Sheena Halili reveals StarStruck Batch 1 may hold 10th anniversary show

Sheena relishes that even if it has been 10 years since their StarStruck days, she and her batchmates remain in touch.


Ngayong Oktubre ang ika-sampung anibersaryo ng kauna-unahang reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck.

Sa unang batch nagmula sina Jennylyn Mercado (Ultimate Female Survivor), Mark Herras (Ultimate Male Survivor), Yasmien Kurdi (First Princess) at Rainier Castillo (First Prince).

Pati na sina Katrina Halili, Cristine Reyes, Dion Ignacio at Sheena Halili, na masasabing gumawa rin ng sarili nilang mga pangalan sa industriya, ay nagumpisa StarStruck.

Kaugnay ng 10th anniversary ng StarStruck, ibinalita ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagbabalak silang magkaroon ng isang show para ipagdiwang ito.

“Sana talaga this year o early next year, maumpisahan na namin.

“Kasi this October talaga ang anniversary namin, na ten years na kami dito sa show business. Sa batch naman namin, halos lahat naman kami, nandito pa, e.

“Ang talagang unang na-push nang husto lang sa Batch 1, si Mark, si Jen [Jennylyn]. Tapos, si Yasmien, si Rainier.

“Pero nandiyan pa rin si Jade [Lopez], si Dion. Si Anton [dela Paz] naman, okey yung work niya. Si Christian [Esteban], nasa States. Si Cristine, okey din ang career niya ngayon.

"So, okey naman kaming lahat.

“Ang ano lang talaga, siyempre si Tyrone [Perez], wala na,” pagtukoy ni Sheena sa yumao nilang ka-batch.

Sumakabilang-buhay si Tyrone noong December 29, 2011, dahil diumano sa pagsu-suicide.

KEEPING IN TOUCH. Kamakailan, may mga lumabas na pictures sa Instagram na kuha mula sa reunion ng StarStruck Batch 1.

Kuwento ni Sheena, “Masarap din yung… ten years na ang nakakaraan simula noong StarStruck days namin, pero may time pa rin kami para magsama-sama.

“So, nag-bonding kami, nag-badminton kami together.

“Tapos, may mga balak pa kaming magba-bike together, magdya-jogging, magdyi-gym, magsu-Zumba. Ang dami naming plans.

"Pero yung isang project na para sa buong batch namin, inaayos pa.

“Pinag-uusapan pa kung anong way na puwede naming gawin na mga Batch 1 para mapasaya ang fans."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito nga ang sinasabi ni Sheena na anniversary show na pinaplano ng kanilang grupo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN