Dingdong Dantes on Marian Rivera being "the one" for him: "The fact that we’re together now for so many years, e, talagang ikaw na!"

"I certainly hope so!" sagot ni Dingdong Dantes, nang matanong sa presscon ng She’s The One kung sa palagay niya ay ang girlfriend na si Marian Rivera ang "the one " na para sa kanya.


Dahil She’s The One ang titulo ng ikatlong pelikula ni Dingdong Dantes sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, natanong sa Kapuso actor kung ang girlfriend niyang si Marian Rivera na ang "the one" para sa kanya.

Nakangiting sagot ng 33-year-old actor, “Depende kung paano mo sasabihin, ano ang konteksto.

"Pero ako, tingin ko naman, the fact that we’re together now for so many years, e, talagang ikaw na!

"Pero siyempre, depende rin sa konteksto kung ano ang ibig mong sabihin.

“But ako, I’m very hopeful naman sa lahat ng bagay. I’m very positive naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dingdong sa presscon ng She’s The One kagabi, October 7, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

WEDDING TALK. Muli namang naungkat ang tungkol sa pagpapakasal. Naiisip na ba nina Dingdong at Marian ang tungkol dito?

Sabi ni Dingdong, “Siyempre, hindi mo naman masasabing hindi dumadampi sa isip mo ‘yan.

"Siyempre, there are more things that I have to deal with first, e. So, mga bagay na kailangan ko munang tapusin.”

Aminado si Dingdong na minsan ay napag-uusapan na rin nila ni Marian ang tungkol dito.

“Meron namang mga konting bagay. Siyempre, imposible namang hindi namin napag-uusapan.

"Imposible namang hindi ko alam ang mga thoughts niya about it.

"We talk about it on a very general point of view, but really nothing about details.

“Siguro, I just want to leave it at that first, para kahit paano, may excitement pa rin.”

Nabanggit ni Marian noon na sa simbahan niya gustong maikasal. Kung sakali, payag ba si Dingdong sa gusto ni Marian?

“Siyempre, kung saan sasabihin ng aking soon-to-be wife, siya ang masusunod,” nakangiting sabi ng aktor.

SUBMISSIVE GIRLFRIEND. Sa press conference naman noon ng pelikula ni Marian sa Star Cinema, ang Kung Fu Divas, ibinuko ng co-star nitong si Ai-Ai delas Alas na “submissive” si Marian kay Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha ng press ang reaksiyon ni Dingdong tungkol dito.

Aniya, “I think, ano naman siya, it’s a give-and-take relationship para sa akin.

"There are times, yes, she is submissive.

"And, alam mo, once that a person is like that, mas magiging mas okay pa ako. Kapag pinakitaan mo ako na submissive ka and you’re on the level...

“It doesn’t have to be submissive, basta on the level ka lang na patas ang laban. Walang labis, walang kulang.”

Ikinuwento rin ng entertainment press kay Dingdong ang ibinuko ni Ai-Ai na nag-inarte lang daw si Marian nang minsang magpatulong ito sa boyfriend na magbuhat ng aquarium sa kanyang bahay.

Ang totoo raw kasi ay kaya naman ni Marian na buhatin ang aquarium nang mag-isa.

Natatawang sabi naman ni Dingdong, “Oo naman, okay lang yun.

"Mabigat talaga yun. Mabigat ang aquarium.

"At kung kinakailangan naman ng tulong ko ng mga ganoong simpleng bagay, e, bakit naman hindi, di ba?”



ROM-COM. Romatic-comedy ang tema ng She’s The One, na unang pagtatambal nina Dingdong at Bea Alonzo.

Kumpara sa dalawang naunang proyekto ni Dingdong sa Star Cinema—ang suspense-horror na Segunda Mano (2011) at ang heavy drama na One More Try (2012)—malayung-malayo itong She’s The One.

Sabi ni Dingong, “Kasi, kumbaga sa tema, tema pa lang, magkaiba na talaga siya.

"Tulad ng sabi ko, yung aking huling nakaraang pelikula, medyo seryoso at mabigat. At yung isa, may pagka-horror pa.

"This one naman, it’s a light comedy. Romantic-comedy.

"So, it’s different para sa akin, at isang bagay na gustung-gusto ko rin gawin.”

Dagdag niya, “Story siya ng pagkakaibigan at lahat naman tayo, once in our life, e, meron naman tayong mga kaibigan na naging malapit sa atin.

"And it’s not just about romantic love. It’s also a story about friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Istorya ‘to tungkol sa mga taong nawala sa ‘yo.

“Na-realize mo ang importance nila noong nawala na sila, at gugustuhin mo silang bumalik sa buhay mo.”

Tinanong ng PEP si Dingdong kung nagkaroon na ba siya ng ganoong karanasan noon.

Tugon niya, “Well, hindi naman, but siyempre, it’s the whole experience na may mga kaibigan ka na alam mong espesyal sila sa ‘yo.

"Na kung papaano sila mag-influence sa ‘yo. Kahit na sa kabila ng kapalpakan mo, nandiyan sila, di ba?”

Sila raw ni Marian Rivera ay nagsimula rin bilang magkaibigan.

Ayon kay Dingdong, “Well, tulad nga ng sabi ko kanina, dumating, pero nakawala.

"Siyempre, nandoon lang siya before, pero hindi mo naman mari-realize yun hanggang sa nagkahiwalay na kami.

"Dahil after ng show, di ba, mami-miss mo yun?

“So, yun ang mga pagkakataon na maiisip mo, ’Bakit kaya ganun?’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN