Patrick Garcia tackles fatherhood for the second time with more mature outlook

Patrick Garcia is happy in her relationship with non-showbiz girlfriend Nikka Martinez, the mother of his second daughter.


Iwas nang pag-usapan ng aktor na si Patrick Garcia ang tungkol sa ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at ang anak nilang si Alex Jazz.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakikita at nakakasamang muli ni Patrick ang kanilang anak.

Pero pag-amin niya, “Gusto kong makita ang anak ko. Yun ang major wish ko—ang makita siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Patrick sa Marikina Sports Complex noong Linggo, October 6, sa selebrasyon ng 60th anniversary ng Kapamilya Network sa ASAP.

PATRICK’S FAMILY. Bukod kay Alex Jazz, may isa pang anak na babae si Patrick sa kanyang present non-showbiz girlfriend na si Nikka Martinez.

Chelsea ang pangalan ng seven-month-old daughter nina Patrick at Nikka.

Kumusta ang pagiging ama, sa ikalawang pagkakataon?

Sagot ni Patrick, “Okay naman, happy. Marami siyempreng nabago.

"Yung pagiging tatay, kina-career ko... yun.

“Mas may focus, mas responsable, mas may direksiyon ngayon.”

Tahimik ang takbo ng relasyon nina Patrick at Nikka. Nagsasama na sila sa iisang bubong, kapiling ang kanilang baby.

Si Nikka na ba ang babaeng gusto niyang pakasalan?

Ayon sa 32-year-old actor, “In the future, mayroon namang balak.

“Oo naman, nakita ko na sa kanya yung babaeng gusto kong pakasalan. Mas maganda, kasi walang gaanong intriga, mas tahimik.”

Very proud nga si Patrick sa kanyang 24-year-old non-showbiz girlfriend at sa kanilang anak, at pumayag siyang mai-cover sila sa Smart Parenting magazine ngayong buwan ng Oktubre.



ANNALIZA. Kabilang si Patrick sa cast ng early primetime series ng ABS-CBN na Annaliza.

Masaya ang aktor dahil extended ang kanilang programa hanggang February next year.

Sabi ni Patrick, “Yes, mataas na mataas ang ratings namin. Salamat sa mga sumusuporta na mataas ang ratings namin. Hanggang Feb pa kami, masaya siyempre.

“Siyempre, nagpapasalamat sa Diyos, sa blessings, na nagustuhan ng tao ang Annaliza. Sana tuluy-tuloy pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami pang mga revelations, marami pang mga twists na dapat nilang abangan.”

Labis din ang pasasalamat ni Patrick dahil naging bahagi siya ng 60th anniversary ng Kapamilya network.

Saad niya, “I’m happy and I feel honored na kasama ako sa celebration ng 60 years ng ABS-CBN.

“Siyempre dito ako lumaki, nagkaisip. Dito rin ako nakilala bilang isang artista.

“Ngayon, nandito pa rin ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN