Pauleen Luna overjoyed by Vic Sotto’s show of support for her indie film

Pauleen Luna waxes ecstatic in her Instagram post last October 5. She posted a photo of herself with boyfriend Vic Sotto during the gala night of her indie movie, Gaydar, and wrote: “It’s very nice na he was showing support. Ano lang naman ’to, e… simple lang naman. It’s an indie but he’s here to support, I’m very happy.”


Nag-post si Pauleen Luna ng litrato nila ni Vic Sotto sa kanyang Instagram account noong Sabado ng gabi, October 5.

May caption ito na: “Thank you for supporting me tonight Love! You’re the best!”

Ang nasabing litrato ay nakunan nang magkasama si Pauleen at Vic sa gala night ng pelikulang Gaydar noong October 5.

Kalahok ang naturang indie film ni Pauleen sa katatapos lang na Quezon City Film Festival, na ginanap sa Trinoma Cinema, North EDSA, Quezon City.

Tuwang-tuwa ang 24-year-old actress-TV host dahil hindi naman madalas siyang sinasamahan ni Vic, 59, sa mga ganitong okasyon. Hindi rin naman sila madalas nakikitang magkasama sa mga pampublikong lugar.

Nagpakita ng full support si Vic sa pelikula ni Pauleen na pinagbibidahan din nina Tom Rodriguez at Rafael Rosell, at idinirek ni Alvin Yapan.

WALA NAMAN KAMING DAPAT ITAGO.” Pahayag ni Vic sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago magsimula ang gala night, “We always go out in public naman, e.

"Nagkakataon lang na hindi lang namin ina-announce, dahil wala naman kaming dapat i-announce.

“Wala naman kaming dapat itago.

"So, lalo na ang mga ganitong okasyon, to show support for her. Alam ko namang pinaghirapan niya ito, e.”

Sabi naman ni Pauleen, “Like what he said, it’s very nice na he was showing support.

"Ano lang naman ’to, e… simple lang naman. It’s an indie but he’s here to support.

"I’m very happy.”

Samantala, iniiwasan na ni Pauleen na pag-usapan pa ang mga seryosong bagay na may kaugnayan sa kanilang relasyon.

Pero sinagot naman ni Vic ang tanong namin kung gaano siya kaseryoso kay Pauleen at kung ano ang mga plano sa mga darating na araw.

“We will get there, and definitely hindi naman namin itatago ang very special occasion if ever.

“Dapat niyan, e, sini-share sa mga tao,” pahayag nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nagkomento si Pauleen sa mga sinabi ni Vic.

Pagkatapos ng screening, binati ni Vic si Pauleen dahil cute naman daw ang pelikula, at bumagay naman daw siya kina Tom at Rafael.

INTIMATE SCENES NOT AN ISSUE FOR VIC. May mga intimate scenes sina Pauleen at Rafael, pero wala naman daw dapat ikaselos si Vic.

Naiintindihan daw ni Vic ang trabaho ng kasintahan bilang isa rin naman siyang aktor.

Inamin ni Pauleen na siya ang madalas na nagseselos sa nobyo.

Tinanong namin kung ano ang madalas na pinagseselosan nito.

“Wala yun, amin na lang yun,” sagot ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN