Ramon Bautista clarifies rumored relationship with Jinri Park

Korean radio jock and actress Jinri Park admits she is attracted to Ramon Bautista, who is an actor, best-selling author, YouTube sensation, TV commercial model, filmmaker, and professor at the University of the Philippines.


Nilinaw ng self-proclaimed "Internet Action Star" na si Ramon Bautista ang balitang may relasyon daw sila ng Korean radio jock at aktres na si Jinri Park.

"Hindi po," sagot ni Ramon sa maikling panayam sa kanya ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) associate editor Rommel Llanes kaninang umaga, October 4.

Tungkol naman sa pagli-link sa kanila ni Jinri, ito ang reaksiyon ni Ramon: "Nakaka-flatter naman. Ganun po talaga pag pogi."

JINRI’S CONFESSION. Umugong ang balitang may relasyon sina Ramon at Jinri pagkatapos mag-guest ng huli sa talk show ni Edu Manzano sa TV5, ang What’s Up Doods?, noong Linggo, September 29.

Nabanggit ni Jinri sa interview na nakatrabaho niya si Ramon sa isang radio show noon, at dito raw niya nakilala si Ramon nang husto.

“Funny thing is, at first it was parang joke lang. And then, you know, I actually find him really attractive now,” sabi ni Jinri tungkol kay Ramon.

Tinanong ni Edu si Jinri kung gaano ka-attractive sa kanya si Ramon.

Sagot niya, “From a scale of one to ten—ten being the highest—I would say eight.

“I’m not the type who goes for physical looks… He’s so funny. And he’s very smart, too.”

Nabanggit din ni Jinri na ang ideal boyfriend niya ay “Asian, musically-inclined, clingy, and funny.”

Kaya pasok daw si Ramon sa qualifications na iyon.

Dagdag pa ni Jinri, makikipag-date daw siya kay Ramon kung yayayain siya nito.



POGI POINTS. Nakadagdag naman sa “pogi points” ni Ramon ang mga sinabi ni Jinri tungkol sa kanya.

Kailan lang ay nakasama si Ramon sa shortlist ng FHM magazine na “Funny is the New Pogi.”

Inamin din ni Ramon sa isang interview na matagal na siyang may crush kay Jinri.

Ang tawagan nga raw nila ni Jinri sa Twitter ay “boyfriend” at “girlfriend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jinri ay cover girl ng FHM, ang British men’s magazine na franchise sa Pilipinas ng Summit Media, at napapanood siya sa GMA-7 sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Gumaganap siya rito bilang kapitbahay at love interest ni Vic Sotto.

Si Ramon naman ay napanood noon bilang news anchor ng satirical news program na May Tamang Balita ng GMA News TV at Laugh Out Loud ng ABS-CBN.

Sa pelikula naman ay naging writer and producer siya ng indie film na San Lazaro noong 2011.

Lumabas siya sa mga pelikulang Keka, Sa Ilalim Ng Cogon, Seroks, Rakenrol, MNL 143, Qwerty, at Tiktik: The Aswang Chronicles.

Isa rin siyang YouTube sensation, TV commercial model, filmmaker, at professor sa University of the Philippines.

Siya rin ang author ng best-selling book na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?, na ginawang pelikula starring Kim Chiu and Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN