Dingdong Dantes "proud to represent" GMA in Star Cinema film

Ipinagkikibit-balikat lamang ni Dingdong Dantes ang opinyon ng ilan na tila nauubusan na ng leading men ang ABS-CBN, kung kaya’t kinakailangang kumuha ng isang Kapuso tulad niya para itambal kay Bea Alonzo. Sabi ni Dingdong, "Alam niyo, may tao talaga para sa role. Na darating sa tamang panahon, tamang oras."


Aminado ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes na masuwerte siya dahil nabibigyan siya ng pagkakataong mag-crossover sa ABS-CBN.

Ikatlong pelikula na ni Dingdong sa Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network, ang She’s The One na pinagbibidahan nila nina Bea Alonzo at Enrique Gil.

Bago ito ay napanood siya sa suspense-horror film na Segunda Mano (2011) at sa drama movie na One More Try (2012).

Nagkamit ng Best Actor trophies si Dingdong sa Metro Manila Film Festival para sa pagganap niya sa mga pelikukang ito.

Labis namang ipinagpapasalamat ni Dingdong ang pagbibigay sa kanya ng ganitong klaseng oportunidad.

Nakangiting sabi niya, “I’m always grateful.

"And like I always say, no matter where I go, I will remain to be an ambassador of GMA and I’m proud to represent.

"That’s why, kung nasaan man ako, I’ll always make it a point to give it my best.

"And to always be the best impression that homegrown talents from GMA can be relied on.”

Kakapirma lang ni Dingdong ng panibagong five-year exclusive contract sa GMA Network noong nakaraang buwan.

Bilang suporta naman ng kanyang home network, nagpadala ang GMA ng TV crew upang i-cover ang presscon ng She’s The One na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, October 7.

Posible bang masundan pa ng panibagong proyekto ang bagong pelikula niyang ito sa Star Cinema?

“Everything is possible,” sagot ni Dingdong.

“Kumbaga, yung inakala ko naman dati na baka yung first, baka walang second.

"Then, after second, walang third. So, everything is possible.”

FIRST TEAM-UP WITH BEA.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama sa iisang pelikula ang Kapuso Primetime King na si Dingdong at ang Kapamilya premiere actress na si Bea.

Base sa trailer na ipinakita sa grand launch ng She’s The One kagabi, nakitaan agad ng chemistry sina Dingdong at Bea kahit ito pa lang ang unang beses nilang nagkatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dingdong kung nakita at naramdaman din niya agad ang chemistry na yun sa pagitan nila ni Bea.

Sagot niya, “Sabi ko nga, e, pagdating ko pa lang sa set, it’s the whole group, the whole team, the director, hanggang sa mga kasama namin.

"Especially, of course, kay Bea, dahil naramdaman ko that they are really generous in terms of yung pagbibigay ng sarili nila.

“Kasi minsan, yun ang kailangan ng isang artista para maging kampante sila, e.

“Kasi, once na may ilang factor agad, medyo delikado.

"And siya, like sa scene namin, naggo-golf kami. Tinuturuan niya akong mag-golf.

"And siya, bilang marunong siyang mag-golf, at ako, hindi naman ako mahilig mag-golf, talagang tinuturuan niya ako.”

Nandoon din daw ang suporta ng real-life partners nila ni Bea, na sina Marian Rivera at Zanjoe Marudo, sa team-up nila.

Sabi nga ni Dingdong, “Like I’ve said earlier, we’re very thankful sa aming mga respective partners, for giving us support dito.

"It makes life easier for us, actors, di ba?”

Hindi rin daw dumalaw sa set ang kani-kanilang mga kasintahan, na ipinagpapasalamat din nina Dingdong at Bea dahil napabilis daw ang kanilang pagtatrabaho.

Mahirap daw kasing magtrabaho sa isang romantic-comedy film kung nanonood ang real-life partners nila.

LEADING MAN. Sa presscon proper naman ay may nagtanong kung nauubusan na raw ba ng leading men ang ABS-CBN at kinakailangan pa nilang kumuha ng taga-GMA, gaya ni Dingdong, para ipareha sa kanilang top actresses.

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

Sabi niya, “Alam niyo, may tao talaga para sa role. Na darating sa tamang panahon, tamang oras.

"Siguro, kung ginawa yung konseptong yun na hindi ako nandoon at iba ang naisip nila, maaaring iba rin.

“Pero, nagkataon siguro na naisip nila na bumagay sa akin ang role. Ganoon lang din naman po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially, halimbawa na lang, sa role ni Ken [Enrique Gil], when we were starting, hindi pa kami sure na siya ang gaganap nun.

"But we were hoping na siya talaga because bagay na bagay sa kanya ang role.”

Speaking of Enrique, nalaman namin mula kay Dingdong na kamag-anak niya pala ang Kapamilya young actor.

Nakangiting sabi ng Kapuso actor, “Yes, we are relatives, but to what degree and what extent, we need a whole day para ipaliwanag.

“Ganito na lang kasimple. Yung lola niya, noong naglakad sa aisle nang ikasal siya, ang naghatid sa kanya, e, ang lolo ko.

"That’s how close our family is.”

Magkakilala na sila bago pa man mag-artista si Enrique?

“Yes, even before. Yung mommy ko at ang daddy niya, sobrang close rin,” sabi ni Dingdong.

Kung ganoon, hindi pala sila iba ni Enrique. Paano niya sinuportahan si Enrique sa pelikula nila?

“Noong malaman ko na makakasama ko siya, I was so excited.

"Even when I found out na siya ang gaganap sa role, sabi ko, ’Sana siya, sana siya,’” sabi ni Dingdong.

Biniro naman namin, talagang lahi pala sila ng mga guwapo. Bukod kasi sa kanila ay nasa showbiz din ang mga pinsan ni Dingdong na sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez.

Natatawang sagot naman ng aktor, “Kaya nga proud ako na kamag-anak, talagang guwaping na guwaping at saka mabait!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN