senador.

Dahil nga rito, nagbago na raw ang isip ni Aga tungkol sa pagpasok sa pulitika.

Paliwanag niya, “Ang point ko naman kasi, kung ganun kadumi naman ang papasukin ko talaga, ayaw ko.

"Hindi ako magnanakaw.”

Dagdag pa ni Aga, ayaw niyang masayang ang pangalang nabuo niya sa showbiz.

Aniya, “Sayang lang. I’m forty-four years old, and I worked hard for what I am right now.

“Baka madamay pa ako.

"I mean, tao lang tayo, baka mamaya matukso ka sa ganun, tapos ganun yung sistema pala talaga.

“Now it’s proven, so I’m just glad.”

Saad pa ni Aga sa huli, “I’m sad because dapat talaga yung perang ‘yan, dapat napupunta sa mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN