Derek Ramsay says no one is to blame in breakup with Cristine Reyes

"I don’t need to say anything. I don’t have to say anything. This is a private situation for me and AA that we’re going to handle together or individually."

That was the reaction of Derek Ramsay when asked recently about his "forever" Instagram in the full bloom of his romance with Cristine Reyes. The two broke up after a month of a much-publicized romantic entanglement.


Alangan pa ring sumagot si Derek Ramsay tungkol sa breakup nila ni Cristine Reyes, na unang nai-report dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa presscon ng bagong teleserye ni Derek sa TV5, ang For Love Or Money, kahapon, October 6, tinanong ng PEP kung ano o hanggang saan ang kaya niyang ibahagi sa naganap na breakup nila ni Cristine.

Sagot ng aktor, “Ang sasabihin ko lang, walang may kasalanan sa nangyari. Walang may kasalanan. Walang may mali. Walang masama.

"It’s just a decision that was made. There’s nobody wrong.

"That’s just... nangyari ang nangyari. Walang bagay ang nagdala ng galit o kung anuman ang sinasabi ng mga tao.”

May lumabas na usap-usapan na, diumano, hindi nasakyan o kinaya ni Derek ang ugali ni Cristine.

Sabi ng aktor tungkol dito, “Kung ugali, well, tatlong taon ko siyang kilala. Tatlong taon ko siyang kaibigan.”

Pangit man pakinggan, pero may nagsasabi ring baka “flirting” lang ang namagitan sa kanilang dalawa. Ano ang reaksiyon ni Derek dito?

Aniya, “No, no, three years kaming magkaibigan. We’ve been... three years, we go out. We hang out.

"It’s just innocent friendship, and that’s what we want to be.”

STILL FRIENDS. Kaibigan pa rin daw ang turing ni Derek kay Cristine. Pero inamin ng aktor na wala silang komunikasyon ngayon sa isa’t isa.

Saad ni Derek, “Right now, we’re giving each other space. Kasi, masakit naman.

"Pero, kita niyo naman, we still follow each other on Instagram. We still follow each other on Twitter.”

Hindi rin daw nagpapaapekto si Derek sa “critics” nilang dalawa ni Cristine.

Noong umamin sila tungkol sa kanilang relasyon, marami ang nagsabi na ang bilis naman. Ngayong naghiwalay sila, ganoon pa rin ang mga komento sa kanila.

Ayon kay Derek, “Alam namin ang totoo ni AA [palayaw ni Cristine]. And that’s all that matters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like you’ve said, merong ugali niya. Bakit ugali niya? Bakit siya ang inaano? Walang ganun-gano’n. Kilala ko ang ugali ni AA. She’s a wonderful person.”

MOVING ON. Natawa naman si Derek sa balitang nahihirapan daw si Cristine na makapag-move on sa naging breakup nila.

Aniya, “No, kilala ko si AA. She’s a strong woman. She’s gone through so much hardship in life, at alam natin yun.

"She’s outspoken, and she lets everybody know about what she’s thinking.

"But, as you can see, there’s respect for both parties, and that’s what we want to keep private.

“Kasi, yung relationship namin ni AA, tatlong taon. And I’m always gonna be there for her as a friend—as her best friend.”

TOGETHER IN HAWAII. Bukas, October 8, ay lilipad si Derek papuntang Hawaii para sa isang show. Makakasama niya rito si Cristine.

Hindi kaya siya mailang?

Tugon ni Derek, “Definitely not. I’m not uncomfortable to see my friend. I’m not uncomfortable to see AA.

"Of course, I’m excited to see her. She’s my friend.”

Natawa lang si Derek sa haka-haka o komento ng ilan na baka raw may balikang maganap sa kanila sa Hawaii.

“We don’t know what’s gonna happen in the future,” sabi ng aktor.

STILL IN LOVE. Isang diretsong tanong naman ang ibinato namin kay Derek: Mahal pa ba niya si Cristine?

Sagot niya, “I’ve always been in love with AA. I told her that. This is going to be a long, long relationship.”

Pero, naka-move on na ba siya sa breakup nila?

“Let me handle that first. And then, when it’s all done, I’ll get back to you on how I handled it. But now, let me handle all of these.”

Ang relasyon ni Derek sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban ay tumagal ng halos anim na taon. Yung sa kanila ni Cristine ay tumagal ng halos isang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangangahulugan bang mababaw lang ang naging relasyon nila ni Cristine?

Ayaw daw niyang nagkukumpara ng mga relasyon. Ngunit tugon nito tungkol sa itinagal ng relasyon nila ni Cristine:

“Yes, definitely the longest-shortest relationship is how I put it.

"Shortest for month. Longest, because I know I have a friend for life, and I’m gonna be her friend for life.

"So, you don’t compare relationships.”

Pero yung relasyon nila ni Cristine ang pinakamaiksi sa lahat ng naging relasyon niya?

“I don’t know if that question really applies to me. Short or long!” natatawang sabi ni Derek.

"FOREVER." Hindi naman sinagot ni Derek ang tanong ng PEP kung ano ang nangyari sa “forever,” na nilagay niya sa Instagram picture nila ni Cristine noong sila pa.

Sabi niya, “I don’t want to react. I don’t need to say anything. I don’t have to say anything.

“This is a private situation for me and AA, that we’re going to handle together or individually.

"After time for everything, we’ll be okay, and we’ll be going back to the friendship we used to—yung kulitan, tawanan.”

Posible kayang madala na siyang ma-in love pagkatapos ng mga pinagdaanan niya?

Ayon kay Derek, “Mahirap ma-in love. But, you know, it’s life.

"There’s not only one special person in your life. There’s so many people. You can be in love with your friends, family, God. That’s the relationship you have. There’s so many people.

“And, that’s life.

“You have to love life. If you don’t love life, you cannot love yourself. You can’t fall in love with people.

"And ako, I have so many people to love in my life and to love me. And for me, that’s what keeps me going.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nami-miss niya ngayon kay Cristine bilang girlfriend?

“Friends, girlfriend... I miss Cristine. The way we talk... Not just yung boyfriend-girlfriend kami o magkaibigan kami. That’s how we are, and I know her. I know everything about her.

“Right now, because of the decision that we made, I can’t really be that way right away, and I respect that. I understand that.

"Sabi ko nga, time. In time, we will be okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN