Ciara Sotto on Kiko Pangilinan’s alleged involvement in pork-barrel scam: “I don’t think it’s true kasi si Kuya Kiko and my dad are very much the same. Pareho silang honest people.”

Ciara Sotto, anak ni Senator Tito Sotto, on allegations against Kiko Pangilinan over the PDAF scam: “Sana nga lang, kung ano talaga yung katotohanan, yun lang talaga ang lumabas, di ba? Kasi mahirap naman na magsinungaling sa taong bayan. Ako, kung ano yung totoo, sana yun yung lumabas. I don’t think it’s true kasi si Kuya Kiko and my Dad are very much the same. Pareho silang honest people.”


Kabilang si Ciara Sotto sa cast ng lalabas na tawa-serye sa TV5 na Madam Chairman, na pagbibidahan ng megastar na si Sharon Cuneta-Pangilinan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ciara sa trade launch ng mga bagong shows ng TV5, na ginanap sa NBC Tent, The Fort, Taguig City, ikinuwento nitong gaganap siya bilang best friend ng kanyang Ate Sharon.

Sina Ciara at Sharon ay magpinsan sa mother’s side. Ang ina ni Ciara na si Helen Gamboa ay kapatid ng mommy ni Sharon na si Elaine Cuneta.

Kumusta naman ang pakikipag-trabaho sa iyong Ate Sharon?

“Masaya, masaya. Actually, kami naman ni Ate wala naman kaming naging problema, e. As in, okay kami ever since,” panimula niyang kuwento.

Wala raw kontrata si Ciara sa kahit na anong network kaya naman malaya siyang nakakagawa ng TV project saan man niya gusto.

Ang Madam Chairman ang ikalawa niyang mahabang exposure sa TV5. Ang una ay nang lumahok siya sa Talentadong Pinoy celebrity edition, kung saan nag-champion siya.

MARRIED LIFE. Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, nagpahayag ng kasiyahan si Ciara.

“Masaya naman, parang laging bago,” sabi nito, na ang ibig sabihin ay para silang laging bagong kasal.

Hindi totoo na nagkaproblema sila ng mister at muntik nang maghiwalay?

Napakunot-noo muna si Ciara bago siya nagsalita, “No! Never! Meron ba?

“Hindi, wala. Never kaming umabot sa gano’ng point. Wala talaga, happy ako.”

May sabi-sabi kasing nag-ugat ang problema nilang mag-asawa sa pre-nuptial agreement nila.

“Ha? Wala. Never. Imposible yun. Wala talaga kaming problema kahit ano,” diin niya.

Wala rin daw issue sa pagiging visible uli ni Ciara sa showbiz.

“Sa totoo lang, mas busy pa nga yun dito sa TV5 kaysa sa akin, e," sabi nito tungkol sa asawa.

"Sila kasi yung nagha-handle ng The Gift, tapos yung Kidlat dati, at saka Valiente. Sila yung Archangel Productions,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL CHILDLESS. Mag-aapat na taon na silang kasal ng kanyang mister at wala pa silang anak, pero inayos na raw niya ang kanyang attitude sa ganitong kaganapan.

“Bahala na si Lord. Hindi ko na pini-pressure ang sarili ko sa ganyan.

“Advice sa akin ng mga tito ko na huwag masyadong isipin kasi mas lalo kang nai-stress. Tapos, hindi raw talaga nangyayari,” pag-amin niya.

Hindi ka ba pini-pressure ng daddy mo, si Senator Tito Sotto, na magka-apo na?

Aniya, “Hindi. Actually, yung mom ko ang, ’O, ano? Wala pa ba?’ Pero alam naman nila na si God ang bahala.”

MOMMY HELEN. Tungkol naman sa kanyang Mommy Helen, na nabalitang dinapuan ng karamdaman, ibinalita ni Ciara na kailangan talagang magpahinga ng ina.

“She had to rest kasi nagkaroon siya ng vertigo asthma. Nagsabay.

"So, hindi natuloy yung show niya sa GMA. Nakapag-taping na nga siya ng dalawa, e. Pero next year babalik na yan [sa acting],” dagdag pa niya.

PORK-BARREL SCAM. Tungkol naman sa mainit na isyu ngayon ng pork-barrel, kung saan may mga senador na kinasuhan na ng malversation of funds at plunder, hangga’t maari raw ay ayaw mag-comment ni Ciara dito.

Pero mayroon siyang opinyon dito.

“Sana nga lang, kung ano talaga yung katotohanan, yun lang talaga ang lumabas, di ba?

“Kasi mahirap naman na magsinungaling sa taong bayan. Ako, kung ano yung totoo, sana yun yung lumabas.”

Ano naman ang masasabi niya na wala ang amang si Senador Tito Sotto sa listahan ng mga nakasuhan na ng Department of Justice at National Bureau of Investigation?

Pagpapasalama ni Ciara, “Blessing na rin yun. Kasi ang daddy ko never naman siyang nagka-issue about corruption ever since vice-mayor pa siya. Kasi, he’s really an honest person.”

Ano naman ang naging reaksyon mo na pati ang dating senador na si Kiko Pangilinan, ang asawa ng Ate Sharon niya, ay nakaladkad sa scam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think it’s true kasi si Kuya Kiko and my Dad are very much the same. Pareho silang honest people. So, I think hindi totoo na may problem si Kuya Kiko,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN