Jasmine Curtis Smith to renew TV5 contract; has high hopes for Transit’s chances at the Oscars

“Up to now, we’re very over the moon. It’s quite surreal na nangyayari ito lahat,” says Jasmine Curtis Smith about her indie film, Transit, being chosen as the Philippine entry to the 2014 Oscar Awards.


Hindi pa man natatapos ang kanyang kontrata sa TV5, tiniyak na ni Jasmine Curtis Smith na mananatili siyang Kapatid.

Sinabi ng 19-year-old actress na magre-renew siya ng kontrata sa TV5, pagkatapos ng unang pinirmahan niyang three-year contract, sa susunod na buwan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Jasmine sa trade launch ng TV5 primetime programs noong Miyerkules, October 2, sa NBC Tent, Bonifacio Global City complex, Taguig City.

Dito, inamin niyang bukod sa TV5, nakatanggap din siya ng offers mula sa iba pang TV networks.

Pero aniya, “My loyalty is with TV5.

“Of course, TV5 is my mother network.

"And, as much as possible, we wanna stick where we go, as long as it’s still helping me.”

Kahit may pagkakataon sanang magkasama sila ng kanyang ate na si Anne Curtis sa iisang network, hindi ito naisip ni Jasmine.

Si Anne ay kilalang artista mula sa ABS-CBN.

Sa tingin ni Jasmine, mas mabuti para sa kanyang career ang manatili sa TV5.

Paliwanag niya, “I think it all goes down to your own perspective, what’s more important for you also.

“I always say, ’Why leave when I get the same offers here?’

“I can be my own star here also.

“If one day that comes along, maybe I’ll be much bigger as a personality.

“But for now, I am very happy with where I am.

"I am my own star, I have my own life, and the people I’m working with are great also.”

Sa ngayon, may napag-uusapan na raw na mga bagong proyektong gagawin ni Jasmine. Subalit tikom pa rin ang bibig ni Jasmine tungkol dito.

Ang tanging sabi niya, “Okay naman ako sa show na gagawin namin.

“I’ve done something like it before.

“This time, it’s another script naman, so nakakatuwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TRANSIT IN OSCARS. Samantala, lubos pa rin ang kasiyahan ng Kapatid star sa pagkakapili ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa indie film niyang Transit, para maging official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language category ng Oscar Awards sa susunod na taon.

“Siyempre, napakasaya naming lahat na nakasama yung Transit,” ani Jasmine.

Sabi pa niya, hindi nila inakalang aabot sa ganito ang tagumpay ng kanilang pelikula, na unang ipinalabas sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

“Kasi, all of us, pinili lang naman namin yung project because of the story sa overseas.

“Noong well-received na siya sa audience, during the festival, swak na kami nun.

“Then, we got all the awards. Then, we got chosen by FAP for the Oscars.

“So, parang dumadagdag lang yung happiness namin each time, umaakyat lang siya talaga.

“Up to now, we’re very over the moon. It’s quite surreal na nangyayari ito lahat.”

Ang indie film na Transit, na idinirek ni Hannah Espia, ang nakakuha ng pinakamaraming awards sa New Breed category ng Cinemalaya.

Kabilang na rito ang Best Film, Best Director, Best Actress para kay Irma Adlawan, Best Ensemble Acting, at Best Supporting Actress para kay Jasmine.

(Read: Vilma Santos wins her first Cinemalaya Best Actress; Transit, Sana Dati named Best Films)

Bagamat wala pa sa final list of nominees ang Transit, sabi ni Jasmine, “Of course, I have high hopes for our movie.”

Pagmamalaki pa niya, “I think Transit is very different. It has that international feel talaga.

“It brings out the best of the Philippine film industry talaga.

“So, I’m hoping that they are able to notice that from us also.

“Like the previous entries that we had, each time, it has improved talaga.

“I hope that they see that also as much as we see it.”



PROMOTION FOR TRANSIT. Ngayon pa lamang daw ay gumagawa na ng paraan ang kanilang grupo upang i-promote ang kanilang pelikula para sa Oscars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jasmine, “I know right now, Paul Soriano is talking to some distributors overseas.

“I know he’s gotten someone to help us offer it to the U.S. so that we can market it to a wider audience.”

Si Paul Soriano ang producer ng Transit.

Bago ang Oscars, makikipag-compete muna ang Transit sa Busan International Film Festival ngayong Oktubre.

Sa kasamaang-palad, hindi makakasama si Jasmine sa kanilang grupo sa South Korea dahil nataong final exam week ito sa kanilang eskuwelahan.

Nagsimula ngayong taon si Jasmine ng kursong A.B. Communications sa Ateneo de Manila University.

Gayunman, siniguro ni Jasmine na hindi niya palalagpasin ang pagkakataon kung sakaling makapasok ang Transit sa Oscar Awards.

“Kapag napasok kami doon, I would definitely go. Kasi, once in a lifetime opportunity ‘yan.

"To not go is like ignoring what was given to you,” excited na sabi ng dalaga.



SKILL DEVELOPMENT. Bukod sa pelikula, masaya rin si Jasmine sa pagkakataong maipakita ang kanyang kakayahan bilang aktres.

Aniya, “I’m so excited because this is a whole different level for me.

“Siyempre, like I said before, akala ko nga, since mainstream ang launching ko, I’ll be sticking to that.

“But this movie [Transit] has been allowing me to market myself to a whole different world.

“A different aspect of myself is being shown. So, I’m just excited for other countries to be able to see that.

“Even the tiny review or tiny comment on our page, sobrang saya ko na. Kasi I know that they recognized me.”

Dahil din daw sa tagumpay ng Transit, naging mas interesado si Jasmine na gumawa ng pelikula, partikular na ng indie films.

“Now, more eyes would be set on my skills and how much I improved from what I’ve already been recognized for.

“Kasi, hindi naman puwedeng makuntento na lang tayo kung saan ka naa-acknowledge ng mga tao,” pagtatapos ng dalagang lumaki sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN