Enrique Gil admits to getting affected by kissing scene with Bea Alonzo

Sa pelikulang She’s The One ay ginagampanan ni Enrique Gil ang papel ng isang binatang nagkagusto sa isang babaeng mas matanda sa kanya. Sa tunay na buhay kaya ay mangyayari sa kanya iyon? Sagot ng binata, "Kung mahal mo talaga yung tao, may something na hindi mo mapigilan. So, siguro, puwede."


Pinatutunayan ni Enrique Gil na karapat-dapat siya sa titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN bilang “The Next Ultimate Leading Man.”

Palaki nang palaki ang mga role na ginagampanan ni Enrique at ang mga proyektong ginagawa niya.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Enrique sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng ABS-CBN, Star Cinema, at Star Magic.

Pagkatapos siyang masubaybayan sa ABS-CBN primetime teleseryeng Muling Buksan Ang Puso, na nagtapos kamakailan lang, mapapanood naman si Enrique sa pelikulang She’s The One sa ilalim ng Star Cinema.

Mula sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz, ipalalabas ito sa mga sinehan simula Oktubre 16.

Sa presscon ng She’s The One noong Oktubre 7, Lunes, sa Dolphy Theater, inihayag ni Enrique ang kasiyahan na mapabilang sa mga bida ng pelikula.

Proud daw siya dahil kasama niya rito sina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.

Sabi ni Enrique, “Siyempre, sobrang saya po.

“I mean, never ko na-imagine na makakasama ako sa pelikula, o makakasama ko si Dingdong at saka si Bea.

“So, nung sinabi pa lang [sa akin]… before excitement, it was really pressure talaga. Kailangang ibigay mo rin.

“I don’t know, sobrang saya lang. I just got to do what I got to do.”



POSSIBLE TO LOVE AN OLDER WOMAN. Sa She’s The One, mai-in love ang character ni Enrique sa babaeng mas matanda sa kanya, na ginagampanan naman ni Bea.

Sa totoong buhay ba ay posible ring mangyari ito sa kanya?

Sagot ng Star Magic talent, “Oo, para sa akin, kung mahal mo talaga yung tao, may something na hindi mo mapigilan. So, siguro, puwede.

“Nothing is impossible naman. Kung may something, may something talaga.”

Kung nagkataong hindi boyfriend ni Bea si Zanjoe at single ito, posible kayang ma-in love si Enrique sa aktres?

“Well, unang sasabihin ko talaga, sobrang bait ni Bea, sobrang maalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa sobrang bait niyang tao, sino ba naman ang hindi mai-in love sa isang napakaganda at napakabait na tao?”



KISSING SCENE WITH BEA. Sa pelikula ay may kissing scene si Enrique with Bea.

Inamin ni Enrique na ito ang first onscreen kiss niya.

Rebelasyon pa niya, noong una raw ay wala naman talaga dapat kissing scene.

“Kasi noong una, sinabi sa akin, wala namang kissing scene. ‘A, okay.’

“Pero nung nagsu-shoot na kami, bigla nilang naisip… binago na.

“Sabi ko, ‘O talaga? Ow!’ Nung binabasa ko yung script, ewan ko, hindi ko ma-explain, e.

“Sana magawa ko nang maayos. Yun ang iniisip ko.”

Paano niya pinaghandaan ito?

“Nag-mouthwash ako nang solid! Hindi, joke lang,” biro niya.

How was it?

“First kissing scene ko sa… yung solid na kissing scene.

“Doon nga sa eksena, ako pinapawisan, si Bea wala lang.

“Pero okay naman dahil napakagaling ni Bea.”

Nang magtawanan ang mga tao, kaagad itong sinegundahan ni Enrique, “Artista, na artista!”

Hindi man nasabi kung ilang takes ang kissing scene nila, ayon naman kay Enrique, “May variations. Pero nakuha naman namin.”

Sa presscon ay kapansin-pansin ang pagiging conscious at pagka-tense ni Enrique, na tila may halong kilig, lalo na kapag napag-uusapan ang kissing scene nila ni Bea.

Direkta tuloy itinanong ng PEP sa binata kung crush niya ba si Bea.

“Ito naman, ganun kaagad?” nangiting reaksiyon ni Enrique.

“Siyempre, naiilang kasi ako. First kissing scene ko talaga na ganung level, na solid na kiss.

“Tense talaga, kahit sino namang una siguro… wala, nate-tense lang talaga ako.”

Nadala ba siya sa kissing scene nila?

“Oo naman,” pag-amin ni Enrique, pero tila lalo siyang na-conscious.

Paliwanag tuloy niya, “Siyempre, nakakadala yung eksena.

“Kasi pag hindi ka nadala, hindi maganda. Dapat madala talaga.”



THE ONE FOR HIM. Natanong ang male cast members ng pelikula kung paano nila masasabi kung ang babae ay “she’s the one” na para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Enrique, “Yung sa akin, yung feeling na hindi mo ma-explain kung bakit.

“May something lang talaga na hindi mo ma-explain.”

May nakikita ba siyang ganun ngayon?

“Right now po? A, wala pa.

“It would take time siguro, it would take a lot of time to get to that level.”

Ang huling naging girlfriend ni Enrique ay ang TV host-actress na si Coleen Garcia, na kasama rin sa cast ng She’s The One. Nag-break sila bago pa pumasok sa showbiz si Coleen.

Bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend ulit?

Sagot ni Enrique, “Wala, wala talaga, e. Siguro wala pa kasi hindi ako yung tipo na naghahanap.

“Ayoko nang naghahanap, I just want it to come.

“Pag nakilala mo siya, ganun. Ayoko nang hinahanap, e.”

Si Julia Montes ba, na nakasama niya sa Muling Buksan Ang Puso, ay hindi niya nililigawan?

“Ay, hindi po. We’re friends, friends kami. Super naging close kami doon sa soap,” sagot niya.

Bukod kay Bea, may isa pang ka-loveteam si Enrique sa She’s The One, ang baguhang si Liza Soberano, na gumaganap naman bilang best friend niya sa pelikula.

Posible bang magtuluy-tuloy ang loveteam nila ni Liza sa totohanan?

“Siguro sa age kasi… so, alam ko, hindi pa ready si Liza.”

Si Enrique ay 21 years old na, habang si Liza ay 15 pa lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN