Tom Rodriguez wants to take a break from gay role after My Husband’s Lover

Sa pamamagitan ng kanyang pagganap bilang Vincent sa My Husband’s Lover ay natutunan daw ni Tom Rodriguez na mas mabuti kung magpapakatotoo tayo sa ating mga sarili. Saad niya, “Huwag nilang hayaang mangyari sa kanila yung nangyari kay Vincent na dahil sa pagsisinungaling niya sa sarili niya, yung gumamit pa siya ng ibang tao, katulad ni Lally, para pagtakpan kung sino siya talaga, e, mas marami siyang taong nasaktan.”


Masaya si Tom Rodriguez sa mainit na pagtanggap ng mga taong dumagsa sa activity center ng Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City, kung saan idinaos ang meet and greet event ng buong cast ng My Husband’s Lover kahapon, Sunday, October 6.

“Siyempre, paulit-ulit na gusto kong ipaabot sa kanila ang pasasalamat. Walang katapusang pasasalamat,” nakangiting sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media na kanyang nakausap.

“Pasasalamat hindi lamang sa pagsuporta nila sa My Husband’s Lover kundi sa pagsuporta din nila sa mga karera namin nina Dennis, Carla, at sa lahat ng cast.

“Maraming salamat talaga sa walang sawa nilang pagsubaybay sa show.

"At pati na rin sa mga bumili ng ticket para sa concert namin,” pagtukoy ni Tom sa One More Try: My Husband’s Lover Concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum on Saturday, October 12.

TURNING POINT. Next week ay matatapos na ang My Husband’s Lover, at mas kaabang-abang pa raw last few episodes nito.

Sabi ni Tom, “Siyempre, kasi sa pagtatapos namin, kailangang i-tie up nang maayos yung kuwento. So, may mga nadagdag para mas maging maayos yung ending.

“Hindi ko lang puwedeng ikuwento ang mga detalye about it, pero magugulat kayo.”

Kagaya ng mga karakter na ginagampanan nina Carla Abellana at Dennis Trillo, bilang sina Lally at Eric, nagmarka rin sa viewers si Tom bilang Vincent. Naging isang malaking turning point ito sa kanyang career.

Saad ng Kapuso actor, “Mas maraming nakakilala sa akin. Malaking tulong po iyon.

“Inaamin ko naman na ang My Husband’s Lover ang malaking part sa naging pag-angat ng career ko.”

NO MORE GAY ROLE? Pero totoo bang ayaw na niyang tumanggap ng gay role pagkatapos niyang gumanap sa My Husband’s Lover, bilang si Vincent na asawa ni Lally (Carla) at karelasyon din ni Eric (Dennis)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Tom, “Hindi naman sa gano’n. Gusto ko lang sanang magpahinga sa mga gay roles muna. Pero sabi ko naman, hindi ko naman isinasara yung puso ko dun.

"Kasi, kung sakaling may dumating na role na kasingtindi ng sa My Husband’s Lover, yung tipo ng role na kapag binasa mo ang script, e, manghihinayang ka kung hindi mo sinubukang mapasali do’n.

“Ako, in a heartbeat, tatanggapin ko kapag ganung klaseng role. Pero kung same pa rin, na ganun ka-eksakto yung role, gusto ko munang mapahinga. Para at least maka-experience din ako ng iba pang klase ng mga roles.

“If ever, gusto ko po sanang mag-action talaga. Action na fantaserye, hindi pa po ako nakakagawa.”

MESSAGE. Proud si Tom na naging bahagi siya ng teleseryeng may napapanahong mensahe at nagmulat sa mga manonood upang maunawaan ang mga bakla.

“Yung acceptance. Iyon ang ipinu-promote namin, lalo na sa pagtatapos ng My Husband’s Lover.

“Na yung pagmamahal talaga e walang pinipiling kasarian o estado sa buhay. Iyon ang gusto naming mai-impart sa audience.

“Marami ang nakaka-relate sa story. At sana, marami rin nga ang nakakuha ng lessons mula sa tema ng show. Lalo dun sa character ko as Vincent, na mas magandang magpakatotoo na lang sa sarili.

“Huwag nilang hayaang mangyari sa kanila yung nangyari kay Vincent na dahil sa pagsisinungaling niya sa sarili niya, yung gumamit pa siya ng ibang tao, katulad ni Lally, para pagtakpan kung sino siya talaga, e, mas marami siyang taong nasaktan.”



REALIZATION ABOUT GAYS. Ano ang dating impression niya sa gays na na-realize niyang mali at nabago dahil sa kanyang pagganap bilang si Vincent?

Saad ni Tom, “Dati, hindi ko ma-imagine kung paano ako makaka-relate sa kanila. Pero nalaman ko, dahil sa pag-portray ng role na iyon, na wala palang ipinagkaiba ang isang bakla sa babae o sa lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi lahat tayo, pare-pareho tayo ng mga pinagdadaanan sa buhay. Pare-pareho tayong nasasaktan, nagmamahal, ngumingiti, tumatawa, umiiyak.

“Lahat iyon, sakop ng experiences natin sa buhay. At hindi naiiba dun ang isang bakla.

“Kaya ayun, namulat ang mata ko dun na lahat pala tayo, pare-pareho.”

Kahit gay role ang ginampanan niya, mas marami pa ring bading ang nagka-crush sa kanya ngayon. Ano ang pakiramdam niya rito?

“Ako, tini-take ko na lang ‘yon as a compliment,” nangiti ulit na sabi ni Tom. Kapag ganun, nakaka-flatter pa rin.

"Siyempre, every time na may humahanga sa ‘yo, every time na may nagsasabi sa ‘yo ng maganda or nagkakagusto sa ‘yo, e, dapat masiyahan ka.

“Masarap sa puso mo yung gano’n.”

FAMILY SUPPORT. Ang kanyang mga magulang at iba pang kaanak na naka-base sa Amerika, lahat daw ay masaya tungkol sa makatotohanan niyang pagganap ng kanyang role sa My Husband’s Lover.

“They’re very proud. Lagi silang nanonood sa States. Ang tatay ko nga, ipinapapanood din yung show sa mga kaibigan niya.

"E, mga Amerikano ‘yon na hindi nakakaintindi ng Tagalog, pero pilit niya pa ring pinapapanood.

“So, sobrang happy sila para sa akin. Alam nilang lahat talagang ibinubuhos ko sa trabaho ko para mapaganda ko yung ginagawa ko.

“And I’m also looking forward na ang buong cast ng My Husband’s Lover, magkakaroon ng tour sa U.S. Excited ako.

"Feeling ko, mas marami akong mapupuntahan na lugar sa States ngayon na sa Pilipinas ako based, kesa nung doon ako nakatira!” sabay tawa ni Tom.

Ikina-excite din daw ni Tom nang malamang binili ng isang TV network sa Vietnam ang rights ng My Husband’s Lover.

“I’m happy to hear that. Ang galing nun, ha!” nakangiting sabi niya. Wow! Okey ‘yon. Wala akong masabi kundi… rock!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN