Ara Mina on Cristine Reyes-Derek Ramsay breakup: “Actually, nanghihinayang ako sa kanila. Kasi si Derek naman is a good guy.”

Ara Mina admits meeting Derek Ramsay after his breakup with her younger sister Cristine, but the matter of his separation from Cristine was never mentioned. Ara says: “Wala. Wala pa kaming napag-uusapan na ganon. But he’s very gentleman na hindi pag-usapan yung nangyari. Nirerespeto ko yung ano nila kung ayaw nilang pag-usapan. Kasi ganun din ako kung sa akin din nangyari.”


Mula sa GMA-7 ay tumawid na rin nang tuluyan si Ara Mina sa TV5 sa pamamagitan ng drama teleserye na pinamagatang The Gift, na pagbibidahan ni Ogie Alcasid.

Isa si Ara sa stars ng Kapatid network na dumalo sa kakatapos na trade launch ng mga bagong shows ng istasyon, na ginanap sa NBC Tent, The Fort, noong Miyerkules, Oktubre 2.

At sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara, sinabi nitong wala siyang kontrata sa TV5, ngunit per project ang deal nila ng istasyon.

Childhood sweetheart ni Ogie ang role na gagampanan ni Ara sa serye, at natutuwa raw siya dahil parang "reconciliation" project nila ito ng singer-composer.

Nagkasama sila ng ilang taon din sa gag show na Bubble Gang ng GMA.

Pahayag pa ni Ara, “Six years kaming nagkahiwalay sa Bubble Gang, kaya para ngang reconciliation namin ito ni Ogie.

“At ease naman kami sa isa’t isa kahit matagal kaming hindi nagkita. Hindi na kami kailangang mag-adust.”

ON SISTER CRISTINE’S BREAKUP WITH DEREK. Naging kontrobersyal na naman ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes dahil sa balitang breakup nila ng kasintahang si Derek Ramsay kailan lang.

Nang usisain ng PEP si Ara tungkol dito ay napangiti siya.

“Na-ambush na nga ako kanina habang nag-uusap kami ni Derek," sabi nito.

"Kasi hindi pa kami nag-uusap ng kapatid ko. So, basta malungkot siya.

"Hindi pa kami nakakapag-usap dahil maraming intervals.

“For sure, malungkot yung kapatid ko, pero hindi ko talaga alam kung bakit.”

Nalaman na lang daw ni Ara ang tungkol sa hiwalayan nina Cristine at Derek sa mga balita.

Halos tumagal lang ng isang buwan ang pag-iibigan ng dalawa.

Masasabi ba niyang ang pakikipag-relasyon ni Cristine kay Derek ang pinakamaikli sa lahat ng mga naging nobyo nito?

Sagot niya, “Ahm, yeah. I think so. Hindi ko alam, e. Ang alam ko kasi matagal na silang magbarkada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nanghihinayang ako sa kanila. Kasi si Derek naman is a good guy.”

Naipakilala na ba ni Cristine si Derek sa pamilya nila?

Aniya, “Ahm, si Derek naman kinakausap niya yung Mommy ko. Marespeto siyang tao.”

Kailan kayo huling nagkausap ni Cristine?

“Ahm, hindi. Alam mo naman yung kapatid ko, pag tungkol diyan sa lovelife na yan, ayaw ko siyang kinukulit. Hinihintay ko na lang siyang mag-open up sa akin.

“I asked her, pero hindi siya nag-reply. So, I guess, ayaw na muna niyang pag-usapan,” paglinaw ni Ara.

Hindi raw nagtagal ang pag-uusap ni Ara at ni Derek kanina dahil naputol ito, ayon kay Ara.

Sabi pa niya, “Nagkumustahan lang kami, eto, okey lang. Sabi niya, ’I just talked to your sister. I just talked to your mom.’ Ganun lang.”

Hindi nag-sorry sa iyo si Derek o nag-explain sa break up nila ni Cristine?

“Wala. Wala pa kaming napag-uusapan na ganon. But he’s very gentleman na hindi pag-usapan yung nangyari. Nirerespeto ko yung ano nila kung ayaw nilang pag-usapan.

“Kasi ganun din ako kung sa akin din nangyari. Ayaw ko rin sabihin yung detalye na. Kasi nakakapagod din yung ganon.

“Siyempre, sa mga past relationships natin noong una, okey lang. Pero habang nagma-mature ka, parang alam mo na kung paano mo iha-handle.

“Kumbaga, parang hindi ka na bata para pag-usapan pa yung gano’n,” depensa niya kay Derek.

Feeling mo ba, hindi pa dapat magkaroon agad-agad ng relasyon si Cristine kaya humantong sa maagang breakup ang pagmamahalan nila ni Derek?

“Ahm, well, hindi naman. Kasi nasa right age na naman siya.

"Siguro, dahil hectic yung schedules niya at sa dami niyang ginagawa, parang pinagku-concentrate muna siya ni Lord sa career niya,” dugtong ni Ara.

Gaano ba kalungkot si Cristine ngayon?

“Honestly, hindi pa talaga kami nagkikita after na lumabas yung balita. Kahit sa text, hindi pa,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung advice mo kay Cristine sa ganitong pinagdadaanan niya?

“Ano lang, sinabi ko sa kanya na pag-ready na niyang pag-usapan, nandito lang ako para sa kanya. Kasi wala talaga akong alam. Kung anuman, nandito lang ako for you.

“Wala siyang reply. Alam ko naman na pag wala siyang reply, ayaw niyang pag-usapan,” muli niyang saad.

Noong si Cristine pa at si Derek, naging open ba si Cristine sa kanya?

Ayon kay Ara, “Oo, naikuwento niya sa akin noong nagkita kami. Doon lang niya naikuwento. Siyempre, mahirap naman na sa phone lang, di ba?”

READY FOR WEDDING? Tungkol naman sa kanyang boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses, kinumpirma ni Ara na maayos pa rin ang pakikipag-relasyon niya dito.

Kailan naman kayo pakakasal?

“Ah, hindi ko pa alam,” sagot niya.

Magpapakasal ka pa ba? Magkakaroon ka pa ba ng sarili mong pamilya?

“Oo naman. Anong gusto ninyo maging madre ako o tumandang dalaga?” pabiro niyang pahayag.

Handa ka na bang magkaroon ng asawa?

“Oo naman, handang-handa na ako. Pero may mga inaayos pa lang ako. Tapos, doon na tayo papunta,” deklara niya.

Wala raw siyang masabing detalye dahil ayaw niyang pangunahan ang tungkol dito.

Hindi pa ba nagpu-propose si Mayor Meneses?

Sagot ng sexy actress, “Ah, hindi pa. Hindi naman ako naiinip, pero ayaw niya sigurong ma-ano yung surprise.”

Feeling mo ba papunta na kayo ni Patrick sa kasalan?

“Oo. Gusto ko na. Gusto ko na talaga,” pag-amin niya.

Si Mayor Patrick ba gusto na rin?

“Oo!” mabilis na sagot ni Ara at saka tumawa ng malakas.

Kung sakali man, okay na ba sa kani-kanilang pamilya kung magkatuluyan sila?

Pagtatapos niyang saad, “Oo naman. Tatlo na lang nga sila, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN