Xian Lim on possible KimXi real-life pairing: “Kung hahayaan ng tadhana, yes, bakit hindi?”

Dahil sa mga tagahanga nila, magkakaroon ng panibagong teleserye sa ABS-CBN ang tambalang Xian Lim at Kim Chiu. Nag-trend kasi ang requests ng KimXi fans sa Twitter na pagsamahin muli ang kanilang mga idolo sa isang proyekto. Nakaabot ito sa ABS-CBN management kaya nagdesisyon ang mga ito na bigyan muli ng teleserye sina Xian at Kim.


Pinasalamatan ni Xian Lim ang mga tagahanga nila ni Kim Chiu dahil ang mga ito raw ang dahilan kung kaya’t bibigyan silang muli ng teleserye ng ABS-CBN.

Pagkatapos kasing mag-trend ang tweets ng KimXi fans na pagsamahing muli sa teleserye sina Kim at Xian, nagdesisyon ang ABS-CBN management na bigyan ng panibagong proyekto ang dalawa.

Sabi ni Xian tungkol sa KimXi fans, “Actually, I want to take this time para magpasalamat sa kanila. Kasi, parang nami-miss nila talaga kami, yun ang sinasabi nila base sa tweets.

“Nami-miss daw nila kaya pinapa-trend nila every night, ‘KimXi, we miss you… Teleserye for KimXi.’ So, maraming-maraming salamat sa lahat ng nagtu-tweet.

“Yung iba daw, nang-aaway, ‘Bakit wala sila?’ Pero it’s happy… happy lang. Di naman yung seryoso.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa basketball game ng ilang Kapamilya stars, kaugnay ng 60th anniversary ng ABS-CBN, sa Smart Araneta Coliseum, noong Sabado, October 5.

BIGGER AND BIGGER. Kumusta ang samahan nila ni Kim ngayon?

Sagot ni Xian, “Okay naman. I always say it’s getting bigger and bigger. Yung trust namin, kasi nakilala namin ang isa’t isa more, more and more.

“Siyempre, nandiyan ang pagmamahal namin sa trabaho. We’re building our trust for each other, yung comfortability, nandiyan naman talaga.

“But we have to build on that, para maganda yung foundation. Before [going] into something, dapat mas matatag yung foundation.

What about a KimXi romance for real, is it possible?

“Kung hahayaan ng tadhana, yes, bakit hindi?”

Sa kabila ng panunukso o pambubuyo sa kanila, lalo na ng kanilang mga tagahanga, sinabi ni Xian na hindi sila magpapatangay ni Kim sa ibang tao pagdating sa personal nilang nararamdaman.

“No, no, ayokong masyadong ilagay sa ulo ‘yang mga ganyan. If you let it go to your head, masisira yung working relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami, we will make our time, build on it. That’s important—building the foundation.”

FEELING THE PRESSURE. Gaya ni Kim, nakakaramdam din daw ng pressure at kaba si Xian sa pagtatambal nilang muli sa telebisyon.

Ang huli nilang teleserye ay ang Ina Kapatid Anak, na nagtapos noong June. Napanood silang muli sa pelikulang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? noong July.

Pahayag ni Xian, “Actually, lagi naman naming sinasabi na may pressure, na excited kami.

“Pero akala ko, pagkatapos ng pressure stage, akala ko, at this time, parang, ‘Uy, okay na ito.’ Ito, parang pressure times two. Parang all eyes on us.

“Siyempre, ipagyayabang ko na, from success nung movie, wow! The movie was successful."

Dagdag niya, “Grateful kami sa unit din ni Sir Deo na binigyan kami ng serye. Hopefully before the year ends…"

Ang tinutukoy ni Xian ay si Deo Endrinal, business unit head sa ABS-CBN, at ang taong responsable sa maraming matagumpay na teleserye ng Kapamilya network.

Pagpapatuloy ni Xian, “Ang gagawin kasi naming story, hindi na siya magiging sobrang heavy this time, medyo light.

“Siyempre, nandun palagi yung pressure.”

Aminado si Xian na matagal na niyang ipinagdarasal na ang tambalan nila ni Kim ang maging pangunahing bentahe ng proyektong pagsasamahan nila.

“Hoping, matagal ko nang ipinagdarasal ‘yan. Yun ang gusto ko,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN