Ryan Agoncillo makes special guest appearance on My Husband’s Lover final week

Kagagaling lang ni Ryan Agoncillo at ng kanyang pamilya mula sa ilang araw na pagbabakasyon sa Amanpulo, Palawan. Inamin ng TV host-actor na sumubok sila ng misis niyang si Judy Ann Santos na makabuo ng isa pang anak.


Kagagaling lang ni Ryan Agoncillo mula sa ilang araw na bakasyon sa Amanpulo, Palawan, kahapon, Oktubre 4.

Kasama niya ang asawang si Judy Ann Santos at ang kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho.

Pagkalapag ng kanilang eroplano sa Maynila ay tumuloy agad si Ryan sa Eat Bulaga!, kung saan siya ay isang co-host, at pagkatapos nito ay dumiretso siya sa taping ng My Husband’s Lover.

Si Ryan ang special guest sa pagtatapos ng toprating drama series ng GMA sa susunod na linggo.

Excited ang TV host-actor sa partisipasyon niya sa My Husband’s Lover, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez.

Kuwento ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung tinawagan ako para mag-guest para sa My Husband’s Lover, dali-dali, kahit buhul-buhol ang schedule, winork out talaga namin ng manager ko na talagang makaabot tayo sa kanilang taping.”

Nakiusap ang production staff ng My Husband’s Lover kay Ryan na huwag munang sabihin kung ano ang role na gagampanan niya, dahil surprise daw talaga at malaking twist ito sa takbo ng kuwento.

“Basta huwag silang pipikit, baka hindi nila ako makita!” natawang biro ni Ryan.

Dagdag niya, “Mabilis lang ang partisipasyon ko dito.

“Malaki ang impact sa buhay ng tatlong bida paglabas ng aking karakter na ang pangalan ay Sam. Yun lang muna ang masasabi ko.

“I just hope I get accepted by the followers of My Husband’s Lover.

"I understand this soap is very popular. Alam mo, sa Facebook, wala akong nakita kundi mga update tungkol sa My Husband’s Lover.

"I just hope they appreciate my presence in this soap, kahit medyo bandang huli na.”

RYAN AS KAPUSO? Sa pagsali ni Ryan sa sikat na teleseryeng ito ng GMA, lumakas ang bulung-bulungan na matutuloy na ang pagiging Kapuso nito, matapos ng ilang taong pamamayagpag ng mga programa niya sa Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sagot ni Ryan, "Abangan na lang natin. Baka mamaya hindi ako Kapuso lang, kundi kapederasyon na rin!"

Pero dagdag din niya, “We’ll see, we’ll see how the ball rolls.

"And I’m just happy to be here, being part of My Husband’s Lover final week, and tingnan kung paano ang direksyon ng ihip ng hangin.”

Hindi naman itinatanggi ni Ryan na may malaking pagbabago na mangyayari sa kanyang career. Hindi nga lang niya masabi kung ano ang mga ito.

“Changes are always there naman.

"I’m just excited that this last quarter of 2013 become one of the most exciting part of my career.

"Kasi, katatapos lang ng Talentadong Pinoy, which was… sige, magbubuhat na ako ng bangko...which is quite a success.

"Pero ito, mukhang bigger things to come. So, I’m very excited.”

FAMILY VACATION. Nagpapasalamat din si Ryan na nagkaroon sila ng panahon ni Judy Ann na makapagbakasyon, na natuloy rin pagkatapos itong maudlot dahil sa nagka-dengue siya.

“It was excellent. Sarap!” bulalas niya.

“Alam mo, natutunan namin na pagka pala tama at masarap ang bakasyon, malalaman mong masarap siya at sulit kung, pagbalik mo sa laro mo, reding-ready ka na kahit sa anong challenge.

“So, that’s what happened to us.

"We’re just happy that we have been able to afford that break.”

Lagi naman daw silang umaasang sa bakasyon na iyon ay makabuo na sila uli at masundan si Lucho.

“Lagi namang hoping, e, kaya namumuhunan na kami ng bakasyon, e!” natawa niyang sabi.

Dagdag ni Ryan, “Kasi ang mga anak namin, hindi pa umaalis sa kuwarto namin, e, kaya kailangang tumakas-takas ng konti.

“So, tingnan natin kung may exciting news pa at the end of the year.”

BIRTHDAY CELEBRATION. Ang susunod na pinaghahandaan daw nila ay ang magkasunod na birthday celebrations ng mga anak nilang sina Lucho at Yohan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero iba na raw ngayon. Ayaw raw nilang palakihin ang kanilang mga anak na nasasanay sa magarbong selebrasyon sa kanilang kaarawan.

Pahayag ni Ryan, “This year, ang ginawa namin, tinuturuan naming maging simple ang mga anak namin.

“So, ang aming mga selebrasyon din, we keep it simple.

“This time around, well, we’re gonna promise to keep it simple.

“Simpleng party lang for Lucho at simpleng party lang for Yohan.

"Mga kaibigan lang ‘yan at saka mga kamag-anak.”

Ngayong three years old na si Lucho, wala naman daw itong hiniling o hininging espesyal na regalo.

Sabi ni Ryan, “Wala naman. Parang ngayon lang niya nakuha ang konsepto na magbi-birthday na siya.

"Excited na siya at ilang araw na niya sinasabi na gusto na niya mag-blow ng candle.

“Ito pa lang ang unang birthday niya na naintindihan niya na papalapit na.

“Yun lang ang paghahandaan namin—masayang salu-salo at ang birthday cake niya.”

Sa October 7, Lunes, ang third birthday ni Lucho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN