Marian Rivera on whether Dingdong Dantes is a "trophy boyfriend": “Pag sinabi mo kasing trophy boyfriend, nandiyan lang, palamuti. Si Dingdong, hindi.”

Marian Rivera on the the notion that Dingdong Dantes is a "trophy boyfriend": “Trophy boyfriend? No, of course not! Pag sinabi mo kasing trophy boyfriend, nandiyan lang, palamuti. Si Dingdong, hindi. Si Dingdong nandiyan para i-guide ako, para mahalin ang totoong Marian Rivera. I don’t think so, na trophy ang tawag doon.”


“Hindi pa, pero papanoorin niya this week, at kasama ko siya,” ang nakangiting sinabi ni Marian Rivera nang tanungin kung napanood na ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes ang Kung Fu Divas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kahapon, October 4, Biyernes, sa SMART Tower sa Makati City.

Ito ay para sa contract signing ni Marian para sa ikalimang-taong renewal niya bilang endorser ng Talk ‘N Text.

Sa promotion ng Kung Fu Divas, bumisita at nag-promote si Marian sa ilang shows ng ABS-CBN. Ito ay sa kabila ng pagiging exclusive contract artist si Marian ng GMA-7.

May iba pa bang plano ng pagbisita niyang muli sa bakuran ng ABS-CBN?

“Naku, parang ang dami ko na yatang naging guesting sa ABS, siguro okay na muna iyon sa pagkakataong ito. Malay ninyo, sa susunod may part two ang Kung Fu Divas muli akong pumunta sa ABS, ” saad niya.

So may part two?

Patuloy niya, “Well sana, depende kung anong klaseng reaksyon ang makukuha namin sa tao, kung maganda at hinihiling nilang mag-part two—why not, di ba?”

ENDORSEMENT RENEWAL. Hiningan naman ng saloobin si Marian tungkol sa pagre-renew sa kanya ng Talk ‘N Text.

“Siyempre, nakakataba ng puso, na ibig sabihin kapag nagre-renew ang isang ine-endorso mo, ibig sabihin nagtitiwala pa rin sila sa iyo.

“Siyempre, grateful ako, na iyon nga, kinuha nila ulit ako.

“Ang tagal ko na sa Talk ‘N Text, sobrang tagal, 2009. Halos five years, so, di ba?

“’Tsaka mahirap kasing mag-endorso bilang isang artista. At naniniwala ako at saka yung management namin na, kapag iniendorso ko siya, ibig sabihin naniniwala ako at isa ang Talk ‘N Text sa pinaniniwalaan kong araw-araw magiging panalo ka talaga,” pagmamalaki niya.

PANALO MOMENTS.” Ano ba para sa kanya ang araw-araw panalo, sa career at sa personal na buhay? Ano na ang mga panalo moments niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, pag sinasabi mong araw-araw panalo, ire-relate ko muna ito sa Talk ‘N Text, bago sa personal kong buhay.

“Kasi doon sa tagline na ’araw-araw panalo’ ka, alam naman natin na ang buhay ng tao ay hindi palaging perfect, maraming pinagdadaanan.

“Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahil sa Talk ‘N Text, nakapag-connect ka sa pamilya mo, nakakapagkuwento ka thru text, thru tawag, or puwedeng combination, depende sa personality mo.

“Kung ma-text ka bang tao o matawag ka ba—so, lahat ng iyan may offer ang Talk ‘N Text at hindi ka mahihirapan diyan.

“Pag sinabing araw-araw panalo, ibig sabihin lahat ng puwedeng kayang maabot ng mga katropa natin kayang maabot,” paliwanag niya.

Ikinuwento naman ni Marian ang mga “panalo moments” sa kanyang career.

“Araw-araw, panalo. Siyempre, unang panalo ko ay yung nag-Marimar ako, tapos dumire-diretso iyan, sa awa ng Diyos.

“Hanggang sa ngayon na, ito yata yung isa sa ipinagmamalaki kong pelikula, yung Kung Fu Divas na palabas ngayon, na kasama ko si Ate Ai-Ai. So dapat panoorin ninyo yun,” hikayat niya sa mga fans.

Sila ni Ai-Ai delas Alas ang producers ng naturang pelikula.

“Kaya manood kayo para kumita ako,” biro ni Marian.

MARIAN AS PRODUCER. Hindi raw ito ang huling beses na magpu-prodyus siya.

“Mukhang hindi ako madadalang gumawa. Tapos, siyempre, depende sa response ng tao.

"Kung ano ang magiging epekto ng Kung Fu Divas, kung magiging maganda siguro, baka mag-part two kami,” sabi niya.

Puwede siyang maging full-time producer?

“Mukhang hindi ako madadala dito sa Kung Fu Divas kasi maganda yung pagtanggap ng tao,” pag-amin niya.

May plano rin daw na ipalabas sa ibang Asian countries ang pelikula, tulad ng Cambodia at iba pa.

Dagdag ni Marian, “Yes, inaayos nila na mapalabas sa ibang bansa.”

Bukod sa part two ng Kung Fu Divas, may plano ba siyang magprodyus ng ibang klase o ibang genre ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol niyang kuwento, “Naku, iyon na muna. Minsan mahirap ding maging producer, akala ninyo lang ganun kadali.

"Ang dami mong kailangang i-sacrifice at isaalang-alang.

“Like, for example, itong shooting na ito, pagod na pagod na kami ni Ate Ai, pero kailangan naming tapusin kasi pag another day, another 1.5M na naman yung kailangan naming ilaan.

“So, hangga’t kaya naming isiksik sa isang araw yung mga eksenang dapat, ginagawa na namin.

“Sayang, e.”

TROPHY BOYFRIEND? Sa personal niyang buhay, marami rin daw ang “panalo moments” si Marian.

“Personal na panalo? Ay, siyempre, may Dingdong Dantes ako!” bulalas niya.

May nagtanong kay Marian: trophy boyfriend ba si Dingdong para sa kanya?

“Trophy boyfriend? No, of course not! Pag sinabi mo kasing trophy boyfriend, nandiyan lang, palamuti. Si Dingdong, hindi.

“Si Dingdong nandiyan para i-guide ako, para mahalin ang totoong Marian Rivera.

“I don’t think so, na trophy ang tawag doon,” paglinaw niya.

At siya rin naman ay ganoon para kay Dingdong?

“Of course naman, sana,” at muling tumawa ang Kapuso Primetime Queen.

Magkaiba sila ng ini-endorsong telephone companies ni Dingdong, pero mukhang maayos ang kanilang komunikasyon.

“Tawag, text. Basta ako, Talk ‘N Text! Ewan ko siya.

“Bahala siya. Oh well, kung gusto niyang mas mapadali ang pag-uusap namin, bibigyan ko siya ng line ng Talk ‘N Text!” at muling tumawa ang aktres.

INSTAGRAM. Aktibo si Marian sa Instagram.

“Happy ako kasi nakikita ng ibang tao yung personality ko thru Instagram, e.

"Hindi tulad dati na kung ano yung makita sa TV, kung ano ang sabihin ng ibang tao, ito lang yung nakikita nila.

“At least thru Instagram, nalalaman nila yung personality ko, ‘Ay mahilig pala siyang magluto!’

“Na ‘Ay, ganito pala yung personality niya.’

“So, nakakatulong, pero sana gamitin natin yung mga ganitong klase ng social media sa mabuting paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kapag mabuting paraan, mas napapalawak kung lahat ng tao, nakakabuti.

“Siyempre, kapag ginamit natin sa hindi maganda, marami ang nasasaktan,” wika niya.

Ano naman ang opinyon niya sa mga posers o mga nagkukunwaring siya?

Tugon niya, “Bakla sila! Chos!

“A, depende. Ako sa totoo lang, okay lang na gamitin ako or whatever, na kung ano ang sabihin.

“Pero huwag naman sana to the point na nakakasakit ng ibang tao at nababastos ako bilang Marian Rivera.

“Ngayon kung kasiyahan niya na gamitin ang personalidad ko at gamitin ang pangalan ko, sa mabuting paraan sana, para hindi nakaka-offend.”

Nang tanungin naman namin kung paano niya hina-handle ang mga bashers, mabilis niyang sagot, “Report, delete, block, bye!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN